CHAPTER 12

16.7K 484 34
                                    

AUDRESYNE

Kinabukasan, nagising ako sa isang malakas na kalabog. Bigla akong naging alerto. I don't know what's happening. Wala pa naman sa akin ang baril ko dahil hindi ko pa nakukuha sa kanila, I forgot that part. Dapat pala kinuha ko na sa kanila ang baril kagabi. There might be something bad happen anytime, especially that I'm in a rebellion's lair.

I immediately get up from the bed. Hinanap ko ang roba upang sana ipang-cover sa suot kong night dress, but I couldn't find it. Sa pagmamadali ay hindi ko nalang iyon inisip at biglang lumabas ng kuwarto.

Napalingon ako sa kabilang pintuan, katabi lang ng aking kuwarto. Nakarinig ako ng sunod-sunod na lagabog. Nakita ko rin ang tatlong penguins na patakbong nagtungo sa aking puwesto. Mukhang nagising din sila sa ingay. I even saw Nay Ariola behind them, puno ng pag-alala ang kaniyang mukha.

"Anong nangyari?" unang bungad ni Corio nang makarating sila sa aking puwesto. Nakita ko pa ang panlalaki ng mata ni Lucino nang mapatingin siya sa akin, he immediately looked away.

"Who's room is this?" I asked while pointing out the room beside mine.

Gabru was about to answer my question when suddenly, the room we were talking about forcedly opened, and an unexpected head of a woman rolled over the floor... stopped beside my feet.

Everyone stilled.

Dahil nakapaa lang ako, randam ko ang pagdaloy ng preskong dugo sa aking talampakan. Nagkatingan kaming lahat. Si Nay Ariola ay halos mawalan ng balanse sa nakita, ang tatlong grand penguins naman ay sabay-sabay na napalunok, kita ko pa ang pagkintab ng kanilang mukha dahil sa tumutulong pawis.

Maya-maya pa ay lumabas sa pintuan ang taong salarin. He's sexily half-naked. Ang tanging suot lang nito ay itim na pajama. Magulo ang kaniyang buhok at sobrang dilim ng kaniyang awra.

"Throw that trash away," his voice is like the howl of the wind on a dark and stormy night.

As our eyes met, his cerulean eyes shouted danger, and seems like there was a monster hidden inside his orbs. Saglit siyang napakurap at tumingin sa aking kabuoan, mukhang mas lalong nandilim ang kaniyang paningin.

"Yes, your majesty."

Agaran na sumunod sa utos ng hari ang tatlong penguins, pumasok sa loob ng silid si Corio at Gabru upang kunin ang katawan. Meanwhile, si Lucino naman ay pinulot ang ulo ng babae sa lapag sa pamamagitan ng paghawak nito ng buhok. He even lifts the woman's head while her blood is dripping on the floor. Full of curiosity, he observed the woman's face.

"Teka— naalala ko 'to, ah? Bagong recruit namin 'to last week!" mabilis niyang wika.

Maya pa ay lumabas sa silid sina Gabru at Corio bitbit rin ang katawan ng babaeng nawalan ng ulo. Nangunot ang aking noo nang makitang naka-bra at panty lang ito.

"Mukhang hindi natin nasama sa briefing ang isang 'to. Recruit ang hanap natin, hindi reyna." Napapailing na wika ni Corio.

My brows raised. Don't tell me—

"Kung siya man ang magiging reyna natin, uuwi nalang ako sa guwapong itlog ng tatay ko at maging semen. Mas masaya pang makipagkarera sa mga kapatid ko."

Ang matanda ay napasandal nalang sa dingding habang pinapanood ang tatlong penguins na bitbit palayo ang walang buhay na katawan ng babae.  Nang mahimasmasan ay tumawag ito ng katulong upang linisin ang dugo na nagkalat sa sahig. Naiwan ako kasama ng kanilang Hari.

Nang mapatingin ako sa kaniya ay nakatingin na pala ito sa akin. I just stare at him for a minute bago ako tumalikod upang bumalik sa kuwarto. I want to clean my feet in the bathroom and go back to bed since I'm still sleepy. Medyo natagalan ako sa paglilinis dahil naihulog ko yung sabon at nahirapan ako sa paghahanap dahil sa kadiliman ng paligid. Hindi kasi bukas ang wall torches sa banyo. Matapos kong linisan ang paa ay nagsuot na ako ng tsinelas bago lumabas sa banyo. Ngunit saglit akong nahinto sa paglalakad nang mapatingin sa aking kama. My heart raced.

She Is Zarcaen'sWhere stories live. Discover now