Chapter 19: Your Pain

8.1K 309 37
                                    

Kaagad tumiim ang kaniyang tingin sa gwapong mukha ni Henrik. Hawak-hawak nito ang kaniyang isang kamay at kung tama ang kaniyang nababasa, nag-alala ang mukha nitong nakatunghay sa kaniya.

"W-what are you doing here?"

"Really? You are asking me that?" May bahid na galit ang boses nito pero saglit lang iyon. "How are you feeling right now, Trinity?"

Umilap ang kaniyang mata. Gusto niyang bawiin ang kaniyang kamay na hawak nito pero wala siyang lakas para gawin iyon. Bakit hindi niya gusto ang pag-alala na nasa mukha nito?

"I'm fine. What did my doctor say?"

"We'll talk about it later. Right now, all you need is rest."

Hindi siya sumagot. Saka niya naalala si Favio kaya mabilis niyang nilibot ang tingin para hanapin ang binata at nakita niya itong nakaupo sa sofa, nakatingin sa kanila. Especially sa kaniya.

"Favio..."

"Yeah?" Bahagya itong ngumiti.

"Sorry I made you worry but thank you..."

"Don't mention it."

Tumango siya at muling binalik ang tingin kay Henrik saka niya naalala si Serenity! Biglang napaunat ang kaniyang katawan.

"I never told anyone, not even your sister and when Favio called, I ran here right away. God, trie! You scared the hell out of me!"

Nakahinga siya nang maluwang sa narinig. Walang alam si Serenity. Good. Ayaw niyang mag-alala rin ang kapatid niya.

"My Doctor informed you both that I have a brain tumor, am I right?"

"Yeah." Sabay na sagot ng dalawa.

"Then why are you still here?" Tumingin siya kay Henrik.

Sa sinabi niyang iyon, humigpit ang pagkakahawak ni Henrik sa kaniyang kamay. May gusto itong sabihin pero pinili nitong huwag magsalita. Basta lang nakatitig sa kaniya ang kulay ginto nitong mata.

"Trie..."

"What's keeping you here, Henrik? You're supposed to be with your teammates or my sister. You see, I'm okay. Hindi mo na kailangan manatili sa tabi ko para damayan ako. Kaya ko ang sarili ko, Henrik. Kaya ko ang sarili ko. After all, my brain tumor, isn't particularly dangerous. It can be cured, and it can be removed from my head with just one surgery. So yeah, you can go."

"Ano ba ang pinagsasabi mo?"

Hindi na siya nagulat nang sagutin siya nito sa tagalog. Marahil ay sinadya rin ni Henrik para hindi sila maintindihan ng pinsan nitong si Favio.

"I'll buy my coffee outside." Kaagad na tumayo si Favio at lumabas.

Sila na lang ang naiwan ni Henrik sa loob ng silid na iyon habang hawak-hawak pa rin ang kaniyang kamay. Wala yata itong balak bitawan ang kaniyang kamay.

"You can let go off my hand."

"Why did you hide this from your family?"

"Kung nandito ka lang para sermunan ako, please just leave. I don't wanna explain myself why I am doing this. You wouldn't understand."

"Try me."

Ngumiti lang si Trinity at pinikit ang mata. Bakit niya sasabihin in the first place kay Henrik ang sakit niya, 'di ba? Ano ba ang meron sa kanila? Kung sinabi niya ba ang kaniyang totoong sitwasyon, may gagawin ba ito? Mananatili ba ito? Maawa? Ano ba?

"I wanna go home..."

"Trinity..."

"Would you please inform my Doctor that I would like to speak with him alone?" Nagmulat siya ng mata. She meant it. Kailangan niyang kausapin ang Doctor. 

Napabuntong-hinga si Henrik sa kaniyang sinabi at matagal muna siyang tinitigan. "Okay." Saka ito tumayo at lumabas.

Habang siya ay napatingin sa pintuan na nakasara. Parang binugbog ang kaniyang katawan pero sapat na iyon para maigalaw niya ang mga kamay at paa.

