Capitulum 3

248 9 0
                                    

TW: Self-Harm, Suicidal Thoughts/Attempt,
And Verbal Abuse.

"Anak, baba ka na luto na dinner niyo." Tawag ni nanang sa labas ng kwarto ko.

"Sige po, susunod nalang ako."

"Anak, pwedeng pumasok?" tanong niya, naglakad ako papunta sa pinto at binuksan.

"Anong nangyari sa pisngi at labi mo? Halika nga papasok muna ako." Pinapasok ko siya at umupo kami sa kama, nakayuko lang ako.

"Nag away nanaman ba kayo ni Mario?" I nodded, niyakap niya ako.

"Pag pasensiyahan mo na ang papa mo, nak. Alam ko naman mahal kayo non." Humiwalay siya at iniangat ang mukha ko.

"Tignan mo ang ganda ganda kaso may bangas." Sabi niya at agad kaming natawa.

"Kamukhang-kamukha mo talaga ang papa mo."

"Nang!" pagmamaktol ko.

"Osiya, bumaba ka muna para kumain na kayo, wala pa naman ang papa mo e. Hindi pa lumalabas ng opisina niya." I smiled and nodded.

"Thank you po." Tumayo na kami at sabay bumaba. Pagkababa ko nandoon na mga kapatid ko at lumapit ako sa kanila.

"Hi, ate!" they greeted me.

"Hello, twinnies." I said, they giggled, umupo na ako at isa nalang ang hinihintay namin. Bumukas ang pinto at naglakad na siya papunta sa lugar namin, bigla kaming natahimik, umupo siya at ramdam kong nakatingin siya sa amin.

"Let's eat." I heard him, kumuha na ako ng pagkain at hindi ko maiwasan manginig, shit, not again.

"Kumusta ang kambal ko?" tanong niya.

"Okay lang po."

"Ikaw? I bet you disappoint me again." Tanong niya sa akin, pati kalamnan ko nanginginig na rin.

"Hindi na po." I said in a low tone, pinipilit kong kumain kahit nanginginig na talaga mga kamay ko.

"Pag ka graduate mo, gusto ko ikaw na ang humawak ng iba nating business at wala kang ibang choice kung hindi sundin ako. Gusto mong tawagin kitang anak, right?" he said, I didn't answer.

"Answer me." Hindi na ako makapagisip ng maayos.

"I said answer me!" I flinched, nabitawan ko ang kutsara at tinidor, please huwag muna ngayon.

"Dad, tama na po nanginginig na si ate, oh." I heard Moon said.

"Nag-iinarte lang 'yan. Hindi 'yan magkakaganyan kung hindi dahil sa kagagawan lang din niya."

He said at parang hindi na ako makahinga at makalunok ng maayos, tumayo ako bigla.

"I'm done." At naglakad paalis.

"Huwag kang bastos! Lumalaki ka na talagang walang modo, Amariah!"

I heard him pero hindi ko na nilingon at dali dali akong umakyat sa kwarto ko, pagkapasok ko agad kong sinarado ang pinto. Pumunta ako sa sulok at umupo, nakayuko lang ako.

"M-Mom, I'm tired." I said weakly

"Pwede na po ba ako sumama?" I'm numbing again, I need to hurt myself just to feel anything.

Tumayo ako at lumapit sa study table ko, kinuha ko ang papel na matagal na nakatago, maybe ngayon o bukas ko na gagawin. I look at my wrist and I saw the fresh scars, the scars that always remind me how numb I am, this will be my last, I promise.

Sunsets: Loving You; My Escape Where stories live. Discover now