Kabanata 5 : Eclipsar

31 4 0
                                    

GULAT na napatingin ang kinse anyos na si Krayola sa kanyang lolo Kristiano bago napamaang sa impormasyon na sinabi nito. "Gano'n po ba?"

"Yes, Binibini. It was annular solar eclipse when I lost the love of my life." Nahimigian niya ang munting kalungkutan sa boses ng kanyang lolo bago nito inilapag ang brotsa na hawak pagkatapos ay ngumiti sa kanya. "January 15, 1991. Iyon ang araw na tuluyan ng binawi ng mundo ang aking kasiyahan, ang taong aking pinakamamahal."

Malungkot na napatingin si Krayola sa dalisay na tanawin na makikita ngayon mula sa Painting Room ng kanyang lolo. Simula nang tumuntong siya sa edad na sais ay nakagawian na nilang mag-abang ng duyog mula sa kanyang kuwarto o sa balkon ng bahay ng lolo. Ngayon rin ang ika-labing siyam na anibersaryo ng pagkamatay na kaniyang yumaong na lola.

"Your mom and dad were still planning to get married that year. I remember how excited your grandma was to have you taken care of once you were born. She always looked forward to her soon to be sunshine as much as I did. Sadly, she... s-she didn't make it. Tuluyan ng bumigay ang katawan ng lola mo dahil sa Cancer."

Nang marinig ang pagnginig ng boses ng lolo ay naluluhang napatingin na lamang si Krayola dito bago ito nilapitan at niyakap nang mahigpit. She could feel his grandfather's sorrow inside the room. Sabay silang tumingin sa nagdilim na araw dahilan para kumulimlim na ang paligid. Ang mistulang makikita na lamang ay ang puting umaaligid sa bilog ng araw na tuluyan na naging itim.

"I'm sorry to hear all of that, Daddy Lo. I'm sure Mommy La is happy now in the afterlife," ani Krayola habang hindi inaalis ang mata sa tanawin. "Pero hindi ko po talaga maintindihan kung bakit nanatili pa rin kayong manood ng pagbabago ng kulay ng araw tuwing Solar Eclipse. Ang sabi nga po nila, hindi ba? Na may mangyayaring masama tuwing duyog. Just like Mommy La's death. Hindi po ba dapat iniiwasan ninyo ang pag-aasam tuwing Eclipse, kasi po para po sa akin, para ninyo na ring sinasaktan ang sarili ninyo kapag nanonood kayo ng Eclipse... katulad ngayon. Naalala ninyo si Mommy La tuwing Eclipse."

"Makinig ka sa akin nang maigi, Binibini." Humarap sa kanya ang lolo at hinawakan nang mahigpit ang kanyang mga kamay. "Just because I anticipate it and watch how it goes doesn't mean I'm hurting or I'm a sadist. It was Solar Eclipse when your grandmother died, yes, you are right. But it was also the day when I get to see her smiling, resting face. Kapag nakatingin ako sa pag-itim ng araw ay hindi pagdilim ng paligid ang nakikita ko kundi ang ngiti ng iyong napakagandang Lola."

She was in awed at his grandfather sweet words. No wonder never his grandfather looked to any woman. Dahil simula nang mamatay ang kanyang lola ay isinama nito ang puso sa paglibing kasama ng pinakamamahal. Her grandmother will always be the love of his life as much as he dedicated his life on painting such incredible masterpieces. Para sa lolo ay walang makakapantay na sinumang babae para dito.

"Things that usually give bad omen to everybody often give unexpected joy things to some. It may be unlucky to many, but it'll be the opposite to others... especially mine."

Napatango-tango si Krayola sa natutuhan. "Nice quote, Daddy Lo. Let me take some pictures and quote it on my photo. I'm going to post it on my Facebook account."

Napabuntong-hininga ang kanyang lolo at napahalakhak. "Hay nako, Binibini. Kayo talagang mga kabataan ngayon, mas pinagbibigyan ninyo talaga ng pasin ang social media kaysa ang mag-explore sa mundo. Just always remember that Eclipses are phenomenal, so always look forward to it."

Kasabay ng huling katagang iyon ay siyang hindi naman sinasadyang pag-uulit ni Krayola sa mga kataga ng lolo. "Always look forward to it...."

Nanlaki ang kanyang mga mata bago naeenganyong tiningnan ang kaibigan at magiliw na ikinulong ang mga pisngi nito gamit ang mga kamay. "That's it, Nance!"

Arts and GoodbyesWhere stories live. Discover now