Chapter 28

2K 34 11
                                    

Lifeless

Warning: This chapter contains sexual scenes only intended for mature audiences. If you're not comfortable or if you're a minor, please skip the last part. Please read with care.

Sampung oras na ang nakalipas simula nung magwala ulit si Jalen. Nasa loob lang siya ng kwarto niya. Gusto ko siyang kausapin pero sabi ni Markell na mas mabuting iwan muna namin siya hanggang sa dumating yung psychiatrist na ni-hire ng mga magulang nila.

Pero hindi ako mapakali. Kanina pa ako pabalik-balik sa hallway sa labas ng kwarto ni Jalen. Umaasa ako na baka buksan niya ang pinto para lumabas ng kwarto niya saglit. Pero wala. Simula kaninang umaga, nasa loob lang siya. Nag-aalala ako na baka may gawin siya sa sarili niya.

"K, okay ka lang?" Napahinto ako sa paglalakad sa boses ni Brianna.

Pagtingin ko sa kanya, nakabihis na siya. Ihahatid siya ni Markell pabalik sa apartment niya. Ang plano ko naman talaga ay ang samahan siya pauwi pero nang dahil sa nangyayari ngayon kay Jalen, hindi ako pwedeng umalis.

"Sorry, Bri. Hindi na kita maihahatid," sagot ko.

"Okay lang. Sorry rin kung pinilit ko ang sarili ko kay Jale kahit na alam ko naman na may feelings kayo sa isa't-isa."

"Bri, hindi-"

Brianna reached for my hands, squeezing them. "Basta K, alam kong ikaw ang kailangan ni Jale. At kung may tao mang makakatulong sa kanya, ikaw yun."

Hindi na ako nakaimik pa. Hindi naman ako galit sa kanya. Alam kong gusto lang rin niyang maramdaman ang magmahal ulit. Sa tagal ba naman nila ni Tyler. Malaki ang naiwang puwang sa puso ni Bri at gusto niya itong punuin ulit.

"K, thank you kasi lagi kang nandyan para sa akin. Kahit na hindi ako mabuting kaibigan sa'yo," pagpapatuloy ni Bri.

"Bri, ano ba'ng sinasabi mo dyan," I assured her, hugging her tight.

"I'm really sorry," Brianna mumbled.

"Bri, okay na. Wala kang kasalanan kaya hindi ka dapat mag-sorry," I assured her, tapping her back.

"Let's go?" Boses ni Kell ang nagpahiwalay sa amin ni Bri. Nakatingin sa akin si Kell nang bitawan ko si Bri sa aking yakap. "Babalik ako agad," sabi nito.

Tumango naman ako at umalis na rin sila.

#

Ilang oras pa ang nakalipas at nanatili lang ako sa labas ng kwarto ni Jalen. Nangawit na rin ako kakatayo kaya umupo nalang ako sa labas ng pintuan niya. Buti nalang at walang ibang tao dito sa mansion. Ang lolo naman nila sigurado ay nasa kwarto lang o di kaya ay nasa hardin nila sa may likod.

Dahil sa lawak ng mansion, wala akong ibang marinig kung hindi ang sarili kong paghinga. Nilapit ko ang tainga ko sa pintuan ni Jalen. Wala akong marinig. Tulog na ba siya?

Kumatok ako sa pintuan niya ng isang beses. Walang sagot.

Kumatok ako ng dalawang beses. Wala pa rin.

Kakatok ulit sana ako nang biglang may lumabas na papel galing sa ilalim ng pintuan niya. Nagulat pa nga ako dahil akala ko may insektong lumipad. Kinuha ko yung nakatuping papel na saktong tumigil sa may harap ko at binuksan ito.

Konstant

Nakasulat ang pangalan ko sa gitna ng papel. Agad akong tumayo sa kinauupuan kong sahig at tumungo sa kwarto ko para kumuha ng ballpen. Nakahanap na ako ng paraan para makausap si Jalen. Kung sa ganitong paraan siya kumportable ngayon, dito ko siya kakausapin.

The Lollipop Project [Gen L Society #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon