Capitulum 11

177 9 7
                                    

"Totoo ba nakikita ko?" I heard Reese.

"Hoy, hindi natin ata 'to kaibigan, ibalik mo nga si Amariah!" dagdag pa niya, baliw talaga.

"Oo nga Ams, ano nangyari sa'yo? Nakakagulat lang baka naligaw ka sa gubat tapos may ibang pumalit sa'yo." Panggatong pa ni Haven. Ngayon lang kasi nila ako nakitang mag ibang kulay ng damit maliban sa black.

"Hindi kami sanay na hindi ka naka black, Ams, pero bagay sa'yo nagmumukha kang tao." Humagalpak siya sa tawa at sinamaan ko naman siya ng tingin. Oo nga, kahit ako hindi rin sanay, pero sinubukan ko lang naman.

"Maging masaya ka nalang sa kaibigan natin, Reese. Kontra ka talaga kahit kailan." Nag peace naman siya pag tapos.

Nasa coffeeshop kami habang naghihintay magpasukan, somewhat, I'm comfortable naman sa suot ko.

"So, tell me, why did you decide to wear it like that?" Haven asked me while holding her drink.

"Wala naman, gusto ko lang mag try ng iba." I said while looking outside.

"Wews, try nga ba o dahil sa isang tao? Alam mo Ams, there's nothing to hide. If you're in love, let it be." Reese said, she had a point but I'm still not sure of it.

"I'm still figuring it out, okay?"

"So confirm? Yiee boto rin naman kami sa kaniya, 'yon nga lang deal nga lang 'to."

"Kailangan pa talaga ipaalala, 'te?"

"Okay, sorry baka lang." Napailing nalang ako dahil sa kanilang dalawa. Tama naman siya, deal lang 'to. Ni hindi ko nga alam kung ano mangyayari pagkatapos ng tatlong buwan, at malala kung ako lang ba nakakaramdam nito, unrequited love, huh?

"Basta kung may tanong ka si Reese nalang tanungin mo, pa iba-iba naman crush niyan kaya batak na 'yang babaeng 'yan." Anya ni Haven.

"Duh, marami lang akong crush pero at least sa isa lang kakalampag." Proud pa niyang sabi, malamig ko lang siyang tinignan at nakita ko si Haven umiling nalang.

"Bibig mo talaga kahit kailan."

"Nakakabit." Sagot ni Reese, nag make face lang si Haven.

"Okay, that's enough, pasok na tayo." I stopped them. Tumayo na kami at lumabas sa shop para pumasok.

Naka focus lang ako sa prof namin habang nagtuturo siya, samantalang itong si Reese, natutulog. Ito namang si Haven halos makipag away na sa notes na sinusulat niya. Sa kabila ng pakikinig ko may narinig akong sumisitsit. Tumingin ako sa bintana at nakita ko si Ciel, ano ginagawa niya rito?

"Kaya mo 'yan." Bulong niya, napangiti naman ako.

"Kakayanin." I say under my breath, nag flying kiss siya bago umalis, pasimple akong tumingin sa paligid kung may nakakita at mabuti wala naman.

"Ang daya bakit 100/100 nakuha mo sa quiz ang hirap non e!" maktol ni Reese, nasa cafeteria kami ngayon nandito rin si Ciel sa tabi ko.

"Wala ka kasing ka flying kiss." Narinig ko si Haven tumingin ako sa kaniya at nakangiti lang siya habang 'yong isa nalilito, itong katabi ko patay malisya lang.

"What? Ano kinalaman non?"

"Wala, sabi ko kumain ka nalang." Haven dismissed the topic at nagpatuloy nalang sa pagkain.

"Here, eat this." Sabi ni Ciel sa tabi ko, nilagyan niya ako ng gulay. Tatanggi sana ako kaso nakataas na ang isa niyang kilay kaya wala akong nagawa kung hindi kainin, pagkasubo ko sumilay ang ngiti sa labi niya, she even muttered "Good job," ano ako bata lang?

