Chapter 26

2K 26 33
                                    

Chaos

Natapos rin ang finals week at lahat ay naghahanda na para sa Christmas break. Karamihan sa mga kaklase ko ay uuwi sa mga probinsya nila. Yung iba naman mag-a-out of the country. Naalala ko pa last year nanood lang kami ni papa ng "Home Alone" tapos kumain kami ng niluto niyang spaghetti at lumpia. Tapos gumawa rin ako ng macaroni na paborito niyang dessert.

Ngayong taon hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Siguro bibisitahin ko nalang si mama kung hindi siya papayagang lumabas ng rehab center.

"K, if you want sama ka nalang sa akin sa Tarlac. Mag-Christmas at New Year ka na sa amin," offer ni Hailey habang kumakain kami ng lunch.

"Thanks, Hail. Pero bibisitahin ko si mama sa rehab," sagot ko.

"Oo nga pala. Kumusta na siya?" Tanong nito. Iilan lang ang nakakaalam tungkol kay mama. Maliban kina Jalen, Markell, André at Logan, sina Hailey at Brianna lang ang napagsabihan ko. Sila lang naman talaga ang mga kaibigan ko.

"Okay naman siya. Hindi ko lang alam kung pwede na siyang lumabas," sagot ko habang kumakain ng fries.

Tumango si Hailey sabay subo ng burger niya. "Nakausap mo na ba si Bri?" Biglang tanong niya sa akin.

Umiling ako. Simula nung birthday ni Brianna, hindi na rin siya nakikisama sa amin. Hindi ko alam kung bakit. Okay lang naman sa akin kung sila na ni Jalen. Hindi naman ako galit at wala naman akong karapatan para magalit.

"Hindi ko alam na sila na pala. Nagulat nga ako nung nakita ko si Jale sa apartment ni Bri nung birthday niya," Hailey commented.

I shrugged. "Mas okay na si Jalen kaysa naman kay Tyler."

"K, alam mong hindi yun ang point dito." Hailey sipped her can of Sprite before turning to me again. "May something kayo ni Jale, di ba? At alam ni Bri yun."

"Hail, wala kaming something ni Jalen."

"K, hindi mo ako maloloko. Kitang-kita ko kaya nung kissing booth. Gusto niyo ang isa't-isa," Hailey pointed out.

Napatigil ako. Gusto ko na ba si Jalen? Pero si Markell ang gusto ko.

Maya't maya pa ay nag-vibrate ang phone ko sa mesa. Napatingin ako at nakita ang pangalan ni Markell. Binasa ko ang text niya.

"K, gusto ni Lolo A na sa mansion ka muna mag-stay para may kasama ka sa Christmas break. And before you say no, sorry but you have no choice."

"May paparating na alien." Biglang nag-iba ang timpla ni Hailey sabay busangot ng mukha.

"Hello girls," bati ng isang pamilyar na boses kaya napalingon ako.

"Cap, ano'ng sadya mo?" Tanong ko.

Logan pressed his lips. "Ikaw."

I squinted my eyes. "Ako?"

Logan scratched the back of his head. "Napag-utusan lang ako para sunduin ka at ihatid sa mansion ni Lolo A. Hatid na rin kita, Hailey."

"Paano kung ayaw kong sumama?" Hinamon ko ito.

Nilagay ni Logan ang mga kamay niya sa balikat ko. "Mapipilitan akong gumamit ng dahas."

"Magkano ang binayad ni Kell sa'yo?" Usisa ko.

"Yung puting Jeep niya," sagot naman nito.

Napasinghap ako. Alam kong joke time lang pero kung totoo man, wala akong panlaban sa paboritong Jeep ni Markell.

Standing up from my seat, I raised my hands in the air in defeat. "Okay po sasama na. Pero pwedeng dumaan muna tayo sa bahay?"

"Pwede naman. Tara?" Logan caught my arm, making sure I would follow his lead.

The Lollipop Project [Gen L Society #1]Where stories live. Discover now