Chapter 18

2.4K 36 23
                                    

Curse

There was no one who would understand my rage right now. Hindi naman ako magagalit ng ganito kung sinabi lang sa akin ni papa ang totoo simula pa lang.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko habang umiinom ng avocado smoothie na binili ko sa cafeteria. Normally, hindi ako umiinom ng smoothie sa gabi, but it was the only way I could get energy without the caffeine. Mahirap na baka makatulog pa ako sa duty. Isang oras nalang naman at matatapos na rin ito.

"Konstant?" A voice interrupted my anger and when I looked up, I saw a guy in a doctor's coat looking at me. May lollipop ulit siya sa bibig niya. Pati ba naman sa duty may dala siyang lollipop.

"Jalen?" Nagulat ako nang makita ko siya. Alam ko namang intern rin siya dito sa university hospital pero ang weird lang na parehas rin kami ng shift.

Tahimik siyang umupo sa harap ko. Wala namang masyadong tao ngayon dito sa cafeteria dahil tapos na ang oras ng hapunan. Nandito lang naman ako kasi wala nang ibang gagawin sa shift namin. Hinihintay ko nalang yung ibang duty mates ko na nagpo-plot sa chart.

"About last time..." He finally spoke as he removed the lollipop in his mouth. "I'm sorry you had to learn about your mom that way."

"Okay lang," I told him, putting my cup of smoothie on the table.

Jalen suddenly handed a paper bag to me. "Here. Have some."

Binuksan ko yung bag at agad kong naamoy ang mabangong muffins. Kahit na tapos na akong kumain, nagutom ulit ako sa amoy nito. "Hindi na. Kainin mo na 'yan. Baka hindi ka pa kumakain ng dinner."

Jalen shook his head. "Hindi ako gutom."

I stifled a soft laughter. "Magaling ka na palang mag-Tagalog?"

"Dahil sa'yo," he remarked.

Napangiti ako sabay kuha ng paper bag na bigay niya. "Kung kakain ba ako, kakain ka rin?"

Jalen paused, looking at me with his sparkling gray eyes. "Okay."

Agad akong kumuha ng muffin sa bag at kinagat ito. "Ang sarap naman ng banana muffin na 'to."

Jalen chuckled. "I'm already full just looking at you eat."

"Naku, tikman mo. Hindi pwedeng tinitignan mo lang ako. Promise masarap siya," pangungumbinsi ko sa kanya.

Kumagat na rin si Jalen sa hawak niyang muffin. Pinanood ko siyang ngumuya na parang bata. May naiwan pang karampot ng muffin sa gilid ng labi niya. Gusto ko itong punasan pero baka may makakita sa amin ngayon. Alam kong hindi magandang nakikitang may nakaupong intern sa harap ng isang student nurse. Marami pa namang Marites ngayon.

"Di ba masarap?" Tanong ko sabay turo sa labi niya para punasan niya ito.

Nodding, he stuck his tongue out to lick the side of his lip. Napalunok ako sa ginawa niya. Bigla akong nauhaw ulit kaya agad akong uminom ng smoothie ko.

"Uh, balik na ako sa station. Baka hinahanap na nila ako." Tumayo na ako bago pa may makakita sa amin dito.

"Konstant, wait. Regarding the project, are you still okay to shoot?" Jalen asked, stopping me from leaving.

Muntik ko nang makalimutan na may ilang scenes pa kaming kailangang tapusin. Tapos kailangan ko pang sabihan sina Liatris and André para magtugma ang schedules naming lahat.

I turned to him with a nod. "Oo naman."

"Sounds good. I've prepared-"

The ringing of my phone cut Jalen's words. Taking my phone out from my pocket, an unknown number flashed on my screen. Unang pumasok sa isip ko ay si papa. Pero bakit naman siya tatawag sa ibang number?

The Lollipop Project [Gen L Society #1]Where stories live. Discover now