CHAPTER 8

18.1K 497 33
                                    

AUDRESYNE

Before I lost consciousness during the mafia war, unang pumasok sa isip ko na kung pagbibigyan ulit ako ng pagkakataong mabuhay, hinihiling ko na paggising ko ay makahanap ulit ako ng dahilan at inspiration na ipagpatuloy ang walang kabuluhang buhay na ito.

Because to be honest, mula nang malaman kong niloloko lang ako ng taong nakapaligid sa 'kin, I felt like I am worth cheating for. Pero hindi ko hiniling na paggising ko ay mapupunta ako sa ibang mundo!

At first, I thought Origena needs mental treatment to say those things beyond my expectations. But I learned to believe her when another person came and they were talking about something does not exist on Earth.

Taylorynth.

This is the world where I currently am.

In this world, they only have four continents: Iredale, Merseden, Gatterlen, and Avreadel. And I am currently in Iredale continent at napadpad sa pinakamaliit na baryo ng buong kontinente, ang baryo ng Isenbarr. The central city of this continent is called Isonthal City.

This continent only have one city, but they have thousands of barrios.

I found out that Origena is a single mom of two kids. Ang batang babaeng nakita ko kanina ay ang kaniyang bunsong anak na si Sania, limang taong gulang. Ang panganay naman niyang anak ay si Sonio, walong taong gulang.

Early in the morning, while she was sweeping their backyards, she saw me under the tree, lying on the grass almost lifeless, I was bathing with my blood and I have wounds. She instantly rescued me and bring me to her abode. I asked her if she happens to remove the bullet inside my body but she didn't even know what bullet means! Hindi ko alam kung naroon pa ba ang bala sa aking katawan, kung naroon pa man, supposedly I'm dead already. Pero narito ako ngayon, buhay na buhay at handa ulit pumatay.

"Tell me more about Taylorynth," wika ko dito. Kahit naguguluhan sa mga tinatanong ko ay sinasagot naman niya ito ng matiyaga.

Kasalukuyan kaming nagtatanghalian. Medyo napahaba ang aming usapan kanina dahil sa dami ng aking tanong kaya naabutan kami ng tanghali. Humingi pa siya ng pasensya dahil sa napakasimple at lutong pangmahirap ang kaniyang hinanda.

I should be the one saying that to her because I manage to give them responsibility and burden in this house when they have nothing to give, but hospitality.

I also found out that I have been unconscious in one week. Hindi ko iyon inaasahan. Akala ko nasa tatlo o apat na araw lang akong walang malay, pero talagang umabot pa ng pito.

"Kagaya ng sinabi ko kanina, ang Taylorynth ay mayroong apat na kontinente. Ngunit bawat isa sa mga kontinente ay mayroong namamahalang kaharian. Ang may hawak sa kontinenteng Iredale ay ang Vlandior Kingdom. Mabait ang aming hari, pati na rin ang aming reyna. Ang kontinenteng minamahala nila ay may nag-iisang syudad, ang Isonthal City. Napakalaki ng syudad at nasa sentro ito ng kontinente nakapuwesto. Naroon din sa syudad nakatira ang mga taong may dugong maharlika."

I just nodded once. Slowly processing the new information I gathered.

Ramdam ko ang titig ng kaniyang mga anak na tahimik lang na kumakain katabi ni Origena.

"Have you met those noble families?" I asked. I'm just curious.

Tumango ito. "Oo, palagi ko silang nakakasalamuha. Isa kasi akong mananahi ng damit doon sa syudad, halos araw-araw silang nasa boutique na aking pinagtatrabahunan. Ngunit natanggal ako sa trabaho dahil napagbintangan ako." She smiled bitterly, like she remembered those days when that incident happened. "Ikaw, iha? Sa aling pamilya ka bilang?"

She Is Zarcaen'sWhere stories live. Discover now