Kabanata 22 : Exhibit vs. Enrico

16 3 0
                                    

"PERO, hindi pa ako handa," sagot ni Krayola. "Hindi naman sa hindi ko pinagkakatiwalaan ang sarili ko na sumali sa paligsahan na iyon. Gusto ko rin mapatunayan sa iba na may kakayahan pa ako sa pagpipinta... na nagpapatuloy pa rin ako sa paghabol sa pangarap ko pero tama ba na sumali ako sa paligsahan na iyon kung iyon lamang ang dahilan ko? Ikaw ang nagturo sa akin na magpinta nang bukal sa loob. Kung kakagat ako sa patalim ni Erin, para ko na ring niloko ang sarili ko gayong sunali ako nang hindi pa handa."

"Binibini, makinig ka sa akin. Marami pa tayong oras para maghanda at magsanay. May tatlong buwan pa tayo. Sapat na oras na iyon para maghanda sa paligsahan," suhestiyon ni Enrico para mapaisip siya. "Alam ko na may pag-aagam-agam pa sa puso mo. Nakikita ko sa mga mata mo ang pagkabahala. Kung ito man ang pagkakataon na ibinigay sa iyo para mapatunayan mo ang kakayahan mo, tanggapin mo at lubusin. Minsan lang dumating ang pagkakataon, Binibini. Mas mabuti na iyong alam mong sumubok ka kaysa palampasin mo at pagsisihan."

"Pero paano kung hindi ako manalo? Paano kung pilak lang ang makuha ko?" tanong ni Krayola sabay napahilamos sa mukha gamit ang dalawang kamay. "Hindi ba ay nalungkot ka rin noong malaman mo na pilak rin ang nakuha mo sa unang sabak mo sa eksihibisyon?"

"Oo, pero magkaiba tayo, Binibini. Hindi ko alam ang ginawa ko sa oras na iyon kung bakit pilak lang ang aking nasungkit pero malakas ang loob ko na sumubok ako at nairaos ko ang paligsahan. Ngayon, ang tanong ko sa iyo kailan ka susubok?"

"Hindi... hindi mo naiintindihan. Nakikita mo ba kung gaano kalakas ang loob ni Erin na matalo ako? Kapag nagawa niya iyon ay tiyak na magiging katawa-tawa ako," aniya sabay tinuro ang sarili.

Itinaas ni Enrico ang kanyang baba bago ikinulong ang kanyang mukha sa mga kamay nito. "Hindi iyon ang dahilan kung bakit ka sumali sa kompetisyon. Papatunayan mo ang iyong kakayahan hindi dahil iyon ang nais makita ng mga tao mula sa iyo kundi ay iyon ang gusto mong ipakita sa mga tao. Kung iisipin mo nang maigi ay magkaiba iyon, Binibini. Malaki ang kaibihan niyon. Nasa kamay mo iyon upang mangyari at wala sa iba."

Napapikit si Krayola at hinawi ang kamay nito palayo. "Maniwala ka sa akin, Ginoo. Gusto ko. Gusto kong sumali sa paligsahan na iyon. Ngunit may iba akong dahilan kung bakit nag-aalangan ako."

Kumunot ang noo ni Enrico at nagtataka na tumingin sa kanya. "Ano ang ibig mong sabihin, Binibini? Anong ang dahilan mo para mag-alangan ng ganyan?"

"Hindi mo maiintindihan," sagot ni Krayola at tumalikod dito. "Hindi mo na kailangan na malaman ang tungkol doon."

Nagsimulang maglakad si Krayola palayo ngunit ilang hakbang pa lamang ang kanyang nagagawa nang hinuli ni Enrico ang kanyang pulsuhan at pinigilan siya sa pag-alis.

"Iintindihin ko. Iintindihin ko kaya maari mong sabihin sa akin," pagpupumilit nito, nagsusumamong tumingin sa kanya.

Krayola shook her head and pushed him. "Hindi. Hindi mo maiintindihan."

"Paano mo nalaman na hindi ko maiintindihan gayong hindi mo pa ipinapaalam sa akin," mariing wika ni Enrico para matigilan siya.

Ang kanyang plano na paglisan ay nasupil dahil hindi niya inaasahan na makakarinig nang pagtaas ng boses kay Enrico. She wasn't clueless to not know that he's mad. Hell, he could say that he was even furious. Ngayon lamang niya nakita ang galit nitong itsura at hindi niya inaakala na may kakayahan pala itong magalit.

"Dinamayan kita at alam mo ang lahat ng tungkol sa akin. Pati ang mga sekreto ko ay inilahad ko sa iyo. Tayong dalawa ang magkasama sa paghabol ng ating pangarap, ipinangako natin iyon. Palagi tayong magkasama dahil napupunan natin ang kakulangan ng bawat isa kaya bakit ngayong mas lalo na tayong mas nagkalapit ay doon mo pa ako tatalikdan?"  tanong ni Enrico sa basag na boses. "Kasama mo na ako simula pa noong hinaharap mo ang iyong kahinaan. Nandiyan tayo palagi para sa isa't isa. Nandiyan ako para sa iyo. Bakit kailangan mong gawin ito sa akin? Hindi ba ako karapat-dapat na tao para malaman ang dahilan mong iyon? Wala na ba akong saysay para sa iyo para hindi mo pagbuntungan ng hinaing? Iyon ba ang paraan mo ng pagpapabatid mo sa akin na wala na akong silbi sa iyo?"

Arts and GoodbyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon