Kabanata 29 : Pagitan

13 2 0
                                    

"PERO hindi pa ako handa na mawala ka," malakas na pagtutol ni Krayola para mapalayo ito sa kanya kaya nilapitan niya ito. "Hindi pa ako handa na pakawalan ka. Hindi pa a-a-ako handa na mamuhay nang hindi ka kasama."

"Wala tayong magagawa," dugtong ni Enrico para mas mapaluha siya habang lumalapit rito.

Her tears keep crawling out from her eyes as she plead him to stay. "Pakiusap, hindi ko kakayanin na mabuhay nang wala ka..."

"Kakayanin mo. Kailangan mong kayanin. Nakaya mo noon, alam kong magagawa mo ulit iyon," giit ni Enrico para mapailing-iling siya sa harap nito at mapahagulgol.

"H-Hindi..." pagmamatigas ni Krayola at umiling. "M-May iba pang paraan. Maghahanap tayo ng ibang paraan para makasama natin ang isa't-"

"Wala. Wala ng ibang paraan," asik nito para bahagya siyang mapaatras. "Lahat nang nangyari simula una pa lamang ng iyong buhay, nakataga na iyon na mangyari at hindi na natin iyon mababago. Hindi tayo... hindi tayo puwede magsama. Itinakda akong mamuhay sa iyong nakaraan at ikaw naman sa aking hinaharap. Ilang dekada ang pagitan natin sa isa't isa. Una pa lamang mali na ang pagsasama nating ito. Datapwat hindi ko pinagsisihan na minahal kita. Na mas pinili kong sumaya sa piling mo kahit alam kong may wakas. Alam kong hindi dapat maari pero nilabanan ko at sinunod ang aking kagustuhan dahil alam kong pagsisihan ko kung hindi ko bibigyan ang sarili ko nang pagkakataon. Pero hindi ibig sabihin niyon na hahayaan ko na masira ang iyong kasalukuyan, aking mahal. Dahil kung maari na puwede akong bumalik ngayon, hindi ako magdadalawang-isip para sa kapakanan mo at ang mga taong mahal mo sa buhay."

Lumapit siya rito at inakap ito nang mahigpit. Bahagya itong kumawala sa kanyang pagkayakap pero kalaunan ay sumuko na ito nang hindi niya ito binitawan at nanatili sa kanyang bisig bago humikbi.

"Hindi ako puwede manatili pa rito nang matagal..."

"Alam ko, aking mahal... alam ko. Pero... pero hayaan mo ako na yakapin ka nang ganito kahigpit at huwag mo iyong ipagkait sa akin gaya ng ginagawa sa atin ng tadhana ngayon. Hayaan mo akong maramdaman ang init ng iyong katawan at masaulo iyon at itaga iyon sa aking isipan," aniya sabay ibinaon ang baba sa balikat nito. "Hayaan mo akong aliwin ang sarili ko sa iyong halimuyak na tiyak na hindi ko mahahanap sa iba. Hayaan mo akong lubusin ang iyong presensya habang nandito ka pa sa aking harapan... dahil tiyak na nanaisin ko iyon lahat kapag wala ka na."

Enrico's shoulders dropped to his side before he snake his arms on her back for a tight hug. Nanatili sila sa ganoong posisyon hanggang narinig nila ang pagkatok sa kusina. It was her mother smiling at them.

"Everything okay here?" tanong nito sa nag-aalala na tono pero hindi pinahalata sa kanila. "I unintentionally overheard but not all of them."

Nagkatinginan sila ni Enrico at sabay na napangiti. Napahawak ito sa batok habang siya naman ay lumapit sa ina.

"Uhm, should me and your father... go home and eat dinner some other time with you two?" tanong ng ina at binigyan siya nang matamis na ngiti. "It's fine with us. We can eat outside."

"No, mom. Stay. Everything... everything is fine," Krayola answered and then sniff to hold back her tears. "We just... had a little quarrel but we are fine now. We can eat now since the viand was cooked."

"Paumanhin po sa aming naging maanghang na sagutan. Hindi po namin sinasadya na magbigay sa inyo ng pag-aalala..." paumanhin ni Enrico at magalang na yumuko. "Hindi ko sinasadya na saktan ang iyong anak, Ginang Tolentino. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo."

Tumingin sa kanya ang ina at makabuluhan na tumingin sa kanya bago ibinalik ang tingin sa kanyang kasintahan. "Huwag kang mag-aalala, hijo. Ganoon talaga ang magkaibigan, nag-aaway rin paminsan-minsan. Natural lamang iyon sa posisyon niyo na nagmamahalan. Alam ninyo, mabuti na lang talaga at pumunta kami rito ngayon. May pumasok na pangyayari sa utak ko na maari kong gawing libro."

Arts and GoodbyesWhere stories live. Discover now