Kabanata 28 : Maestro

14 2 0
                                    

"IYONG tumulong sa lolo mo noon, aking mahal, alam mo ba ang pangalan niya?" tanong ni Enrico para mapatingin siya rito habang nagpipinta.

Nag-isip si Krayola at pumalatak. "Sa totoo lang hindi ko na matandaan ang pangalan niya, pero ayon sa aking lolo ay mahaba raw ang pangalan ng nakakagalang na Ginoo. Siyam na taong gulang lamang ang aking lolo noon at hindi niya sa ulo ang pangalan nito dahil napakahirap daw sauluhin. Ang alam ko ay ang tawag niya rito noon ay maestro."

Tumango-tango si Enrico at nakita niya na nasa malalim ito na pag-iisip. Sa halip na bumalik sa pagpipinta ay tinabihan niya si Enrico.

"May problema ba, aking mahal? Nitong mga nakaraang araw ay pansin ko na palagi kang nasa malalim na pag-iisip... maari ko bang malaman kung bakit?" tanong ni Krayola.

Binasa nito ang labi bago puno nang kuryusidad na tumingin sa kanya. "Ang obra ng iyong lolo, ang Nueva Familia, Nuevo Comienzo na nangangahulugan na Bagong Pamilya, Bagong Simula, noong gabing tinanong ko ang tungkol doon... may nasaksihan akong kakaiba. Umandap ito sa king panaginip, aking mahal, nang paulit-ulit hanggang sa nawala iyon nang ilang segundo bago bumalik sa ayos. Alam ko, hindi kapanipaniwala ang bagay na ikinukuwento ko sa iyo pero alam ko ang nakita ko noong gabing iyon, aking mahal. At isa lamang ang alam ko na dahilan kung bakit iyong nangyari."

Kumunot ang noo ni Krayola dahil wala siyang naintindihan sa nais nitong ipabatid. Ngunit, base sa tono at kilos nito ay alam niya na seryoso ito at malaki itong problema.

"A-Ano ang ibig mo sabihin, aking mahal?" tanong niya rito.

"May kutob ako na sa pananatili ko rito... nagbabago na ang mga nangyayari sa nakaraan," sagot ni Enrico para mas lalong lumalim ang gatla sa kanyang noo. "At hindi iyon maganda... nararamdaman kong may mali sa pananatili ko sa oras na ito."

Tumayo si Krayola at lumayo rito. "Huwag kang magsalita ng ganyan..."

"Aking mahal, hindi ko ito sasabihin sa iyo kung hindi ito importante," katwiran ni Enrico at nag-aalala na sumipat sa kanya. "May kutob akong kailangan ko nang bumalik sa oras ko sa nalalapit ang ikatlong duyog bago mahuli ang lahat."

"Ano?" tanong ni Krayola at hindi makapaniwala na tumingin rito. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Alam mo ba na kapag nangyari iyon ay mawawala ako sa piling mo? Gusto mo bang mangyari iyon sa akin? Sa atin? Gusto mo bang magdusa tayong dalawa?"

"Aking mahal—"

"Hindi, Enrico. Iyong nakita mo noong nakaraang gabi, wala iyon. Pagod ka lang," sansala ni Krayola at umiling. "Hindi iyon malaking bagay dahil hindi naman iyon nangyari ulit, hindi ba?"

"Pero isa na iyon sa babala na binabago natin ang takbo ng nakaraan. Isa iyong senyas na hindi ako dapat na manatili rito..." pagtutol ni Enrico at lumapit dito.

"Hindi mo na ba ako mahal? Wala na ba akong saysay sa iyo para magsabi ng ganito kadali sa harap ko?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Krayola para mapapikit si Enrico sa kinatatayuan.

"Nangako ako sa iyo na ikaw lamang ang mamahalin," sagot ni Enrico at malumbay na tumingin sa kanya. "Narinig mo ang pag-alpas ng kataga na iyon sa aking bibig."

"Kung ganoon ay patunayan mo. Patunayan mo sa akin. Patunayan mo sa pagpanatili rito sa tabi ko," Krayola said in between her silent sob. "Patunayan mo na kahit kailan ay hindi ka mawawala sa akin."

Nawalan ng imik si Enrico at bumalik sa kinauupuan nito. When his grandfather's masterpieces started to flicker before her eyes, Enrico glanced at her and looked straight into her wide eyes. She couldn't believe what she was witnessing. It's like it was glitching and was happening so swift her eyes couldn't pursuit it. Ilang segundo na umandap-andap ang mga obra bago bumalik ang mga ito sa ayos. Dahil sa kanyang gulat ay nawalan siya ng kataga at bumabaw ang kanyang paghinga. Nanatili siyang nawindang at pilit na ipinaparehistro sa kanyang sistema ang nasaksihan.

Arts and GoodbyesWhere stories live. Discover now