Capitulum 13

141 7 9
                                    

“Kumusta kayo ni Ciel?” my father asked me, I am at his office.

“We’re okay po.” He nodded, and look at me straight to my eyes.

“I have something to tell you.” Tumingin lang ako sa kaniya, masama pakiramdam kung ano man ang sasabihin niya.

“You have only 2 months left alam mo naman ‘yon, hindi ba?” tanong niya sa akin, tumango lang ako at nakinig sa susunod niya pang sasabihin.

“After ng deal, ipapadala kita sa malayo.” What? Hindi pa ma asorb ng utak ko kung ano man sinabi niya, nakatingin lang siya sa akin ng walang ekspresiyon habang nakakunot na mga kilay ko.

“But why?” I asked him, ramdam ko ang panginginig ng loob-looban ko

“I said what I said, no need to ask me why and my decision is final.” He said with his finality tone, I clenched my fist at biglang tumayo.

“Bakit kailangan niyo akong ilayo pagkatapos? Hindi ko kayo maintindihan!” I hoisted my voice at him, I can't feel anything rather than outrage because of what he said.

“Change your tone young lady! Wala kang karapatan na kwestyunin ang decision ko, anak lang kita,” inis na sabi niya at matalim lang na nakatitig sa akin “hindi ba gusto mo nang kalayaan?” Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Pero kung kapalit non ay ang pagkawala niya, I’d rather choose her than my freedom.

“Tell me, bakit hindi mo magawa?” tanong niya, niyuko ko lang ulo ko.

“I....I can’t leave her, I just c-can’t.” Nanghihina kong sambit, I bit my lower lips to prevent myself from breaking down.

“It’s just a deal, Amariah. You need to forget her pagkatapos nito.” Sabi niya sa akin, nanlilisik ko siyang tinignan.

“And who the hell are you para sabihin mo sa akin ‘yan? Satingin niyo ba ganoon nalang kabilis kalimutan ang lahat? Paano niyo nasisikmurang sabihin ‘yan? Parang napakadali sa inyo e!” singhal ko sa harapan niya, nanlaki ang mga mata niya.

“Hindi mo alam kung ano sinasabi mo, Amariah! Iyang pagmamahal mo sa kaniya ang dudurog sa‘yo. Makinig ka! ako ang ama mo kaya alam ko ang tama!” tumayo na rin siya at tinignan ako ng masama, ganoon din ako sa kaniya.

“Ama?” mahina kong usal, nakatingin lang siya sa akin.

“Kailan ka naging ama?” lumunok ako bago magsalita.

“Ni hindi mo nga alam kung ano ang nararamdaman ko! Sinunod kita sa lahat ng bagay pero huwag naman dito. I will let you control everything but not my feelings! Nakalimutan niyong tao rin ako, pati ba naman sa pagmamahal hahayaan niyong mawala sa akin!” nanghihina kong sambit, pakiramdam ko dinudurog ang puso ko ngayon, I wiped my tears. Hindi ko mabasa ang ekspresiyon niya.

“Makinig ka, ito na ang huli pagkatapos nito magiging malaya kana.” Bumaba na ang tono ng boses niya at sa iba tumingin, lumakad na ako papalayo pero bago ako lumabas ng pinto may binitawan ako.

“Hindi ko gagawin ‘yon, kung kailangan ko sawayin ang sarili kong ama, gagawin ko para sa kaniya. Dito sa bagay na ’to hindi niyo na ako ma ko-kontrol.” Walang gana kong sambit at lumabas ng pinto.

I can disobey him if it's for her.

Pumunta ako sa motor ko para mag maneho. Huminto muna ako sa isang flower shop at may binili. Pagkaabot sa akin dumiretso na ako sa pupuntahan ko.

Nang makarating ako huminga muna ako ng malalim. Matagal na rin, naglakad na ako papasok. Ilang buwan na rin simula nung bumisita ako rito. Huminto ako sa tapat.

In Loving Memory Of
Amira Castillo

Nilapag ko ang bulaklak at umupo sa tapat ng puntod

“Hi, mom, how are you?” tanong ko habang nagsisindi ng kandila.

“I miss you, Mom. I miss you very much.”

“Matagal na rin simula nung pumunta ako rito, sorry po ah.” I smiled.

“Mom, bakit gano’n si dad? Hindi ba niya talaga ako mahal?” unting unti nababasag ang boses ko.

“Bakit pati sa nararamdaman ko gusto niya sa pa rin siya ang masusunod? Wala na ba talaga akong karapatan kahit sa pagmamahal?” ngumiti akong mapait, lumalabo na ang mata ko dahil sa luha.

“Sana nandito ka, ‘no? Siguro may kakampi ako.”

“Mom, alam mo ba? I just met someone.” Pinahid ko mga luha ko at ngumiti.

“Alam niyo po bago lang sa akin ‘tong pakiramdam, nung una natatakot ako.” Sabi ko habang nakatingin sa lapida.

“Pero ngayon, sigurado na ako kahit isang buwan at kalahati palang kami magkilala.” Nakangiti pa rin ako habang inaalala siya.

“Mom, I like her.” Alam kong hindi siya sasagot pero nakikinig siya.

“Dito ko muna po sasabihin, soon sa kaniya naman.” I chuckled.

“Next time po, ipapakilala ko siya sa inyo, I love you so much, mom.” Sabi ko at tumayo na, pinagpagan ko ang likod ko bago umalis. Ayoko muna umuwi at maaga pa naman, alam ko na kung sino pwede kong tawagan.

“Oh, ano meron bakit nagyaya ka uminom?  Break naba kayo?” sabi ni Reese, inirapan ko lang siya.

“Hindi, may problema lang.” Sabi ko at umorder na kami.

“Ang tagal na nung huli tayong uminom.” Sabi ni Haven, dumating na ang inorder namin at naglagay ako sa baso.

“Dahan dahan lang, Ams, hindi ka namin iuuwi.” Sabi ni Reese, hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paginom. Hindi ko alam kung ilan na nainom ko pero nakakaramdam na ako ng hilo, bumagsak ang ulo ko sa lamesa.

“Iyan na nga ba ang sinasabi ko e.” I heard Reese.

“Ano? Itapon nalang ba natin ’to?”

“Huwag, iwanan nalang natin sa presinto para pag nagising siya mapaisip siya kung ano ginawa niya.” Narinig ko silang tumatawa. Tumayo ako at ramdam kong babagsak ako anytime.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Reese, pumipikit na mata ko.

“I-I n-need her.” Sabi ko at lalabas na sana ako nang pigilan nila ako.

“Really? Sa ganiyang lagay? Ihahatid ka nalang namin.” Hindi na ako sumagot at hinayaan nalang sila na tangayin ako papalabas, akay-akay nila ako.

“Damn it! Amariah, ang bigat mo. Huwag ka lang talaga susuka sa sasakyan ko, malilintikan ka sa akin.” Sabi ni Haven, napatawa nalang ako. Naramdaman kong umaandar na kami, nakahiga lang ako sa backseat.

Naramdaman kong huminto na kami pero nakapikit pa rin ako at nakikiramdam.

“Stay, tatawagin lang namin siya.” Hindi ko alam kung sino nagsabi puro tumango lang ako.

“Oh my gosh, Amariah, what happened to you? Sige, tulungan niyo akong ipasok siya sa loob.” narinig ko ang pamilyar na boses na ‘yon at paunti unti akong dumilat. Inakay naman ako ng dalawa papasok sa mansyon nila.

Naramdaman kong bumagsak ako sa kama.

“Sige, ikaw na bahala riyan, pasaway pa naman ’yan.”

“Pag ayaw makinig, pwede mo na saksakin tuluyan.”

“Sure, ako na bahala sa kaniya, thank you pala ah.”

Naramdaman kong may umupo sa kama.

“Ugh, why are you drunk?” binuksan ko ang mata ko at nakita ko siya, nakatingin lang ako.

“Stay, kukuha lang ako ng pamunas.” Tatayo na sana siya nang hawakan ko siya, nakatingin lang siya sa akin na nagtataka.

“S-Stay.” ’yan nalang nasabi ko.

“Pero kailangan mo mapalitan, amoy alak ka kaya.” Reklamo niya, I laughed.

“What’s funny?” nakita kong nakakunot na mga noo niya, sa totoo lang hindi ko na alam kung ano pinagsasasabi ko.

“I like y—” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang nandilim ang paningin ko.

Sunsets: Loving You; My Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon