Heaven Knows

421 10 0
                                    

4 months after Ciel's death, I still can't move on. Lagi ko pa rin siyang napapaginipan how happy she is. In my dreams, she's healthy again. She told me how much she misses me every day. Masaya ako dahil masaya rin siya. I wish I could hug her right now.

"Anak...patawad." My dad said while struggling to breathe, after Ciel's death, I found out na may stage 4 lung cancer si dad, matagal na 'to hindi lang daw niya sinabi, nakaupo lang ako sa tabi niya.

"Akala ko magiging mabuting ama ako kapag pinilit kita sa mga gusto ko, pero hindi, g-gusto ko lang mapabuti ikaw, kayo." He chuckled, nakikinig lang ako sa kaniya.

"I just want to say that, I'm so proud of you.....Anak." Ngumiti siya sa akin, ang ngiti na huling makikita ko sa kaniya, sa tuwing binabanggit niya ang salitang 'anak' hinahaplos ang puso ko.

Nadudurog ako dahil ito ang unang beses na sinabi niya sa akin na proud siya after all these years. The pain, regret, and sadness are visible in his eyes.

"Dad." I said, he smiled weakly, sa buong buhay ko ngayon ko nalang siya natawag uli.

"You are a strong woman just like your mom, alam ko pag nagkita kami, papagalitan niya ako dahil sa ginawa ko sa'yo." Natawa ako bahagya dahil sa sinabi niya at nabalot uli ng katahimikan ang paligid namin.

"Sana tularan ka ng mga kapatid mo, proud sila na may ate na kagaya mo. Napatawad mo na ba ako, anak?" tanong niya.

"Matagal ko na po kayo pinatawad." I said and smiled.

"I love you, my daughter...my precious daughter. I-I'm sorry f-for what I d-did. How I wish I could turn back the time." He said genuinely.

"I love you too, dad. Napatawad na po kita." I kissed his cheeks for the last time and hug him tightly, I can feel his warmth, a father's hug that I never felt before from him. And from that moment his heart stopped beating.

Now, I lost the important people in my life.
Mom, Ciel, and even Dad.

3 years later.

"Naks, sikat na ang gawa mo ah, I know Ciel is smiling from above." Sabi ni Reese. After my father's death, ako na ang nagpatakbo ng kumpanya at the same time, isang animator, yes tinupad ko pa rin ang pangarap ko.

Habang si Reese at Haven naman nag ta-trabaho sa kumapanya nila pero sa mababang posisyon muna.

"We're proud of you at alam ko pati na rin ang parents mo. Sana lang nandito sila para makita kung gaano na kalayo narating ng anak nila." Haven said, ngumiti ako sa kanila, sila ang naging kasama ko nung panahon na halos gumuho ang lahat, mga panahon na gusto ko na sumuko dahil sa sobrang pagod.

Una si mom, si Ciel at huli si dad. Hindi ko naman masabi na okay na ako pero at least with the help of them, unti unti akong nakaka recover.

Parati na rin ako kumakain ng gulay na halos ayawan ko noon.

Ang kambal naman nasa high school na, lately Sun came out that she's gay, I support her naman. 'Sana' na raw ang name niya. Si Moon naman, she said she's into girls, I support her also, I support them both syempre. Nung una marami silang katanungan bakit wala na si ate Ciel at dad pero walang sawa ako na inexplain sa kanila.

"Hi Amariah, long time no see."

"Hello po, oo nga e." We both chuckled.

"Good news, nag iimprove kana. Sana magpatuloy ka lang. Alam ko nitong nakaraang taon hindi naging madali ang lahat sa'yo, pero nandito lang ako/kami."

She said at ngumiti naman ako. Nagpaalam na ako at umalis. Pumunta muna ako sa flower shop. Nang makabili na ako pumunta na ako sa isang mahalagang lugar. Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy mag lakad.

Nang makarating na ako nilapag ko na ang bulaklak, bali tatlo, umupo ako.

"Hi, Mom, Ciel, and Dad, kumusta na po kayo? Ako? Maayos naman pati ang kambal, lumaki po sila gaya ng bilin ni dad at Ciel." I laughed sweetly.

"Look, I got a semicolon and infinity tattoo." I showed them my wrist.

"Hello, Ciel, sikat na ang gawa ko tungkol sa'yo, sana lang nandito ka para mabasa mo. I miss you so much, look, nandito pa rin ang bracelet na binili natin sa amusement park noon, lagi 'to nandito. Si Amiel 'yong baby natin, nasa bahay malaki na." I smiled at tumingin sa langit.

"Mahal kita palagi, alam mo ba? At walang sawa ko 'yan sasabihin sa'yo."

"You too mom and dad, thank you, ako na po bahala sa kambal. Dad, sana hindi ka pinapalo ni Mom."

"Hindi ba mom dapat ipapakilala ko si Ciel? Kaso, kasama niyo na po siya ngayon, sana maging maayos po kayong dalawa."

It hurts when the most important people in your life will be forever gone from your sight. That's how I felt, but I have no choice but to continue to live.

Ciel, thank you for being my escape from everything. I know we'll meet again and I hope hindi na tayo magkahiwalay.

You're right about Coco, we must cherish everything before it's too late.

Sana kapag oras na natin, pwede na at wala ng hadlang.

Thank you, Ciel. I will always love you, my escape.

You'll always be my greatest love.
I love you till eternity
My Ciel.

Until we meet again,
Amariah Rylie Castillo.

End.

Sunsets: Loving You; My Escape Where stories live. Discover now