Capitulum 4

226 9 0
                                    

I’m here at the library silently reading, I haven't slept. Good thing, I didn't see her this day, she invariably disturbed me. I massage my temple, damn I really need to fix my body clock, yinuko ko muna ang ulo ko para umidlip.

I felt someone nuzzle my cheeks. I love this feeling, Is this Mom? I slowly opened my eyes and I lift my head. I saw her and I got wonder-struck by what I saw.

“What are you doing here?” I asked, her bubbly cheeks again.

“Why, wala naman nakalagay na bawal ako here e.” Sabi niya, I rolled my eyes.

“Here, chocolate? You look stressed.” Isa pa lagi siyang may dalang chocolate sa akin, hindi naman ako nag rereklamo kasi favorite ko rin naman ‘to. Tumayo ako at niligpit ang gamit ko tsaka umalis.

“Hey, wait! Don't leave me, okay?” habol niya pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad, hinawakan niya braso ko na siyang kinagulat ko, tumingin ako sa kaniya na nakakunot ang kilay, ano ba problema ng maliit na ‘to?

“Ugh, bakit ka ba sunod nang sunod?” I said with a hint of annoyance in my voice. Binitawan naman niya ako, and I saw how she was fidgeting her fingers.

“Gusto ko lang naman makipag kaibigan e, I’m transferee wala akong friends here.” She said with a hint of timidity in her voice.

“And bakit ako? Mukha ba akong friendly?”

“You’re interesting kasi e, kahit na masungit ka, I know hindi ka ganiyan.” She said at ngumiti, hinaplos naman ang puso ko.

“Leave, wala ka sa aking mapapala.” Sabi ko at iniwanan siya.

“I’m not giving up, okay?” I heard her pero hindi ko pinansin.

We are at the cafeteria currently eating, I prowled my eyes around to see if she was there, but I didn't see her.

“Electricfan ka ba? Lingon ka kasi nang lingon e.” Haven said.

“Hindi ‘yan electricfan kasi aircon ang kaibigan natin.” Reese said, kumain nalang ako.

“Psst,”

“Psst,”

“Psst,”

“Ano ba?” tinignan ko kung sino man ‘yon.

“Hi!” there she goes again.

“C-Ciel?” nauutal na banggit ni Reese, she shows her bubbly smiled and nodded.

“I’m Reese, this is Haven and the our mother, Amariah.” Tinignan ko naman siya ng masama.

“What a nice name, Amariah.” Ngumiti lang siya na parang inosente.

“Yeah, Amariah, whatever” I said with a touch of sarcasm.

“Pag pasensyahan mo na ’yan, kulang lang sa lambing.” Sabi ni Haven.

“Mabait naman ‘yan, pag tulog nga lang.” Sabay tawa nilang dalawa, narinig ko rin naman siyang tumawa, ang hinhin.

“Oh, I love your humor.” Ciel said.

“But, I love humor.” Sabi ni Reese, tumayo ako at iniwan sila, ang iingay.

“Hey, where are you going?” I heard Ciel, hindi ko siya pinansin at naglakad nalang, sinong makakakain kung maingay ang paligid?

Naglalakad ako sa hallway nang may maradaman akong sumusunod.

“Could you please stop hiding, you are too obvious.” I said at lumabas siya.

“Hi, grumpy.” she said at blanko ko lang siyang tinignan.

“Ugh, hanggang dito? And correction, I’m not grumpy.”

“Of course, hindi kita titigilan hangga’t hindi ka nakikipag kaibigan sa akin. And, yes! You are grumpy.” She crossed her arms.

“Stubborn.” I mumbled

“Hard headed.” she mumbled too.

“Hindi ba sabi ko sa‘yo wala kang mapapala sa akin? Look, hindi ako tumatanggap ng kaibigan.” I said, nakita ko naman nalungkot ang mga mata niya, tumalikod ako at iniwan siya.

Last subject na and I’m too occupied, I can't focus, the heck. “guilty ka lang” my conscience said.

“Miss Amariah?” bakit ako nakakaramdam ng guilt?

“Miss Castillo?” ang kulit kasi e sabi nang wala siyang mapapala.

“Amariah Castillo!”

“Ano ba sabi kong wala kang mapapala sa akin!” tumayo ako at natahimik ang paligid,  shit, I’m doomed. Naramdaman kong nasa akin lahat ng tingin, nakayuko naman ang dalawa.

“Ano ba nangyayari sa‘yo? Should I call your father?” our prof said.

“D-Don’t, sorry po.” I said, huminga siya ng malalim.

“Fine, maupo kana, kung hindi ka lang sana magaling.”

“Ano ba nangyayari sa‘yo at bigla ka nalang nagwawala?” Haven asked me, palabas na kami ng gate.

Nagwawala talaga?

“First time, huh.”

“Huwag ngayon.” At inunahan sila sa paglalakad, it because of that girl.

“Wait lang, Ams!” huminto ako at hinintay sila.

“Ingat,” I said and bid them goodbye, papunta na ako sa motor ko nang may narinig ako.

“Hey! Let go of me nga!”

“Number lang, miss.” Pangungulit nung lalaki.

Lumapit ako at nakita ko sila sa likod ng puno, I saw her, again.

“Let go.” I said, tumingin naman silang dalawa sa akin.

“Bibitawan mo o dudurugin ko mga buto mo, you choose.” binitawan naman niya at umalis na, tumalikod na ako at umalis na rin.

“Hey, wait!” habol niya, pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

“Saglit lang, please.” Huminto ako at tumingin sa kaniya.

“Thank you,” she said and smiled.

“Mag iingat kana next time.”

“Yiee you cared for me naba?” panunukso niya, inirapan ko siya.

“Shut up, I need to go.” At tinalikuran na siya.

“Ingat!!!” sabi niya, ugh, ang kulit, nag ma-maneho ako then I decided pumunta sa park muna, to unwind. Nang makarating ako pumunta ako sa as usual spot ko. Umupo ako and I lean the back of my head.

“May bumabagabag ba sa‘yo, anak?” I heard him, hindi ko siya sinagot.

“Mukhang meron nga, hayaan mo at malalaman mo rin ang kasagutan.” He added.

“Ingatan mo ang taong nasa paligid mo, anak.” Dagdag niya pa

“Sino po ba kayo?” tanong ko.

“Hindi mo na kailangan malaman, nandito ako kasi nakikita ko may problema ka.”

“Huwag mo pigilan ang sarili mo anak.” Sabi niya lumingon ako at bigla nanaman siyang nawala. Tumayo na ako at sumakay na sa motor ko, napaisip ako sa sinabi niya.

Nang makauwi ako sinalubong ako ni Nanang.

“Anak? Nandiyan kana pala pinapapunta ka ng papa mo sa opisina niya,” I hug her.

“Ito nanaman at nagpapalambing.” Humiwalay na ako at hinwakan niya balikat ko. Nagpaalam na ako at pumunta sa opisina niya. Kakatok sana ako nang may narinig akong naguusap, nilapit ko ang tenga ko sa pinto.

“Yes? Oo, ako na bahala, hindi naman makakatanggi sa akin ‘yon, syempre ikaw pa malakas ka sa akin, o sige paalam na baka dumating na si Amariah.” Doon na naputol ang usapan nila, ano kaya ‘yon?

Sunsets: Loving You; My Escape Where stories live. Discover now