Kabanata 30 : Goodbyes

26 4 0
                                    

HINIGPITAN ni Krayola ang pagkakahawak niya sa kamay ni Enrico nang masipat niya ang bukal sa Plaza de Roma bago niya ito pinigilan. Tiningnan niya ang relong pambisig at pasado alas-singko na nang hapon. Parang kailan lang noong magkakilala sila ni Enrico sa Plaza de Roma at pinagkamalan niya pa itong isang hibang, ngunit ngayon ay napakabilis nang panahon dahil isang oras na lamang ang natitira para sila ay magsama.

Lumingon sa kanya si Enrico bago ito malungkot na ngumiti. "Ngayon na ang ika-siyam na araw ng Disyembre, aking mahal, ang ikatlong duyog."

Huminga siya nang malalim para supilin ang kanyang mga luha na nagsimulang mamuo sa kanyang mata at gusto nang kumawala.

"Batid ko, aking mahal. Pero ang puso ko... ang puso ko ay nagsisimula na namang sumukip. Mayroon na lamang akong isang oras para makasama ka."

"Eh 'di mag-usap tayo sa isang oras na iyon dito sa punong ito, aking mahal. Pag-usapan natin ang bagay na tatatak sa ating buhay kahit na hindi na natin kasama ang isa't isa," suhestiyon nito at umupo sa damo. Tinapik nito ang tabi kaya naupo siya sa tabi nito.

"Kinakabahan ako. Bumibigat na ang dibdib ko," pagbibigay-alam ni Krayola at nginiti niya na lamang ang sakit kahit na gusto nang kumawala ng kanyang mga luha. "Pero kanina, nang makaalis tayo sa bahay para maglibot sa Museo ay nakita ko kung paano umandap ang bahay sa ikatlong pagkakataon at sumunod naman ang tree house nang mapadaan tayo roon. Sunod-sunod itong nangyari. At aaminin ko na sa mga oras na iyon ay nais na naman kitang pigilan sa iyong paglisan. Sa tuwing naiisip ko na panatilihin ka sa oras ko ay nangyayari ang bagay na ganoon. Sa mga obra. Sa loob ng gamit sa bahay. Pati ako mismo ay umandap na rin sa paningin mo. Nasa akin ang desisyon at sinasabihan ako ng tadhana na bitawan ka na hanggang may oras pa. Pero... pero kahit na wala ka na sa tabi ko gusto kong malaman na... ikaw lang ang mamahalin ko, aking mahal. Ikaw lang ang mananatili sa aking puso."

"Bata ka pa, aking mahal. Maari ka pang magmahal ulit. Masakit rin ito para sa akin pero wala na akong magagawa. Itinakda akong mamuhay sa nakaraan at doon ako mamatay," anito sabay pagak na tumawa. "Ngunit, alam ko. Kapag nakabalik na ako ay may mamatay rin sa loob-loob ko. Dahil hindi na ako makakahanap ng isang tulad mo sa oras ko."

Nang hinigpitan ni Enrico ang paghawak sa kanyang kamay ay doon niya na pinakawalan ang munting mga luha. She cried in silent under the tree as the wind blew on their faces. The wind was so strong like it was also weeping just like them. When she heard Enrico's continuous sniffs, that's when she figured that he was weeping too.

"Nakakatawa, ano? Karamihan sa mga Pilipino ay kinamumuhian ang ginawa ng Espanya sa pagsakop ng mga ito sa bansa natin ngunit ginagamit naman natin ang wika nila paminsan-minsan," wika ni Krayola para pawiin ang lungkot sa pagitan nilang dalawa. "Hindi naman din iyon nakakapagtaka na mangyari dahil matagal din silang nanakop dito sa Pilipinas."

"Noong una nga ay nagulat ako kung bakit ka marunong mag-Espanyol, aking mahal, sapagkat naalala ko na mula ka sa hinaharap at naninirahan sa oras na ang Pilipino na ang may-ari sa ating bansa. Inaamin ko, kahit man din ako ay naiinis kapag ginagamit ko ang wika ng bansa na sumakop sa atin pero base sa mga narinig ko sa iyo mukhang nakasanayan na iyon ng ibang Pilipino," wika nito sa marahan lamang ng boses. "At wala na akong magagawa doon. Isa pa, sa kanila din tayo natutuo na mag-aral at magdasal kaya kahit papaano ay may maganda rin silang naituro sa ating bansa."

Tumango si Krayola at muling sinipat niya ang relong pambising at pinunasan ang luha. Mayroon na lamang silang treinta minuto nalalabi.

"May gusto ka bang itanong sa akin? Huling tanong bago ka bumalik sa oras mo?" tanong ni Krayola sa kabila ng kanyang pagkabalisa.

Nilingon siya ni Enrico at tiningnan siya nang ilang segundo. Ngumiti ito bago humugot nang malalim na hininga. "Tanong ko na ito sa isip ko simula pa lamang nang magkakilala tayo, aking mahal. Bakit nga pala Krayola ang iyong pangalan?"

Arts and GoodbyesWhere stories live. Discover now