Capitulum 15

166 5 2
                                    

"Good Morning, couples!" masiglang bati sa amin ni Reese.

"Ang aga-aga nang bubulahaw ka." Sabi ko naman, dumila lang siya at kinalabit si Ciel.

"Ciel, pag sabihan mo nga, ang aga-aga pero mainit ang ulo." Parang batang nagsusumbong.

Tumingin sa akin si Ciel at pinandilatan niya ako, napakamot nalang ako ng batok. Sinamaan ko naman ng tingin si Reese habang nakangisi siya, she muttered "taob"

"Where's Haven?" I asked her, naghihintay kami magpasukan.

"Baka na-traffic." Sagot niya, bakit sumakay pa ba 'yon ng barko? May kinuha siya sa bag niya at may kung anong nilantakan, inalok pa niya ako pero 'yong nasa bibig na niya. Gago talaga.

"So, Ciel, hindi ka naman ba nahirapan sa kaibigan namin kahapon?" tanong ni Reese at uminom ng tubig.

"Hindi naman, ang amo nga e." Sabi niya, tinignan ko siya at nakangiti lang.

"Maamo? Under lang kamo." Sabay tawa nung bugok, tinapakan ko siya at bigla siyang napahiyaw. Pero nakaramdam din ako na parang may tumapak sa akin at tinignan ko ang katabi ko na nakataas na ang kilay. Bakit pag sila pwede tapos pag ako bawal?

"Nyenye, buti nga." Isip bata talaga.

Ilang minuto nagdaan dumating na rin ang isa. Tinaas niya ang gitnang daliri niya sa amin habang naglalakad papalapit, gagawin ko na sana kaso tinignan ko ang katabi ko na parang nagbabanta kaya hindi ko na tinangka.

"Ayo, good morning." Bati niya at umupo sa tabi ni Reese.

"Hi, Ciel. Himala nakasabay ka namin ngayon." Sabi ni Haven, ngumiti lang sa kaniya si Ciel.

"Sinundo kasi ako ni Amariah." Sagot naman niya.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa ni Ams 'yan. Parang noon lang kala mo palaging umaattend sa lamay dahil naka itim palagi." Pabirong sabi ni Reese.

"Proud na proud talaga kami sayo, anak!" Madramang sabi pa niya at parang naluluha. Tumawa lang ang katabi ko.

Tumayo na kami at tumungo sa mga room namin. Nag paalam na kami kay Ciel dahil sa iba ang building niya.

Nakikinig lang ako sa klase habang si Reese naman may kung ano nginunguya, nanaman. Hindi talaga matigil ang bibig.

"Hinaan mo nga pagkain mo, nakakadistract." Saway ni Haven, pero nilakasan niya pa para mang-inis.

"Isa, Reese." Banta ni Haven, hindi ko na sila pinansin at nakatingin lang sa harap, ano kaya ginagawa ni Ciel?

"Uy, may na mi-miss." Panunukso ni Reese.

"Shut, makinig k-"

"Miss Castillo and company, ano nanaman ba 'yang pinagkakaguluhan niyo?" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng marinig ko si prof, naka pamewang na siya.

"Hindi po ako 'yon." Inosenteng hayag ni Reese.

"Not me either." Sagot pa nung isa, nakatingin lang sa akin 'yong dalawa, tinignan ko prof namin na nakataas na ang kilay, pahamak.

"Bwisit, napapahamak ako." Siinghal ko sa dalawa, papunta na kami ngayon sa cafeteria.

"Pasesensiya, God bless." Sabi ni Reese, nang makahanap kami ng pwesto umupo na kami.

"Si Ciel, oh?" turo ni Haven, lumingon ako at nakita ko siya papalapit sa amin, nawala bigla ang inis ko. Kumaway siya habang papunta sa amin.

"Hi, Ciel!"

"Hello." Sabi niya at umupo sa tabi ko. Kinikilig ka nanaman.

