Kabanata 26 : Sunset and Rain

19 3 0
                                    

NAPAPIKIT si Krayola nang maramdaman niya ang pag-ihip ng hangin. Inipon niya ang dibdib ng preskong hangin pagkatapos ay inilapag ang kanyang dalang buslo malapit sa puno.

"Binibini, handa ka na bang umakyat?" sigaw ni Enrico mula sa taas ng tree house.

Muling pinulot niya ang buslo at itinali sa lubid at hinila iyon para matanggap iyon ni Enrico sa itaas. Nang makita na natanggap na iyon ng binata mula sa tree house ay binitawan niya na ang lubid at umakyat sa puno gamit ang hagdan. When she reached at the top, Enrico helped her by reaching his hand. Hinila siya nito pataas at husto na nagdikit ang kanilang katawan nang makapasok na siya sa tree house kaya sila sabay na napalayo mula sa isa't isa.

It's been a week since they confessed their feelings and exchanged the three words but then they still get flustered whenever their body collides. Just like Enrico who was holding back whenever she is with him, she felt the same whenever an intimate moment flashes on her mind.

Intimation is one of the relationship foundations a couple should have and both of them are too demure for that. Yes, they have kissed, hugged many times, sleep beside each other in one bed for weeks but doing beyond those things is actually freakish to her to just even imagine it. Every time she pictured doing it with him, her cheeks would turn crimson and she would freak out. And she wasn't that innocent to not know such things. 

Of course, she is attracted to Enrico and so does he. But it doesn't matter to her if it would happen between them sooner or later. As long as Enrico stays by her side, it's all that matters. Iyon ang mas importante sa kanya ngayon kahit pa man ay may nararamdaman pa siyang pagkabahala sa pananatili ni Enrico sa kanyang oras. She may not open that topic about Enrico but deep inside she knew that someday she could lose him at anytime because he was from a different timeline.

"Nahanda ko na pala ang kabalyete para sa iyong pagpipinta, aking Binibini," wika ni Enrico para mapatingin siya sa easel na nakatayo sa tabi nito. "Hindi ba sabi mo sa akin noon na gusto mong magpinta rito sa tree house?"

Tumango si Krayola sapagkat nilapitan niya si Enrico sa halip na ang easel. "Pero gusto kong makasama ka kaysa magpinta."

"Binibini, alam mo naman ang saloobin ko para doon, hindi ba? Hindi mo ako puwedeng gawin na prioridad kaysa sa pagpipinta... kaysa sa pangrap mo. Oo, nakamit mo na nga ang ginto sa isang eksibisyon pero hindi pa iyon sapat para tumigil sa paghabol ng iyong pangarap," ani Enrico bago umiling-iling sa kanya.

"Pero isa ka na sa pangarap ko, aking Ginoo. Ang makasama ka ay isa na sa mga pinapangarap ko," katwiran ni Krayola bago sinalubong ang nag-aalangan nitong mga mata.

"Pakiusap, kailangan mo ulit magpinta, aking Binibini. Kailangan mo mapanatili ang kagustuhan na makapagpinta. Kakabalik mo lamang sa pagpipinta at hindi ka puwedeng tumigil," pagpupumilit ni Enrico sabay inabot sa kanya ang brotsa. "Huwag ka mag-aalala. Hindi ako mawasala sa iyo. Pangako iyan."

"Iyan ang hindi natin alam, Ginoo. Napunta ka rito ng lingid sa ating kaalaman. Maaring mawala ka ulit sa akin nalingid sa aking kaalaman... at ikinakatakot ko iyon. Alam ko na alam mong hindi iyon imposible," ani Krayola sabay inilapag ang brotsa na hawak sa kabalyete at malalam itong pinakatitigan bago naluluha na napangiti. "Kaya kung anuman ang dapat kong pagbigyan ng pansin ay ikaw iyon."

"Nangako ako na hindi na kita papaluhain sapagkat heto ako at sinasaktan ka na naman..." malungkot na wika ni Enrico bago hinalikan ang kanyang sentido. "Patawarin mo ako, aking Binibini. Nais ko lang naman na hindi maging pabigat sa iyo at hindi maging hadlang para sa pangarap mo."

"Hindi mo ako sinasaktan, aking Ginoo. Maniwala ka." Ngumiti si Krayola bago ito hinila sa balkonahe kung saan makikita nila ang buong siyudad. "Sadyang masakit lang para sa akin ang usapin na iyon kaya sana.pagbigyan mo ako sa aking kagustuhan na makapiling ka palagi at gawin kitang prioridad. Pangako, hindi ko papabayaan ang aking pangarap. Magtiwala ka."

Arts and GoodbyesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang