Capitulum 9

166 7 7
                                    

It's already 10 p.m and the heck! Nag b-browse pa rin ako sa internet kung ano pwedeng gawin. I sigh because of frustration, do I really need to do this? Where in fact ito naman gusto ko?

Gusto mo nga ba? I brushed out my thoughts.

An Idea crossed my mind, first, I need to sleep and wake up early. Tinanggal ko na ang reading glass ko at minasahe ang ulo ko, tumayo na ako at pumunta sa higaan ko para humiga.

“Ay!” takbo ko palayo sa kalan, naka full gear na ako baka mapagkamalan akong sundalo rito.

“Great, bakit kasi pritong isda ang naisip mo, Amariah?” I said to myself, kada talsik ng mantika ay siya rin ang takbo ko papalayo.

“Ay, magnanakaw!” sabi ng nasa likuran ko, si Nanang pala.

“Nang, hindi ako magnanakaw, ako ‘to si Amariah.” Sabi ko, nakakunot lang ang noo niya.

“Huwag mo akong lokohin, hindi siraulo ang anak ko!” nabigla ako sa sinabi niya, tinanggal ko ang helmet ko.

“Dios mio, ano bakit ka naman naka helmet at kapote, anak?” tanong niya? Napakamot ako sa batok ko.

“Nagluluto kasi ako, Nang.” Tinignan naman niya ang niluluto ko.

“Marunong ka pala magluto ng giniling, Anak.” Giniling?

“Isda po ‘yan.” I said.

“Bakit naman lasog-lasog at bakit ka nagluluto?” tanong niya

“Eh, secret.” Nahihiyang sambit ko.

“Pumapag ibig na pala ang alaga ko.” Pang aasar niya sa akin.

“Nang! Hindi noh, peace offering lang.” Tumawa siya ng mahina habang ako gusto na lumubog sa kahihiyan.

“Osiya, pero bakit isda? Lagyan mo naman ng effort.” Sabi sa akin ni Nanang.

“Yan po pumasok sa isip ko e.”

“Maupo ka nalang at ako na ang gagawa.” Sabi niya

“Huwag na po, tulungan niyo nalang po ako.” Sabi ko at tumango siya.

Natapos na kami sa pagluluto at hindi ko maiwasan mapangiti dahil sa gawa ko, first time, huh. Naghahanda na ako ng pagkain sa dining room namin at hinihintay nalang mga kapatid ko, nakaligo na rin ako.

Ilang minuto rin at bumaba na rin sila.

“Good Morning ate! Wow, ikaw po ang nagluto?” Tanong ni Moon sa akin na parang namamangha sa nakikita. I nodded and smile.

“Oo, sige na, maupo na kayo baka ma-late pa kayo.” Sabi ko at nag unahan silang maupo, cute.

★★★

“Ingat ka po, ate! Labyu!” sabi sa akin nung dalawa, nag flying kiss pa.

“I love you too, kayo rin, hmm?” they nodded at sumakay na sa sasakyan. Tumungo na rin ako sa sasakyan ko at nagmaneho.

“Good Morning, Amsissy!” bati sa akin ni Reese at niyakap ako.

“Good Morning too, Reese.” At binigyan siya ng isang ngiti.

“Omg, himala ba ‘to? Hindi ka badtrip ngayon? Totoo pala ang himala!”

“Shut up!” I said at nanahimik siya, nakita ko tumingin siya sa hawak ko kaya agad kong tinago sa likuran ko.

“Tago pa, kala mo hindi ko nakita.” I rolled my eyes.

“Congrats, may mata ka.”

Dumating na rin si Haven at agad nag middle finger sa amin kaya ginantihan ko rin.

Sunsets: Loving You; My Escape Where stories live. Discover now