Kabanata 1 : Arts

101 7 1
                                    

NABABAGOT na sinundan ni Krayola ang Gallery Guide papunta sa pinakahuling obra-maestra na matatagpuan sa Fundacion Santiago Gallery IV, South Wing Galleries Level 2 House Floor sa loob ng National Museum kung saan naroon ang likha ni Simon Flores Y De La Rosa sa taong 1896.

Recuerdo de Patay (Memento Mori) of a Child.

"This piece by Simon Flores is particularly eerie despite of the calm face of a child lying in a small bed, in his best clothes, adorned with fresh flowers on the side," pagbibigay-alam ng Gallery Guide na nagpamangha sa kanyang mga kasama sa art tour na karamihan na sa palagay niya ay estudyante pa lamang ng kolehiyo. "During the 19th Century, commissioning a painting like these was a popular way to remember a recently deceased loved one."

Sa huling sinabi ng Gallery Guide ay ang dahilan nang malalim na pagbuntong-hininga ni Krayola sapagkat muli ay naalala niya ang yumaong lolo na mahigit isang taon na rin na nawala sa kanya.

Dumalo siya sa alo ng ina na mamasyal at maglibot sa National Museum upang makahanap ng inspirasyon patungkol sa sining, ngunit sa tuwing nakakakita siya nang magaganda at mga tanyag na mga kuwadro ay tila ba hindi niya maiwasang malungkot at mawalan ng gana.

Ngayon ang ika-labing anim na pagbisita ni Krayola sa kung saan-saan na Museo sa Pilipinas subalit para bang hindi niya mahanap-hanap ang puwang sa kanyang pagiging isang pintor. Because she knew deep inside her that she was still longing for his grandfather's death, mourning and not accepting the fact that he was gone and not coming back.

Sa halip na umusad siya sa masaklap na pangyayari ay tila ba kabaliktaran ang naging epekto niyon sa kanya. Patagal nang patagal ay nawawalan na siya ng pag-asa para sa pangarap. Marahil tuluyan na nga na nailibing ang kanyang pangarap na maging isang tanyag na pintor kasabay nang pagkamatay ng kanyang lolo.

"So, that's for today's gallery tour, I am Luisa Lleno..." rinig niyang pagwawakas ng Gallery Guide kaya naman humakbang na siya palayo at tuluyan nang lumisan sa kumpulan.

Kagaya nang mga nakaraang pagtangkang pag-usad ni Krayola sa mapait na kinikimkim ay wala ring naging saysay ang mga iyon. Sa katunayan ay halos masaulo niya na ang mga magagandang kuwadro sa loob National Museum at ang mga taon kung kailan ito nailikha. Kaya naman sa tuwing may maling maisalaysay ang mga Gallery Guide patungkol sa partikular na obra ay hindi niya maiwasang itama ang mga ito, katulad ng taon kung kailan nailikha ang isang obra, at ang mga kuwento sa kabila ng inilalarawan ng kuwadro.

May araw pa nga na siya ay inalok ng maging isang Gallery Guide sa isang museo, marahil dahil sa kanyang pinakitang kaalaman sa kasaysayan ng sining ngunit tinanggihan niya ito dahil hindi ito ang larangan na kanyang gustong tahakin. Datapwat man na nauubusan na siya ng rason upang magpatuloy sa pinakaaasam na pangarap ay hinding-hindi niya kayang sukuan ang nasimulan.

Bagaman ang hindi niya lamang matanggap ay siya itong nagkapagtapos ng summa cum laude sa Unibersidad ng Santo Tomas ngunit siya itong walang natamo sa loob ng apat na taong bilang isang naghahangad na maging bangtog na pintor.

Nang mahagip ng kanyang mga mata ang mga obra-maestra na nasa bahagi ng GSIS North Hall Gallery XXIII, North Wing Galleries Level III kung saan naroon rin ang Planting of the First Cross na nalikha ni Vincente Manansala, isa rin sa bantog na pintor ng Pilipinas, at ang isang obra na pinakarason ng kaniyang pagtakilik sa sining ay napabuga si Krayola nang marahas na hangin, ang El Amore Duele.

Doon nakabandera ang naipinta ng yumao na lolo sa taong 1982 na pinamagatan nitong El Amore Duele o sa tagalog ay Masakit Ang Umibig. Inalalarawan nito ang babaeng nakaupo sa sahig, naghihinagpis habang mahigpit na hawak ang namatay nitong iniirog dahil sa digmaan noong kalaban ang mga Hapon sa kasagsagan ng World War II habang sa likuran naman ng babae ay ang patuloy na pakikipagdimaan ng mga hukbo ng pilipino.

Arts and GoodbyesWhere stories live. Discover now