"Here, Amariah." May inabot siya sa akin, nagpasalamat naman ako.

Vegetable salad, napalunok ako.

"Hala ka gulay." Sabi nung isa.

"Puro ka meat." Sabi nitong katabi ko, binuksan ko 'yon at tinikman, not bad.

"Ano 'tong sauce?" tanong ko.

"Caesar Dressing." Sabi niya, tumango naman ako.

"Ikaw ano kakainin mo?" tanong ko sa kaniya, may nilabas pa siyang baunan at kagaya sa akin.

"Pati ba naman sa pagkain kailangan couple." Reklamo ni Haven, tumawa lang katabi ko. Nag order na rin sila at pagkuha, sabay-sabay na kaming kumain. Masarap naman pala ang gulay pero bakit ibang gulay ang gusto ko? Joke. Palihim kong tinitignan katabi ko na parang prinsesa kumain.

"Messy eater." My thoughts interrupted nang punasan niya labi ko.

"Guys, hindi ko na talaga kaya kayong tignan." Sabi ni Reese, inggit pikit nalang.

"Thank you." I said and smile at her.

"Salamat sa ulit sa paghatid." Sabi niya, tumango naman ako.

"Walang kiss?" hirit ko, she playfully rolled her eyes at naglakad na papasok, ano ba 'yan.

Naging maayos naman ang buong mag hapon ko hanggang sa mag-uwian, maliban nga lang nung umaga. Hinihintay ko siya malapit sa gate, nauna na umalis ang dalawa.

“Hey,” bati niya at nginitian niya ako, I pat her head.

“Stop, hindi porket matangkad ka.” Maktol niya at nakanguso.

“Ayoko muna umuwiiii.” Pinahaba niya pa ang salita niya, nakahawak siya sa braso ko, ang liit pala ng kamay niya.

“Fine, where do you wanna go?” lumawak ang ngiti niya.

“Park! I want to eat ice cream and street foods!” sabi niya at hinila na niya ako papunta ro’n.

★★★

“Hinay hinay lang, hindi ka mauubusan.” Sabi ko.

“Here, eat this.” Sinubuan niya ako at tinanggap ko naman. Ang liit na tao pero daig pa may buwaya, pero ang payat niya.

“Bakit hindi ka tumataba?” tanong ko, pinunasan ko naman gilid ng labi niya.

“Eh bakit ba at ngayon nalang ako nakakakin nito.” Sabi niya.

“Ice creaaam!” turo niya habang nakanguso, tumayo ako at bumili.

“Dalawang cookies and cream po.” Sabi ko at inabot niya sa akin.

“Kayo po?” gulat na tanong ko pagkabigay sa akin, siya ‘yong matanda sa park.

“Oo, anak, ako nga. Libre na ‘yan para sa babaeng kasama mo.” Turo niya kay Ciel, para siyang nawawalang bata.

“Ah, eh.”

“Binabalaan lang kita, anak. Ihanda mo Sarili mo may nararamdaman lang ako.” Ed Calauag ka ghorl?

“Ano po ‘yon?” tanong ko.

“Wala ako sa posisyon para magsabi pero, kung ano man ang dumating, tanggapin mo.”  Sabi niya, bigla akong kinabahan.

“Ate okay ka lang? ‘Yong bayad?” natauhan ako dahil sa nagsalita, guni-guni lang pala. Binigay ko na ang bayad at lumapit sa kaniya, tuwang tuwa.

“Thank you!” sabi niya at kinain.

Nag k-kwentuhan kami nang bigla siyang tumigil.

“Ano nangyari?” tanong ko, ngumiti lang siya at sinabing “na brain freeze lang”.

“Ingat ka, ha?” sabi niya, siya naman ang gumulo sa buhok ko.

“Opo, ma.” Biro ko at hinampas naman niya braso ko.

“Sa susunod uli.” Tumango naman ako at sinuot ang helmet ko at nagmaneho.

Sunsets: Loving You; My Escape Where stories live. Discover now