Ang kaniyang ulo naman ay hindi na masakit at mabigat. Aside sa masakit ang kaniyang katawan, wala na siyang ibang nararamdaman sakit. She's okay. Iyon ang alam niya ngayon.

Ilang sandali pa ay pumasok ang Doctor na tumingin sa kaniya. Masaya ito nang makitang gising na siya at nakakapagsalita na. Habang si Henrik ay hindi na pumasok. Sinunod nito ang kaniyang pakiusap na gusto niyang kausapin ang Doctor ng sarilinan.

"I'm going to be honest with you, Trinity. Your brain tumor is rapidly spreading."

"What exactly do you mean?" Kinakabahang tanong niya sa Doctor.

Napabuntong-hinga ito at umupo sa isang upuan. Tinanggal nito ang suot na salamin sa mata at mariin siyang tiningnan. "We can't perform any surgery. Removing your tumor from your brain is extremely dangerous, Trinity. Astrocytoma can be a slow-growing tumor or an aggressive cancer that grows quickly, and right now, your tumor is located near your sensitive brain tissue..."

Napaawang ang kaniyang labi sa narinig. Pinag-aralan niya ang mukha ng Doctor hanggang sa tuluyan bumagsak ang kaniyang luha.

Wala siyang maapuhap na sasabihin. Does it mean, mamatay siya? Napangiti siya nang mapait habang malayang dumaloy ang kaniyang luha.

So be it. Ilang buwan palang ang nagdaan mula nung nalaman niyang  may tumor siya at ngayon, nakakagulat ang balitang hindi na kayang operahan ang namumuong tumor sa kaniyang utak. Kung sabagay, wala siyang dapat sisihin kundi sarili niya lang.

"How dangerous is it? Or, to put it another way, how long am I going to live?"

"Trinity..."

"Are there any other options, such as chemotherapy or radiation therapy?"

"Unfortunately, no."

Pinunasan niya ang kaniyang luha. Kaya pala hindi umalis si Henrik. Kaya pala nanatili sa tabi niya ito hanggang sa nagising siya. Ipupusta niyang alam na ni Favio at Henrik.

Mapait siyang ngumiti. Ano pa nga ba ang halaga kung mabubuhay siya?

"How much time do I have? You can tell me, I'm not afraid."

"1 to 2 years."

Napalunok siya sa narinig. Ambilis lang pala. Okay, hindi siya magtatanong kung bakit. May isa o dalawang taon pa siya para mamuhay.

"I'm so sorry Trinity..."

"Nah, it's okay. I'm grateful i am still alive today. Can I go home after this?"

"Yes you could. I'll give you another dose of medicine, and this time you must drink it."

Tumango siya. Isa o dalawang taon? Pwede na iyon. Kahit ayaw niya ng gamot, this time iinumin niya. Saka, kailangan niyang umatted sa kasal ni Serenity at Henrik.

Matapos silang mag-usap ng Doctor at binilinan ng dapat niyang gawin at kung anong posibleng mangyari habang dala-dala niya ang sakit na ito, nagpaalam na ito at iniwan siya mag-isa sa silid.  Saka naman pumasok si Henrik na puno ng awa ang mata na nakatunghay sa kaniya.

Agad niyang binaling ang tingin sa ibang bagay. Hindi niya kayang salubungin ang mata nitong kulay ginto.

"I'll take you home."

"Ha?" Napatingin naman siya rito at sa kaniyang gulat, masuyong ngumiti si Henrik. Bigla tuloy naging abnormal ang tibok ng puso niya.

"Dadalhin na kita pauwi. Sasama ka sa akin, Trinity."

Sasama? Gusto niya pa sanang magsalita pero nakalapit na sa kaniya si Henrik at isang mahigpit na yakap ang binigay sa kaniya na hindi niya kailanman inaasahan.

"W-what happened?" Hanggang lalamunan lang niya iyon. Nagulat siya. Bakit naging ganito ang reaksyon ni Henrik. Hindi pa naman siya mamatay.

"Your pain is my pain, Trinity..."

At nalaglag puso niya.

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon