Capitulum 10

194 9 6
                                    

1 month had passed, ang bilis, 'no? Parang dati lang tinataboy ko siya, tinataguan at sinusungitan, pero ngayon, paunti-unti ko na natatanggap. May 2 months pa naman kami bago matapos ang deal, pero kapag naiisip ko 'yon nakakaramdam ako ng hindi maipaliwanag sa loob ko, na-attach na rin ako sa tao.

Parang ayoko na ihinto.

Sa loob ng isang buwan namin marami na kaming nagawa, mostly request niya hindi ko naman ma-hindian, ang dati kong walang buhay na mundo pag kasama ko siya, unti-unting sumisigla. Hindi ko alam kung ano ang bagay na 'to pero hindi ako natatakot.

"Kumusta, Amariah? Isang buwan na simula nung nakita kita tamlay mo pa pero ngayon, parang lumiliwanag na aura mo." Sabi sa akin ng psychologist ko, ngumiti lang ako.

"Ngumingiti kana rin, so pwede ka ba mag kwento kung bakit?" dagdag pa niya, umayos ako ng upo.

"Wala naman masyado, I met someone and she's a girl." Hinintay ko ang reaction niya pero nakangiti lang siya habang nag ku-kwento ako kaya pinagpatuloy ko lang.

"This feeling is new to me. I don't understand, but every time she's with me suddenly feels magical. I feel safe and at ease with her, and I don't need to worry because I know she’ll never judge me.” I said.

"Do you like her?" tanong niya sa akin, napaisip naman ako.

"Like po? Do you think it's too early to conclude po?" huminga siya ng malalim at pinag saklop niya ang mga kamay niya at pinatong sa lamesa.

"Hindi mo naman mapipigilan nararamdaman mo kahit bago mo palang nakilala 'yong tao." Tumango lang ako.

"And walang masama sa nararamdaman mo, love is love kahit anong gender pa 'yan, ang importante masaya ka/kayo." Dagdag pa niya, somewhat naliliwanagan na ako.

"Siguro nga po, pero I need to figure this out muna." She nodded and tap my shoulder.

"Okay, pero kung kailangan mo ng kausap tungkol diyan, alam mo kung nasaan ako, ha? Babalik ka pa." Sabi niya. Tumayo na ako at nagpaalam para umalis. Narinig kong tumunog ang phone ko kaya kinuha ko 'to at binuksan.

Ciel🐕
"Punta ka sa house, please, please:<"

Natawa naman ako, makulit talaga.

"Aight, I'm on my way"

Pinatay ko na ang phone ko at nilagay sa bulsa. Habang papunta ako sa kanila, nag drive thru muna ako. Dalawang burger, chicken, and float binili ko. Habang papunta ako sa kanila may nadaanan akong bilihan ng mga stuff toy. Bumili ako ng isa para sa kaniya. Habang tinititigan ko hindi maiwasan mapangiti, I hope she likes it.

It reminds me of her, cute.

Nakarating na ako sa bahay nila, huwag niyo na tanungin paano ako nakapag drive kahit may bitbit. Tumungo na 'ko sa loob at agad akong sinalubong ng mga kasamabahay nila. Ngumiti lang ako, welcome na welcome, eh? Pagkapasok ko sa loob naupo muna ako sa couch nila at hinihintay siya bumaba.

Ilang saglit nakita ko siyang pababa na. Naka oversize shirt lang siya at cycling, para siyang batang nawawala may pa pikit-pikit pa halatang umidlip muna.

Nang makita niya ako lumawak ang ngiti niya at nagmamadaling lumapit sa akin.

"Ams!" sabi niya at agad akong niyakap, nasanay na rin ako sa ganito niya. To be honest, di ako fan ng physical touch pero para sa kaniya gagawin ko, ang bango niya.

"I miss you, Ams ko." Mahinang sabi niya, I caress her back gently. She burried her face sa leeg ko, pang kiddie meal kasi ang height, eh. Kidding.

"I miss you too, Ciel." Humiwalay siya at tumingin sa akin, inayos ko naman ang buhok niya na tumatakip sa mukha niya, matangkad ako sa kaniya kaya nakatingala ulo niya.

"Here, kain muna tayo." Nakangiting aya ko sa kaniya at tumango naman siya. Sa kwarto niya kami kumakain, 'yong literal na pagkain ha. Umupo kami sa higaan niya at nilapag ang mga binili ko.

"Here, take this." Abot ko sa stuff toy na binili ko, lumawak naman ngiti niya at tinignan 'to ng mabuti.

"Thank you!" para talagang bata. Hindi maiwasan mapangiti habang nakatingin sa kaniya, such a pure soul.

"From now on, baby kana namin, hi baby Amiel." Sabi niya habang nakatingin sa stuff toy at kinakausap ‘yon. Hindi ko maiwasan mamula, baby daw namin? Nakatitig lang ako sa kaniya habang siya nakatitig sa binili ko, para siyang anghel.

"Say hi to your mama Amariah." nahihiya ako pero tinaasan lang niya ako ng kilay kaya wala akong nagawa kung hindi sundin siya.

"Hi, baby Amiel, I'm your mama Amariah and she's your mommy Ciel." Kahit nahihiya ako wala akong magawa kasi nakikita ko naman na masaya siya, her happiness is my happiness also. Nakita kong namumula siya.

"Kakain muna kami ng mommy Ciel mo at mamaya ang mommy mo naman ang isusunod ko." Nakaramdam ako ng hampas sa braso ko, hindi ko maiwasan matawa.

"Pervert!" humagalpak na ako sa tawa habang siya nakabusangot. Aww, ang cute, nanahimik na ‘ko at kinuha ang pagkain.

“Tara, kain na tayo?” yaya ko pero nakatalikod lang siya at hindi ako kinikibo.

“Hey, I’m sorry.” I said in a gentle tone at hinawakan ang braso niya pero panay tanggal naman niya rito.

“Kain na tayo, please?” pero wala pa rin siyang sagot, hayst, tanga mo Amariah.

“Baby, ayaw ako pansinin ng mommy mo.” Sabi ko sa stuff toy habang hawak ‘to. Kala mo magsasalita, e.

“Mommy, sorry na raw sabi ni mama.” pinaliit ko boses ko na parang bata, I can't believe na gagawin ko ‘to. Hindi na ako makatiis kaya pumunta na ako sa harap niya, nakayuko siya kaya yumuko rin ako, nakita kong nagpipigil siya ng tawa.

Kiniliti ko siya kaya mas lalo siyang tumawa.

“Tama na, hahahaha.” Sambit niya.

“Sorry na, ang cute mo kasi e.” Dagdag niya pa pero hindi ko pa rin siya tinigilan. Bigla siyang napahiga at ako naman aksidenteng bumagsak sa ibabaw niya, buti nalang umalalay agad ang mga braso ko kaya hindi ko siya nadaganan. Nakapikit siya siguro hinihintay niyang madaganan ko siya. Paunti unti siyang dumilat at tumingin sa akin, ganoon pa rin ang pwesto namin, shit bakit ang weird ng pakiramdam ko ngayon?

“Uhm, alis kana sa ibabaw ko unless may balak ka pang gawin?” sabi niya habang nakangisi, natauhan ako kaya umalis agad ako.

“S-Shut up and let's eat.” I said, what are you doing, Amariah?

Pagkatapos namin kumain, nandito pa rin kami sa kwarto niya at nanonood, nakasandal lang siya sa braso ko at focus na focus siya sa palabas

“I really love Coco because of its concept.” I heard her, nakinig lang ako sa kaniya.

“We should cherish every moments before it's too late.” Dagdag pa niya, I nodded hinaplos ko naman mga kamay niya.

“Amariah, thank you for being with me. Kung ano man mangyari, nandito lang ako.” She said.

“No need, sabi ko naman sa‘yo gagawin natin lahat ng gusto mo.” Sabi ko habang nakatingin sa kaniya at ngumiti, nakatingin lang siya sa akin, bigla niya akong hinalikan sa labi pero dampi lang at ngumiti siya, naiwan akong tulala.

“Ingat ka, girlfriend ko.” I teased her, ginulo ko naman buhok niya.

“Stop, ginugulo mo hair ko e.” Maktol niya kaya pinitik ko nalang noo niya ng mahina. Napadaing siya at napanguso.

“Aight, huwag kana magpuyat, hmm?” sabi ko, maggagabi na nung mapagpasiyahan kong umuwi, hindi ko napansin ang oras basta alam ko masaya ako dahil nakasama ko uli siya.

“Come here,” I said, at lumapit siya, I kissed her forehead at kita kong nabigla siya, ganti lang.

“Gotta go.” The last thing I said, at umalis na, thank you, Ciel.

Sunsets: Loving You; My Escape Where stories live. Discover now