Chapter 3

4.7K 74 81
                                    

Stalker

"Kung inamin mo lang sana ang feelings mo kay Kell, eh di sa'yo sana siya magpo-propose ngayon," boses ng aking kaibigan ang nakakuha ng aking atensiyon habang nakaupo ako sa silya sa loob ng isang coffee shop.

Inayos ko ang pag-upo ko at tumingin sa babae na nakasuot ng vintage sunglasses na alam kong galing sa paborito niyang designer bran. Si Brianna Castillo lang naman ang walking human Dior sa campus at dahil galing siya sa angkan ng mga artista at modelo, may reputasyon siyang inaalagaan.

Tinanggal ni Bri ang sunglasses niya, exposing her heavy eyeliner. "Anyway, sino nga yung guy na tumulong sa mama mo?"

I exhaled a breath. Sabi ko na nga ba, kung hindi si Kell ang topic namin ay ibang lalaki naman. "Wala. Hindi ko alam."

Namilog ang mga mata ni Brianna. "Girl, baka mamaya stalker mo."

Kumunot ang noo ko. "Stalker? Eh first time ko nga siyang makita."

"Exactly! I suggest mag-ingat ka pa rin. Tsaka isa pa, baka may magselos."

I pressed my lips, unamused. "Sino naman ang magseselos eh wala naman akong boyfriend?"

"Mag-move on ka na kasi sa one-sided love mo sa bestfriend mo." She taunted me with her magenta lips as she twirled a few strands of her long ash blonde hair.

"Koleen?" Biglang may tumawag ng pangalan ko at nang inulit pa nito, doon ko na-realize na 'yong barista ang tumatawag sa akin.

Napatingin ako kay Brianna. "Hindi ako umorder nun. May kape na ako."

"Just go get it. Baka libre niya." Brianna wiggled her brows at me.

Sighing, lumapit ako sa may counter para kausapin ang barista. "Ah, sorry. Hindi ako umorder niyan."

"May nagpapabigay lang, ma'am." Tumingin yung barista sa table sa may gilid kaya sinundan ko ang tingin niya.

I took the cup from him and walked towards the stranger on the corner of the shop. "Hi. Sa'yo ba galing 'to?"

Napakamot sa ulo yung lalaki na naka-flannel shirt habang nakatingin sa akin. "Yes, I heard you like chai. I'm Rance, by the way." He held his hand out with a smile.

"Hi Rance," bati ko pero hindi ko kinuha ang kamay niya. Mukhang nasa high school palang siya kaya ayaw kong i-assume niya na okay lang ito sa akin. "Salamat sa kape ha pero hindi ako tumatanggap ng libre sa hindi ko kilala."

Napangisi siya na para bang inexpect na niya ang sagot ko. "André's right. You're a challenge."

I narrowed my eyes at him. "André? As in Alex André?" Inulit ko, trying to confirm if what I heard from him was right.

Rance lifted his hand, pointing outside the window and true enough, I saw André leaning on his black motorbike. Kasama rin niya yung ibang kaibigan nila sa labas na nagtatawanan habang nakatingin sa direksiyon namin.

I pressed my lips, turning to Rance again. Pinilit kong huwag magalit sa inosenteng lalaki sa harap ko pero hindi ko mapigilang hindi magalit. What the hell?

"Sorry miss, ni-dare lang ako ni André. Nice meeting you ulit." Tumayo na si Rance at agad agad na lumabas sa coffee shop. Muntik pa siyang madapa sa daan dahil sa pagtakbo niya.

Bumalik na rin ako sa table namin ni Brianna at sinalubong niya ako ng isang nakakapikon na tawa. "Bakit mo naman tinakot yung manliligaw mo?"

I shook my head at her. "Naghe-hazing na naman siguro sila at ginawa pa akong dare ng lalaking yun. Kainis." Napatingin ulit ako sa labas at nakita kong humarurot na 'yong mga sasakyan nila palayo sa coffee shop.

The Lollipop Project [Gen L Society #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon