Chapter 13

3K 43 18
                                    

Act One, Scene One

"Okay, cut!"

I twisted my head to the side, looking at the guy standing beside me. Hawak ni Jalen yung camcorder habang naka-focus ito sa fountain sa harap namin kung nasaan yung mga actors para sa film project na ginagawa namin para sa Gen L Soc. Nandito kami ngayon sa mansion ng mga Atkinson dahil maganda ang location at wala na rin namang ibang tahimik na lugar na pwede naming puntahan.

Nagbabangayan ngayon yung lalaki at babae sa di kalayuan. Tumakbo palayo yung babae at hinabol naman ito ng lalaki. Wala ito sa script kaya hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngayon sa dalawang iyon.

Napatingin ulit ako sa notebook ko kung saan ako nagsusulat ng scenes para sa script. Nagsusulat naman ako dati ng fiction pero hindi talaga ito ang forte ko. Ang hirap pala magsulat ng romance.

"I don't think it's a good idea for them to do this project," biglang sabi ni Jalen sa tabi ko.

I glanced at him. "Di ba ikaw ang nag-suggest na kunin sina Liatris at André?"

Binaba ni Jalen ang camcorder na hawak niya at umupo na rin sa tabi ko. "Do you know anyone who would agree?"

Binalik ko ang atensiyon ko sa notebook na hawak ko. "Sana nagtanong nalang tayo sa mga Theatre Arts students."

"I thought they might be busy with their activities."

Tumango nalang ako. Ano pa ba ang magagawa namin?

"Ate K!"

Someone called out, swerving my attention and saving the guy beside me from impending death.

Liatris showed up in front of me, her long brown waves covering her exposed collarbone. "I don't think I can do this with him here." Tinuro niya yung lalaki na papalapit na rin sa amin.

"I'm afraid you have no choice." Inayos ni André yung snapback sa ulo niya sabay kibit ng balikat.

Liatris folded her arms over her chest, glaring at the guy standing almost the same height as her. "Kuya, hindi ba pwedeng iba nalang?"

Jalen shrugged. "I don't know anyone who is willing to do this project."

"I can't believe this!" Liatris stomped her feet, marching forward and squeezing herself in between me and Jalen on the bench.

André shook his head in dismay. "Why are you sulking?"

"Guys, konti lang ang oras natin para gawin itong project. Kung hindi kayo magkakasundo, I suggest humanap kayo ng bagong actors para matapos na ito," I butted in, trying not to burst out in annoyance.

Liatris pursed her lips, her nose scrunching up a bit. "Sorry ate K."

Napangiti ako nang makita ko ang parehas na mannerism ni Liatris at Kell na pagkunot ng ilong nila sa tuwing alam nilang may kasalanan sila. Ang cute lang. At naalala ko ulit si Kell.

"How do you want us to act this scene together?" André asked, showing me the paper that I gave them earlier.

Act one, scene one: first meeting of two strangers.

Hopeless romantic girl meets lonely boy while wishing in front of a fountain.

"Tatayo lang kayo sa magkabilang side ng fountain and then sabihin niyo yung lines niyo," I directed.

"Ate K, can you tell me how do you want me to say those lines?" Liatris asked.

Standing up, I looked at the paper and memorized the first line. Huminga ako ng malalim at pumikit ng ilang segundo. "Sana dumating na ang prince charming ko."

The Lollipop Project [Gen L Society #1]Onde histórias criam vida. Descubra agora