"Buti Ciel napapakain mo 'yan ng gulay, number one enemy pa naman niya 'yan." Sabi ni Reese kay Ciel, ngumiti lang si Ciel sa kaniya habang ako labag sa loob kumain ng gulay.

"Wala siyang magagawa." Narinig ko siya at halos mabilaukan na ako.

"Wala, taob na." I heard Haven, whatever.

"Ayaw ko na." Nakangusong sabi ko kay Ciel, kumuha siya ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko.

"Para ka talagang bata." She said while wiping the corner of my lips, I'm speechless.

"Ako rin Have, gayahin din natin sila oh."

"Sige, kukuha ako ng tissue sa basurahan at ipapahid ko sa'yo." Tumawa naman kaming tatlo habang siya nakasimangot. Hindi ko maiwasan mapatingin sa katabi ko habang tumatawa siya, ang ganda niya pa rin.

"Kung ice cream lang 'yang katabi mo baka tunaw na 'yan sa init ng pagtitig mo." Haven interrupted me, babatuhin ko sana siya kaso tumikhim 'yong katabi ko kaya wala akong choice kung hindi bitawan.

Hinatid ko si Ciel sa building nila bago ako pumasok, nakahawak siya sa braso ko, mahilig siya mang ganito pero wala naman akong problema. Huminto kami at bumitaw na siya.

"Salamat, hindi naman kailangan."

"Wala 'yon, gusto ko lang bakit ba." Tumingkayad siya at bigla akong hinalikan sa pisngi, hobby na niya talaga ang magnakaw ng halik, hindi ko namalayan na nakapasok na siya, hindi ko maiwasan mapangiti habang paalis.

★★★

"Ingat kayo, lalo kana Ams ingatan mo si Ciel pauwi."

"Sabihin mo sa amin Ciel kapag may ginawa 'to sa'yo, kaming bahala." Dagdag pa ni Reese, mukha ba akong kahina-hinala? Ngumiti lang katabi ko habang nakahawak sa braso ko, hindi naman ako tatakbo.

"Thank you, but I trust Amariah naman e." She said biglang bumilis tibok ng puso ko.

"Aight, mabait naman 'yan si Ams, pagtulog nga lang." Hahampasin ko sana siya nang tumakbo na siya paalis.

"Bye, Have." Tumango siya at tinapik ang braso ko bago umalis, tinignan ko ang katabi ko na busy lang nakatingin sa ice cream.

"Gusto mo?" tanong ko sa kaniya, ngumiti siya at tumango. Pumunta kami at bumili.

"Ano gusto mo?" tanong ko ulit.

"Cookie and Cream." Sagot niya.

"Two cookies and cream, kuya." Kumuha na siya at binigay sa amin.

"Neng, bagay kayo." Sabi ni kuya, hindi ko naman maiwasan mahiya habang itong katabi ko tumawa lang ng mahinhin.

"Thank you po." Narinig ko si Ciel ngumiti lang si kuya. Umupo muna kami habang kinakain binili namin.

"Para ka rin bata kumain." Sabi ko habang pinupunasan gilid ng labi niya.

"Ang cute nila,"

"Sana ako rin,"

"What if bading ako?"

Iyan lang mga naririnig ko pero hindi ko nalang pinansin. Nang matapos kami, hinatid ko na siya.

"Salamat sa paghatid uli, mukhang marami akong utang." Sabi niya, nginitian ko lang siya.

"You're my girlfriend...a-at least so I must keep you safe." I said.

"Sana palagi na kitang makita mag suot ng ganiyan, bagay sayo." Hindi ko maiwasan mahiya. Naglakad na siya papasok at ako naman hinintay siya habang unti-unti na siyang nawawala.

I didn't expect na magiging ganito ako pero nagugustuhan ko naman, kapag ba nasigurado ko na nararamdaman ko masasalo niya kaya ako?

Sunsets: Loving You; My Escape Where stories live. Discover now