CHAPTER 11

16.5K 599 72
                                    

AUDRESYNE

Halos hindi ako makatingin sa kaniya habang patungo sa hapag. After that- I don't know how should I describe that scenario inside that room-mabuti nalang at dumating ang isa pang katulong na nagsasabing handa na ang pagkain sa hapag. Mabilis namang umalis ang magaling nilang hari at hindi na ako nilingon pa.

Samantalang si Nay Ariola naman ay sinamahan ako patungo sa dining room ng palasyo. The setting is quite eerie. It feels like this dining room was owned by a vampire. Puros maiitim ang upuan at mesa pati ang table cloth. Ang tanging ilaw lang sa paligid ay ang mga wall torches at limang kandila sa mahabang mesa.

What I only like in here is... their stuff and other things are so clean. Limang malinis na plato ang nakahanda sa mesa, which means only five people will eat at the table.

Nakita ko ang magaling nilang hari na walang emosyong nakaupo sa pinakadulo ng mesa. Literal na hari ang datingan niya dahil sa royal chair. Naroon naman sa kaniyang kanan ang tatlong grand butlers, nakatingin ang mga ito sa akin habang naglalakad ako patungo sa hapag.

Si Corio ay tipid na ngiti ang ibinigay sa akin, kabaliktaran sa ngiti na ibinigay ni Lucino na halos umabot na sa tainga, habang si Gabru-

"Narito na ang dayo!" anunsyo nito na ikinakunot ng aking noo.

Is he referring to me?

Well, hindi na kataka-taka. Ako lang naman ang nag-iisang literal na dayo dito sa kanilang kaharian, basically their world.

A servant gave me a gesture to sit on the chair. The opposite direction of the three penguins. Gotta call them penguins because they look like one.

Ngayon nasa iisang mesa kami. Kahit hindi ko siya lingunin, alam kong nakatingin ito sa akin. I saw those penguins busy eating their food. Pati ang kanilang hari ay kumakain na at ako na lang ang hindi pa.

I just couldn't help but ask myself about the food that was served.

Napakarami ng pagkain ang nakahanda sa mesa. Some of the foods aren't familiar to me. Iilan lang ang pagkain na kilala ko at mabibilang lang iyon sa daliri. Pero lahat ng kilala kong pagkain ay hindi komportabe ng mata ko.

Ang fried eggs ay sobrang magulo, durog-durog ito na parang kakagaling tinorture.

"What do you call that food?" hindi ko na mapigilang magtanong at tinuro ang isang pagkain na hindi pamilyar sa akin. Is that a choco flavor pancit?

"Pancit Dinuguan," sagot ni Corio sabay tampal sa kamay ni Lucino nang kumupit ito ng lumpia sa kaniyang plato.

My brows arched. Puwede palang ihalo ang pancit sa dinuguan? I haven't heard that, but there's no bad at trying.

Alam kong tutok ang lahat sa aking galaw. Maging ang kanilang hari ay hindi ako tinantanan ng tingin. Kanina pa ako naiilang pero wala akong pakialam, gutom ako at kailangan kong lagyan ng laman ang aking tiyan.

Tinikman ko lahat ng mga pagkaing nakahanda. I admit these foods are good. Ang hindi ko lang matanggap, ang daming eksperimentong pagkain ang nandito. Like this seafood, imbes na suka ang ilagay sa lato, ang naroon ay ketchup.

"Did you ready dip these sea grapes in the ketchup?" I couldn't help but ask.

Napatingin naman sila sa akin, lalo na si Gabru na akmang isusubo na ang sinawsaw na lato sa ketchup.

"Ha? May grapes sa dagat?" Lucino's lips parted. Mukhang shock pa siya sa nalaman. Hindi ba nila alam ang English ng lato?

"That one," wika ko at tinuro ang puwesto ng lato.

She Is Zarcaen'sWhere stories live. Discover now