Capitulum 22

284 5 0
                                    

Days had passed simula nung bantayan ko si Ciel, pumapasok pa rin naman ako at the same time pagkauwi inaasikaso ko siya. Hindi ko na iniintindi ang pagod basta makita ko lang siya, okay na ako.

“Baka hindi kana nagpapahinga niyan, ah?” may pag aalalang tanong niya.

“Hindi, nakakatulog pa naman ako. Ang mahalaga maalagaan kita.” Nginitian ko siya.

“Come here.” Sabi niya at lumapit naman ako, himawakan niya pisngi ko.

“Why are you so handsome and beautiful at the same time?” pambobola niya, natawa lang ako, lakas mambola.

“Ikaw bakit ang ganda mo?” pero pinisil lang niya ang ilong ko.

“Kumusta buong araw mo?” tanong ko sa kaniya.

“Boring, puro T.V lang, wala ka e.” Sabi niya.

“Hay nako, lakas mo naman.” Sabi ko.

“Gusto mo bang lumabas?” tanong ko pero umiling lang siya.

“Huwag muna, tabihan mo nalang ako, malaki naman ‘tong kama.” Sabi niya at agad akong lumapit sa kaniya at dahan-dahan humiga, siniguro ko na hindi ko siya madadaganan. Nang makahiga na ako, sumandal siya sa dibdib ko.

“I love your warmth.” Sabi niya, I hug her.

“Bakit ang bango mo, nakakagigil.” Dagdag pa niya.

“Duh, fabric conditioner lang ‘yan.”

“Let’s stay this for a while.” Sabi niya at unti-unting pumikit siya, inaantok na nga.

Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog, hindi ako gumalaw baka magising siya. I watch her breathing. Alam ko nahihirapan siyang huminga, nahahalata ko minsan kahit sinasabi niyang okay lang siya. Malaki talaga ang ipinagbago niya mula sa naglalagas na buhok at namayat siya sobra. Mga mata niya parang palaging pagod, pero kahit gano’n, nandito pa rin ako.

“Hi ate Ciel!” kakagising lang ni Ciel at nandito ang kambal. Masaya siyang sinalubong nung dalawa.

“Becareful, baka masaktan ang ate niyo.” Pag papaalala ko sa kanila.

“Opo ate, I miss you ate Ciel, kumusta ka po?” tanong ni Sun.

“I’m okay, cuties. Salamat sa pag bisita.” Nginitian niya ang kambal, ganoon din ang dalawa. Masaya ko lang sila pinapanood.

“Ate! Palakas ka po para pumunta tayo uli sa park! Tuturuan ka po ni ate mag bike, magaling ‘yan.“ Sab niya pa, tumingin sa akin si Ciel, nginitian ko lang siya.

“Sure, basta kayo rin turuan niyo ako, hmm?”

“Opo naman, magaling din si Sun! Nagkakarerahan kami minsan tapos si ate ang nanonood sa amin. Kaya pagaling kana po para kayo naman ni ate ang magkarerahan.” Dagdag pa ni Moon.

“Oo naman, maraming park pa tayong pupuntahan, sa amusement park gusto niyo?” tanong niya, tumango lang ang kambal.

“Hihihi, opo ate! Kaso takot si ate Amariah sa rides, baka hindi siya sumama.” Tumawa lang sila, napailing nalang ako.

“Ito pala po, fruits sabi ni nanang lalakas ka raw po pag nag eat ka. Kami po ni kambal ang pumili niyan, kaya kain po ng marami kasi gusto na namin uli kayo makalaro.” Sabi ni Moon at tumango lang si Sun, ginulo lang ni Ciel ang buhok niya.

“Oo naman, uubusin ko ‘to para naman makalaro ko na kayo uli.” Sabi niya.

Marami silang pinagkwentuhan, habang ako nanonood lang sa gilid. Nag aalala ako sa mga kapatid ko kasi hindi pa nila alam ang nangyayari sa ate Ciel nila. Pero soon, maiintidihan nila kung bakit hindi na nila ito makikita pa. Ako man ay hirap tanggapin pero umaasa pa rin ako na may milagro na darating. Sinundo na sila ni dad at umuwi na ang kambal.

“Napagod ka ba sa kanila?” tanong ko habang hinihimas ng marahan ang ulo niya.

“Medyo pero masaya naman, alagaan mo ang kambal, sana maging kagaya mo.” Sabi niya pa.

“Sige na, matulog kana uli, Sweet dreams, my Ciel.” Sbi ko at hinalikan pisngi niya.

I will never get tired to show you how much I love you.

Sunsets: Loving You; My Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon