CHAPTER 29

14.4K 413 54
                                    

AUDRESYNE

"How was it?" I asked.

"Sobrang sarap po, your majesty! Salamat! Gawa ka ulit!" walang hiya-hiyang sagot ng tatlong penguins.

My brows furrowed. "I'm not talking to you," malamig kong wika.

Napakurap ang tatlo at maang na tumingin sa akin. Natigil pa sa ire ang kanilang pagtangkang subo. "K-kanino pala?" tanong ni Lucino.

I pointed to the kids who were busy licking their fingers because of the icing.

Ngumiti ng peke si Lucino. "Pasensya na po, your majesty. Pero hindi po talaga ako 'yung nagpasalamat. Doon lang ako nakisabay sa kanila nang sabihing gumawa ulit."

Nakita kong agad na sinakal ni Gabru si Lucino. "Manahimik ka nalang. Baka sa kalsada tayo pulutin, kawawa iyung mga humahanga sa akin dahil 'yung hari natin kanina pa tayo dead on arrival sa tingin," gigil na bulong ni Gabru kay Lucino. Pero dinig naman naming lahat. I rolled my eyes.

"Did you like it?" I asked the kids. Kasalukuyan ang mga itong nakaupo sa gitna namin ni Zarcaen at nakabalot ng kapa ang katawan. 

"Sarap p-po," nahihiyang sagot ng isang bata habang ang isa naman ay hindi makasagot dahil puno ng cake ang bibig at kasalukuyan pang ngumunguya. But as I can see through his eyes, halatang gustong-gusto nito ang kinakain. 

"Nasaan nga pala ang inyong mga magulang?" dahan-dahang tanong ni Corio. Tila'y tinitimbang ang magiging reaksyon ng mga bata.

"Patay p-po sila kawal."

Suminghap ang tatlong penguins. I couldn't help but clench my teeth in disbelief. How utterly heartless is the queen, commanding those knights to kill their parents in order to abduct these innocent children to fulfill her selfish desires?! Dapat pala tinuluyan ko na 'yung pinatay. Well, I regret that part.

"Anong pangalan niyo?" tanong ni Gabru sabay subo ng cake. 

"Ako Tamtam," sagot ng isang bata.

"Laplap po ako," sagot rin ng isa.

Halos maibuga ng mga penguins ang kanilang sinusubo sa narinig ng isang pangalan. Ako man ay parang gusto ring murahin ang magulang dahil sa nakakawalang-hiyang pangalan na ibinigay. Si Zarcaen lang ata ang natutuwa sa narinig, nakataas kasi ang sulok ng labi.  

Nagpatuloy ang biyahe namin. Hindi kami dumaan sa sentro ng kontinente kung saan naroon ang syudad. Instead, we took a path through the forest where we also passed by the western area with its breathtaking sea view before reaching the south area. It took us 10 hours to arrive, at medyo may kadiliman na. We decided to book an inn nearby to spend the night. The south area of Irendale is like a mini city, but it seems more peaceful here compared to the city. It's not too crowded, mabibilang lang sa daliri ang mga matataas na gusali.

Inutusan ko ang tatlong penguins na bumili at magtake-out ng aming makakain at iilang damit na kasya sa dalawang bata.

Nakita ko kung paano inihiga ni Zarcaen ang dalawang bata sa kama. We booked 3 rooms. Isang room para sa amin ni Zarcaen na mayroon dalawang kama. Ang isa naman ay room nina Gabru pero may tatlong kama, at ang panghuling room ay para sa dalawang tauhan na mayroon ring dalawang kama.

Naligo muna ako saglit habang kinakausap pa ni Zarcaen ang tauhan sa labas ng pintuan. Matapos kong maligo ay huli ko nang napagtanto na hindi ko nadala sa bathroom ang dalang damit, yung mga hinubad kong damit naman ay naroon na sa dryer. I didn't have a choice but to get out with only my towel.

Ngunit nang paglabas ko ay hindi ko napansin naroon na pala ang tatlong penguins sa loob ng aming silid. Natigil sa ere ang akmang pagsubo ni Gabru ng pirasong ulam na ninakaw niya para sa aming hapunan. Si Lucino naman ay natigil rin ang kaliwang kamay na siyang isasapak sana kay Corio na ngayon ay tinatawan ang hawak na maliit na panty na may desinyong bulaklak.

She Is Zarcaen'sWhere stories live. Discover now