Capitulum 17

144 5 0
                                    

Mabilis dumaan ang araw at pangatlong buwan na namin ngayon, may 30 days nalang kami. Napansin ko nitong araw na ang tahimik niya at laging tulala minsan. Napapansin ko rin na medyo lumalayo siya sa akin. Hindi ba dapat ginugugol na namin ang mga araw na meron pa kami?

“Bakit hindi na masyado sumasabay si Ciel sa atin? Nag away ba kayo?” tanong sa akin ni Reese, umiling naman ako.

“May nagawa ka ba?” tanong pa ni Haven, napaisip naman ko. Wala naman akong ginawa na pwedeng ikagalit niya.

“Wala sa nabanggit niyo.” Sabi ko, nandito kami ngayon sa cafeteria. 1 week na ata hindi sumasabay sa amin ‘yong isa, hindi ko rin siya mahanap.

“Bakit hindi na siya sumasabay?” tanong pa uli ni Reese, huminga naman ako ng malalim.

“Hindi ko rin alam, hindi ba aware kayo na deal lang ‘to? And, pang 3 months na namin ngayon.” Bakas ang lungkot sa boses ko habang binabanggit ‘yon.

“Gusto mo na ba siya?” tanong ni Reese.

“May magagawa ka pa naman e, malay mo kung umamin ka baka pwedeng mabago pa.” Haven said, Reese nodded her head, they are right, pero paano? Ni hindi ko nga mahagilap ‘yon.

“So, you like her? Oo or Yes lang, ha?”

“Oo, okay kana?” ngumiti naman silang dalawa.

“Alam namin matagal na, next time kung magtatago ka, pakigalingan.” Sabi ni Haven.

“Ano plano mo? Aamin ka ba?” Reese asked me, inayos ko naman ang upo ko.

“Kung ‘yan lang ang way para hindi na kami maghiwalay, why not.” Tumili naman ‘tong dalawa na ‘to kaya naka ani kami ng atensyon.

“Hindi na ikaw ang Amariah na kilala namin.” Madramang hayag ni Reese.

“Si Ciel ba ‘yon?” turo niya sa likuran ko, agad naman ako tumingin, siya nga. Lumapit siya sa amin at umupo sa tabi ko.

“Hi, Ciel. Ngayon ka nalang namin nakita ah, ano meron?” tanong ni Reese.

“Wala, may pinaasikaso lang sa akin si dad kaya nawala muna ako saglit.” Sagot niya.

“Mag pahinga ka minsan, nagkaka eye bags kana.” Sabi ni Haven, napansin ko rin na parang ang tamlay niya.

“Huwag kayo mag alala, natutulog pa rin naman ako. Sadyang marami lang ginagawa.” Sabi niya.

“Hindi mo ba namimiss si Ams?” tumingin sa akin si Ciel.

“Syempre namimiss.” Sagot niya, parang mga baliw.

“Tigilan niyo nga ‘yan.” Saway ko sa kanilang dalawa.

“Ano gusto mo, Ciel?” tanong ko sa kaniya.

“Wala naman, busog pa naman ako.” Ngiting sagot niya, ayoko naman siyang pilitin.

“Drinks?” alok ko pa, umiling lang siya. Nag order na si Reese at pagkatapos hinatid na sa lamesa namin.

Palihim ko siyang ninanakawan ng tingin pero nakafocus lang siya sa binabasa niya, hindi ko makita kung ano ‘yon, para siyang nakikipaglaban sa sarili niya.

Nang matapos kami kumain, ihahatid ko sana siya sa building niya pero pinigilan niya ako, huwag na raw. I nodded my head at hindi na nagpumilit, ayoko dumagdag sa iniisip niya.

“Hindi mo ba napapansin na parang iba siya?” tanong ni Reese habang nag tuturo si prof.

“Yes, hindi naman gano’n si Ciel, ikaw na nagsabi na pang 3 months niyo na.” Napaisip naman ako sa sinabi niya. I guess isa lang ang makakasagot nito.

“Hindi ko talaga alam, baka busy lang talaga.” Sabi ko, gusto ko silang paniwalaan pero may side sa akin na nagsasabi na magtiwala lang ako kay Ciel.

“Una na kami, Ams. Basta ‘yong sinabi namin, okay?” pag papaalam ni Reese, tumango naman ako at umalis na sila ni Haven. Nag hihintay ako sa gate baka sakali makasabay ko siya. Isang oras ang lumipas hanggang sa magagagabi na, ngunit bigo akong makita siya, kaya umalis nalang ako na dismayado at tumungo sa sasakyan ko.

“Pinapatawag po kayo ni Sir.” Bungad sa akin ng kasamabahay namin. Naglakad ako papunta sa opisina niya at kumatok. Narinig ko ang boses niya na indikasyon na pumasok na ako. Naka upo siya sa swivel chair niya at may binabasa. Sinarado niya ang binabasa niya at tumingin sa akin.

“Bakit po?” walang gana kong tanong habang nakatayo pa rin.

“Pangatlong buwan niyo na ngayon, ‘di ba?” tanong niya, I nodded my head.

“I’m here to remind you na hindi pa rin magbabago ang desisyon ko na ilayo ka.” Kinuyom ko mga kamao ko, ito nanaman ba pagtatalunan namin?

“Hindi ba sinabi ko sa inyo na walang silbi ‘yan? Hindi ako papayag.” Tumaas na ang boses ko dahil sa galit na nararamdaman ko pero tinignan lang niya ako.

“Satingin mo ba ako lang ang may gusto nito?” sabi niya na ikinalito ko, hindi ko alam kung magagalit ba ‘ko, maiinis, o malilito.

“Ano ang ibig niyong sabihin?” tanong ko, I clenched my jaw and sharply looking at him.

“Bakit hindi ikaw ang umalam.” Ani niya.

“Satingin mo ba gusto ko rin ‘to? Wala rin akong magawa Amariah! kasi hindi naman ako ang may gusto!” dagdag niya pa, wala na akong naintindihan.

“Wala na akong maintindihan.” Mababa kong usal at napayuko nalang ako.

“Wala kang maintindihan kasi wala ka pang alam, kaya ako na nagsasabi na ikaw na mismo umalam, hindi na kita pagbabawalan tungkol diyan.” Naupo na siya at ako naman nanatili pa rin na nakatayo, hindi pa rin ma proseso ng utak ko ang mga sinabi niya.

Ano ang hindi ko pa alam?

Sunsets: Loving You; My Escape Where stories live. Discover now