Kabanata 18 : Sampaguita

18 3 0
                                    

"ANG isang tunay na magaling na pintor ay nagpipinta hindi dahil gusto nitong itanghal ang kanyang kakayahan kundi nagpipinta dahil may gusto siyang ipaabot sa kanyang mga manonood," pahayag ni Enrico at sumipat sa kanya habang hawak nito ang brotsal. "Hindi naman sa sinasabi kong masama iyon. Isa rin iyon sa katangian na dapat mayroon ang isang pintor. La Confianza kumbaga. Malakas ang loob kapag nagpipinta na magugustuhan iyon ng mga manonood. At sa tingin ko ay hindi ka naman nagkulang sa katangian na iyon..."

Tumango si Krayola, napangisi sabay hampas nang pabiro sa hangin. "Ano ka ba... ako lang 'to. Maliit na bagay—"

"Pero hindi palagi dapat iyon ang pinapairal ng isang pintor, Binibini..." mariing dugtong ni Enrico at masama na tumingin sa kanya para maitikom niya ang bibig at muling makinig. "Ang tunay na magaling na pintor ay dapat alam kung anong tamang oras magbiro at magseryoso."

Napayuko si Krayola at nag-iwas ng tingin dahil alam niyang siya ang tinutukoy nito. Nagpaumanhin siya gamit ang mga mata bago ito nagpatuloy.

"Kahit na sabihin natin na magaling ka nga, oo. Alam mo iyon bilang nagpinta sa kuwadro na iyon. Magaling ka para sa taong ito. Pero hindi laging magaling ang tingin sa iyo ng lahat. Sa dalawangpu na manonood, maaring mahusay ka sa labing-isa na mga iyon pero hindi ka mahusay sa siyam na natitira," pagpapatuloy ni Enrico at tinuro siya gamit ang brotsa. "At natural lamang iyon. Hindi lahat ay mapapahanga mo dahil may iba-iba tayong pananaw sa sining. Katulad ko, hindi ko nagustuhan ang unang bersyon ng iyong Desgraciado dahil sa tingin ko ay kulang iyon sa emosyon. Pero para sa iyo, maganda na iyon at walang kapintasan."

Tumango-tango si Krayola bilang pagsang-ayon.

"At iyon ang dapat natin ilagay lagi sa ating pag-iisip bilang isang pintor. Kaya kung makakatanggap ka ng puna mula sa mga kritiko o kahit na sa mga manonood, tanggapin mo iyon bilang leksyon at hindi insulto. Naiintindihan?" tanong ni Enrico at inilagay ang kamay sa tainga nito.

"Naiintindihan po, aking guro," sagot ni Krayola.

"Mabuti dahil magsisimula na tayo sa ating pagsasanay," wika ni Enrico at umupo sa kanyang tabi.

"At ano pala iyon?" tanong ni Krayola nang maalalang wala itong binanggit patungkol sa kanilang gagawin.

"Naalala mo iyong labing-isa sa siyam? Gagawin natin iyong labing-anim sa apat. Dapat makamit natin ang walangpung porsyento na apresyasyon ng mga manonood. Iyon ang ating layunin," ani Enrico at pinulot ang palete nito. "Magpinta ka ng kung anong gusto mo na tema o paksa sa tama nitong emosyon gaya ng ating pinag-aralan noong nakaraang linggo at bibigyan ko iyon ng puntos at huhulaan ang ipinapahiwatig ng kuwadro na iyon. Ganoon rin ang gagawin ko. Ipapasuri ko sa iyo ang aking kuwadro at hihingian iyon ng puntos galing sa iyo."

"Okay," wika ni Krayola at pinulot ang brotsa sa kanyang tabi. "May oras ba tayo na dapat sundin?"

"Ngayon ay wala pa. Pero darating din tayo doon kapag nalagpasan natin itong pagsusulit na ito," sagot nito habang hindi tumitingin sa kanya dahil abala na ito sa paghalo ng mga kulay. "Ngayong pasulit na ito ay kasama mo ako."

Napangiti si Krayola dahil sa sinabi nito bago hinarap ang kuwadro. She keep staring at the canvas while thinking of a reference. She has been so focus on perfecting her previous canvas named Desgraciado and now her mind is buffering. Hindi siya makapag-isip ng paksa. She may got better at painting emotion but she was no good at painting something impromptu. Knowing Enrico, she couldn't just paint without a meaning. Dapat ay makabuluhan iyon kundi ay malalagot siya rito.

So, now, what will she paint?

"Tulala. Sinasabi ko na nga ba," wika ng binata para mapatingin siya rito.

Arts and GoodbyesWhere stories live. Discover now