Chapter 30

2.2K 30 6
                                    

Diagnosis

Kumikinang ang buong paligid. Iba-ibang kulay ng ilaw ang kumiskislap sa bawat sulok. Kahit saan ako mapalingon, ramdam ko ang simoy ng pasko. Pero ang totoo niyan, malungkot ang pasko ko ngayong taon.

"Ate K!" Tawag sa akin ni Liatris sabay kalabit sa balikat ko para kunin ang atensiyon ko.

"H-Huh?" Nilingon ko ang babaeng nasa tabi ko na busy sa paghahanap ng regalo para sa mga magulang niya.

Nasa mall kami ngayon dahil inaya kami ni Liatris na mag-shopping ng regalo. Wala rin naman daw akong gagawin kung mag-isa lang ako sa mansion.

"What do you think of this?" Ipinakita sa akin ni Liatris ang isang bestida na kulay puti na may mga linyang itim. "Do you think magugustuhan ni mom?"

"She has that exact same one," sagot ng isang lalaki na biglang dumating sa may section namin.

Tinignan ko si Markell na nakaporma na parang pupunta sa isang board meeting. Nakataas pa ang buhok nito as usual kaya nagmukha siyang CEO ng isang kumpanya.

"What? Iba kaya 'to," Liatris defended, pouting at her older brother. "Look at these details!"

The guy just shook his head in disbelief, turning to me. "Gutom ka na ba, K? Alam kong gutom ka na. Alas-tres na."

"Kayo," sagot ko. Hindi pa naman talaga ako gutom kahit na kanina pa kami naglilibot dito sa mall. Halos napasok na namin lahat ng designer shops at hanggang ngayon ay wala pa ring napipili si Liatris.

"I have to find them gifts first," Liatris stated, putting back the dress in the aisle.

"Balikan ka nalang namin dito. Okay, Tris?" Sabi ni Markell at nang tumango ang kapatid niya, hinila niya ang kamay ko at kinaladkad ako palabas ng Chanel store.

"Bakit mo ko hinila? Walang kasama si Tris dun," reklamo ko kay Markell habang hawak pa rin niya ang kamay ko.

"Hindi ka pa kumakain simula kanina. Hindi ka nag-breakfast at lunch," he pointed out.

I pressed my lips, exhaling a breath. "Hindi naman kasi ako gutom."

Markell sighed. "K, alam kong nag-aalala ka kay Enrico, but please, huwag mo namang pabayaan ang sarili mo."

Napatigil ako sa sermon ng best friend ko.

"Let's go." Hinayaan ko na ring hilain ako ni Markell sa kung saan niya gustong kumain.

Napadaan kami sa isang candy store at nakita ko ang naka-display na jar na may lamang lollipops sa loob. Napatigil ako para tignan ito.

"K, ano'ng tinitignan mo dyan?" Tanong ni Kell.

"Yung mga lollipop."

He squinted at me. "Lollipop? Kanino mo ibibigay?"

"Kay Jalen," I said too quickly.

Hindi sumagot si Kell agad. Ilang segundo ang lumipas bago siya nagsalita ulit. "Ano'ng ibibigay mo sa akin?"

Napatingin ako sa kanya. His face looked expectant with his raised brows. "Wala. Nasa iyo naman na lahat."

Kell looked away. "Not really."

"Ano bang gusto mo?" Tanong ko.

He stared at me. "You know what I want, K."

"Kell, akala ko ba okay na tayo?" I told him.

"Alam ko namang hindi mo maibibigay, so I'll take whatever you can give," agad naman niya itong binawi kaya nakahinga ako ng maluwag.

The Lollipop Project [Gen L Society #1]Where stories live. Discover now