CHAPTER 9

17.2K 559 70
                                    

AUDRESYNE

Nagising ako sa maingay na boses. Agad kong kinapa ang aking baril sa ilalim ng unan upang paputukan sila. This is also something I hate when I'm being awakened by noise. Pero wala akong makapa na baril dahil wala naman akong unan.

Bakit wala—

Agad akong napamulat at napabalikwas nang may napagtanto. I almost forgot that I'm not in my room, basically not on Earth. Nasa mundong Taylorynth ako at hindi ko na alam kung anong nangyari matapos kong mawalan ng malay.

Nilibot ko ang aking paningin. I noticed that I am currently inside the dark room, wala ring bintana pero malamig ang atmospera. Ang nagsisilbing ilaw lang sa loob ay ang dalawang wall torch. Pansing may kalakihan ang kuwartong ito, at ang mga dingding ay puro malalaking bato. Am I inside a cave or something like an underground? And why am I lying on this bed with my cuffed hands?

Malamig ang mata na tumingin ako sa mga kalalakihang kanina pa dumidisturbo sa tulog ko, naroon sila sa may kalayuan ng kama, sobrang ingay sa paglalaro ng baraha.

"Oh! Palong-palo ako dito! Akin na pera mo. Nakakalungkot lang na hindi kayo nabibiyayaan ng aking kagalingan at kapogi-an."

My forehead creased? Ba't may kalahi ni Ealla ang napadpad dito?

Just by saying her name, I admit that I missed the girls already. How are they so far? Wala na akong balita sa kanila, I'm hoping that the vice queens are handling the Corwell Mafia Organization and they are doing it well.

"Gising na ang magandang babae!"

Lahat ay lumingon sa aking gawi at halata sa mukha ng mga ito ang kasabikan nang makitang gising na ako. Mabilis nilang niligpit ang baraha, ang ibang lalaki ay lumabas kaya naiwan ang tatlo.

Nakasuot ang mga ito ng itim na cloak, pero hindi isinuot ang hood. Kitang-kita ko dito ang kanilang mukha, may hitsura silang tatlo, parehong matangkad at may kalakasan ang dating.

Kung kanina ay nasa baraha ang kanilang atensyon, ngayon naman ay nasa akin. Their eyes are filled with curiosity while watching at me.

"Tao ka ba?"

Unang bungad, unang tanong, pinagdududahan agad kung tao ako.

Do I look like a plant to you?

Magsasalita na sana ang isa pang tao pero biglang may dumating. Ramdam ko ang isang nakakakilabot na aura sa bagong dumating. Sobrang lakas iyon at sobrang bigat. Malamig at walang emosyon ang mga mata nitong sinalubong ko ng tingin.

I suddenly felt like I stopped from breathing.

I first noticed his cerulean eyes, nakatitig ito sa akin na parang dahan-dahan niyang kinukuha mula sa katawan ko ang aking kaluluwa. Those beautiful eyes were more accentuated by his thick and curvy eyelashes, dinaig pa ako. His jaw is hot and aristocratic as he clenched it. His nose was narrow and sharp. Bumaba ang aking mata sa kaniyang labi, makintab ang pagkapula nito na parang kakabasa lang niya sa labi. Halatang matamis ang kapulahan.

Nakasuot ito ng isang itim na long sleeves, pares ng kaniyang itim na pantalon ay itim na magarang sapatos. Kapansin-pansin ang kulay maroon niyang kapa sa likuran na sumasayad sa lupa.

Damn this man! It may hard to admit but he's too handsome. I immediately got attracted to him, this is my first time seeing a guy as stunning as him. Seems like the word 'perfect' is not enough to describe him. Even justice is humbled by him. Mas mataas pa ata ito sa bituin kapag sinungkit mo.

"Is she the new recruit?" His menacing voice sent shiver to my spine.

"Yes, your majesty. 'Yung ganda rin niya ay hindi ordinaryo. At mukhang may kaunting kaalaman ito sa self-defense," sumang-ayon naman ang dalawa sa sinabi ng isang lalaki.

She Is Zarcaen'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon