Kabanata 7 : Desgraciado

37 4 1
                                    

"B-BINIBINI..." utal na sambit ni Enrico matapos niyang magpakawala nang maanghang na salita.

Nang makamutawi si Krayola nang malutong na mura ay hindi siya nakaramdam ng pagkamasama kahit pa ganoon na lamang ang pagkabigla ng binata. Nagngitngit ang kanyang kalooban. Wala na siyang naging pakialam kung iba na ang iispin sa kanya ng binata. Her ego was too damn offended. Stomped to the ground and crushed. Ang isang summa cum laude ng katulad niya na halos lagi na nakakakuha nang pinakamataas na puntos sa kanilang mga likhang sining sa kolehiyo ay kailanman hindi maaring pagsalitaan nang mababa. Mali ito ng pinuna, mali ng pinintasan. Lalong lalo na kung siya ang tinagurian nang karamihan na hahalili sa bakas ng kanyang lolo.

"Lumabas ka..." marahang pagtaboy niya sa binata habang ang kanyang nanlilisik na mga mata ay nakatuon na ngayon sa kuwadro nitong dinusta.

Dahil sa sobrang galit ay nagsimulang bumabaw ang kanyang paghinga at tuluyan niya nang naikuyom ang mga kamay. Kailanman ay walang nagsalita sa kanya nang ganoon kababa. Walang nagtangka na siya ay pangaralan. Walang bumangga sa kanya kundi ngayon lamang.

"Binibini, hindi ko sinadya na saktan ka gamit ang aking mga salita," anito pagkatapos ay lumapit sa kanya na naging dahilan ng kanyang alegrong pag-atras. "Ako lamang ay nagsasabi ng aking opinyon—"

"Hindi mo ba ako naririnig o nagbibingi-bingihan ka? Ang sabi ko... lumabas ka sa silid na ito," mariing utos niya bago tuluyan ng tumaas ang kanyang boses at pinanlisikan ito ng mga mata. "Lumabas ka sa silid na ito ngayon din!"

Sandaling namayani ang katahimikan sa silid. Bumuka ang bibig nito ngunit kalaunan ay isinarado na lamang rin nito ang pinto nang iniiwas niya ang tingin senyas bilang pagpahiwatig ng kawalang interes sa kung anuman ang sasabihin ng binata. Narinig niya ang yapak nito papalayo at nang tuluyan nang marinig ang pagsarado ng pinto ay pahagibis na hinawakan ang kuwadro kanyang nilikha noong araw ng pagkamatay ng kanyang lolo. Hinagod niya ito ng tingin gamit napuno nang pangsusulakasok bago ito marahas na itinapon sa sahig at tinapak-tapakan nang paulit-ulit.

Batid niyang dapat hindi siya dapat magalit dahil naniniwala siya sa sariling kakayahan. Naniniwala siyang may kaya siyang patunayan sa madla, lalong-lalo na sa mga magulang na parehas ang ibinibuntong na kailanman ay hindi niya binigyang pansin para magpatuloy sa pag-abot ng pangarap. Subalit, ang mga salita ng binata ay tila ba tumatak sa kanyang isipin at bumabagabag sa kanyang kakayahan bilang isang pintor.

If her grandfather was here, what would he say to her?

Natulala si Krayola bago nanghihinayang na pinulot ang nasirang kuwadro nang kalma na ang sarili. Bahagyang napunit ang tela niyon sa gitna at nalukot. Mas lalo lamang itong hindi naging kaaya-ayang tingnan. Nang ginawa niya ang kuwadrong pinangalanan niyang Desgraciado ay wala siyang emosyon na naramdaman kundi ang pagkadawis... at poot. Hanggang ngayon ay ikinikimkim niya pa rin iyon sa kanyang kaibuturan. After all, her grandfather was her only inspiration, her only grail. He was her set of colors. And now that he's gone, she wouldn't know either what her grandfather would say to her dull canvas... and how she impulsively reacted by the critique.

But maybe Enrico's right. Desgraciado is colorless. Emotionless even. Totoo nga marahil ang puna nito sa kuwadro. Na marahil wala itong dating... na hindi siya magiging kasing galing ng kanyang lolo. But then she has the right to be mad for the critique though. It was the first canvas she tried after her grandfather's death, four years later to be precise. She still can manage to pull a string out of devastation and without inspiration at all. She did it without her grandfather's guidance. And if she can do it, she can do it again. Maybe even better next time if she'll make it through the hole. All she has to prove to many is that she can be what she wanted to become.

That she didn't give up.

Ang tanging kailangan niya ay hanapin ngayon ay ang inspirasyon. At kung paano pangasiwaan ang galit kapag napupuna.

Arts and GoodbyesWhere stories live. Discover now