CHAPTER 28

14.1K 464 90
                                    

AUDRESYNE

"You, bitch! Who the fuck are you?" galit na sigaw nito sa akin.

"If you'll use your brain then you'll know me," walang emosyon kong wika. 

She stared at my clothes and her brows furrowed when she realized something. "You're using a cape," she said and she even gave me a smirk when she remembered something. "So, you're the queen of the Dark Kingdom they are talking about!" 

Ngumisi rin ako. "The one and only."

"Where did you get your face done to reach that gorgeousness? Who's lightening and smoothing your skin?" she asked while staring at me.

Napataas ang kilay ko sa tanong niya. Unang pagkikita palang namin iyan na ibubungad niya? Pathetic. Halata sa mata niya ang inggit at mangha habang nakatingin sa akin.

I just rolled my eyes and ignored her. "Tie her!" utos ko kaya agad na tumalima sina Gabru. Tapos na rin nilang patayin ang mga knight ng Vlandior at lahat ng ito ay naliligo sa sariling mga dugo.

Bumalik ako at nagtungo sa kanilang chariot. Agad kong kinalagan ang mga batang patuloy na umiiyak. May kahigpitan ang mga iyon kaya namumula ang kanilang kamay pagkatanggal ko sa tali.

"Sshhh, don't cry," malambing ko wika at pinunasan ang kanilang mga luha gamit ang aking kamay. Sunod kong tinanggal ang pagkakatali ng kanilang mga paa. 

My heart swelled when they hugged me as soon as I removed the rope. "Tahan na, okay? They won't be able to hurt you now."

They just cried on my chest. Inilibot ko muna ang mata upang tingnan kung anong nasa loob ng kanilang chariot. Mga alak, lubid, at basahan. I gritted my teeth. 

Agad kong kinarga ang dalawang bata, itinago ko ang hubad nilang katawan sa aking suot na kapa. They immediately encircle their arms on my neck at agad akong bumaba sa chariot. 

Nangunot ang noo ng hari nang makita niya ang karga ko. But when his brows knitted like he remembered something, he clenched his fist.

Patuloy na nagdadaldal ang reyna habang nakasalampak sa sahig, dinaldal lang ito nina Gabru at Lucino pero may halong insulto. 

"Kita mo 'to?" dinig kong tanong ni Gabru sa Reyna habang ipinapakita ang abs nito. "Alam kong hindi ka pa nakakatikim nito dahil may bilbil ang Hari niyo. Kawawa ka naman," pangangatyaw pa ni Gabru.  Hindi kasing laki at maskulado katulad ni Zarcaen, pero masasabing may dating rin ang katawan ni Gabru.

Umangil ang Reyna kaya nagtawanan sina Lucino at nag-high five pa. Mga hinayupak!

"Kita mo rin ito?" tanong naman ni Lucino at walang pagdadalawang isip na pinabakat ang kaniyang ari— na akong kong naiwas ang tingin. 

Tumunog ang paghugot sa espada ni Zarcaen at malamig na tumingin kay Lucino. "Do that again in front of my queen and I will cut it off and put it to Genucia's mouth."

Namumutlang tumakbo sa likuran ni Corio si Lucino at humingi ng tawad bago ngumawa. 

"Ako po, your majesty Zarcaen? Hindi mo ba ako babalaan dahil nakita ng reyna ang maganda kong katawan?" tanong ni Gabru.

She Is Zarcaen'sWhere stories live. Discover now