Capitulum 19

160 5 0
                                    

"Anak, isang linggo kana hindi pumapasok, baka maapektuhan pag aaral mo niyan?"

Sabi sa akin ni Nanang sa labas ng pinto ko. Oo, isang linggo na ako hindi pumapasok, nakahiga lang ako at walang gana. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa amin. Buti nalang wala na akong naririnig kay dad na kahit ano, hinahayaan na niya ako sa kung ano gusto ko mangyari.

"Iwanan niyo po muna ako." Walang gana kong tugon.

"Sige, anak. Pag nagutom ka, baba ka lang, ah?" sabi niya, pero hindi ko na siya sinagot at alam ko nakaalis na siya sa harap ng kuwarto ko.

How is she? Nasasaktan din kaya siya gaya ko?

Hindi rin ba siya nakakatulog gaya ko?

O baka ako lang talaga ang nakakaramdam nito? Alam kong pagod na mata ko sa kakaiyak pero masakit talaga. Hindi naman ako nag expect masyado, sadyang hindi ko maintindihan bakit kailangan niyang gawin 'yon.

They are right, when you love someone you must know the consequences.

Narinig kong nag ring ang phone ko, tinignan ko ang caller.

Yataptomguts

"Bitch, ano? May pangarap ka pa ba? Isang linggo kana missing in action." Nariring ko palang boses niya naiirita na ako.

"Wala akong gana makipagtalo ngayon, kaya kung pwede ba iwanan niyo muna ako." Walang gana kong tugon.

"Hoy, Amariah Rylie Castillo, hindi lang ikaw ang M.I.A pati rin si Ciel baby mo, gosh couples kala mo naman kayo talaga kung mag L.Q." Ramdam ko ang frustration niya sa kabilang linya, so hindi rin siya pumasok? Tinignan ko ang bracelet na nasa wrist ko.

"Ang ingay mo, nagpapahinga ako." Pinatay ko na ang tawag at niyakap lang ang unan ko.

I miss her so much and it hurts that I couldn't do anything.

Nagising ako at tinignan ang oras, 3 p.m na naka idlip pala ako. Nakaramdam ako ng uhaw kaya lumabas ako ng kwarto, tinignan ko muna sarili ko sa salamin, mukha kang sabog, I chuckled. Papunta na ako sa kusina at uminom ng isang basong tubig, puntahan ko kaya si dad?

Nilapag ko na ang baso at pumunta sa opisina niya kakatakok sana ako nang may narinig akong nag uusap, boses ni dad. Nilapit ko ang tenga ko para makinig.

"Nakokonsensya na ako, kahit papaano, anak ko pa rin si Amariah, I know I treated her poorly pero hindi niya deserve 'to."

"Hindi ba kailangan din niya 'to malaman? Bilang ama niya rin ayoko pa rin nasasaktan siya, nahihirapan din ako."

"Oo, maraming beses ko na siyang nasaktan, pero iba na 'to. Kahit pa itago natin 'to, malalaman at malalaman niya pa rin."

"Sa tuwing nakikita ko siyang masaya, nasasaktan din ako. Alam mo rin naman hindi ba bakit ko siya pinu-push sa mga bagay na ayaw niya?"

"Paano kung malaman niya na nagsinungaling tayo tungkol sa kasunduan?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko, ano ang ibig sabihin ni dad?

"This situation brings afflictive."

Gusto kong pumasok pero may nagsasabi sa akin na makinig pa ako. Bakit niyo ba pinagkakait sa akin ang katotohanan?

"Basta, hindi ko na 'to maitatago pa sa kaniya, sa oras na nagtanong pa siya sasabihin ko na ang totoo, bahala kung matatanggap ba niya o hindi. Aware ako sa pwedeng mangyari, sana handa siya harapin ang katotohanan."

Hindi na ako nakatiis kaya pumasok na ako.

"Ano ang dapat kong malaman?" nabigla siya sa biglaang pagpasok ko at nabitawan niya ang phone niya, nanlaki naman ang mga mata niya habang nakatingin sa akin at halatang kinakabahan.

"Ano ba ang tinatago niyo sa akin?"

Sunsets: Loving You; My Escape Where stories live. Discover now