Kabanata 9 : Aceptación

46 4 0
                                    

UNTI-UNTING tumingala si Enrico at nakita niya ang napakalaking puno ng mangga kung saan may nakatayong maliit na bahay-bahayan sa gitna ng puno na nailuluminahan nang mapanglaw na ilaw. Para itong kamalig ngunit nakasampa sa isang puno. Halatang matibay ang pagkakagawa at yari sa puno ng cedar. Awtomatik na pumailanlang ang pagkamangha sa kanyang mukha hindi dahil sa maliit na tuluyan na iyon kundi ang mga munting ilaw ng napakaraming alitaptap, likha para mas gumanda kapaligiran.

"Enrico!" pagtawag ng dalaga dahilan para agap na mapatingin siya sa entrada nang munting tuluyan. Marahil sa sobrang pagkamangha ay hindi niya na napansin ang pag-akyat nito na kung sakali man ay alalayan niya ng sobrang rahan.

"Ano pa ang hinihintay mo? Come on, umakyat ka na," aniya sabay inihudyat nito papasok ang kamay at tuluyan ng pumasok

Tumalima si Enrico at pinawi ang pag-aagam-agam. Nang tuluyan na makasampa sa entrada ay tuluyan ng nawala ang kanyang pag-aalala buhat nang napakagandang tanawin na makikita mula sa kanilang kinaroroonan. Ang mga ilaw na singkinang ng araw ay kanyang naaninag, maging ang mansyon na kanilang tinutulyan ay makikita kung ipipihit niya ang tanaw sa kaliwang bahagi ng gubat na pinapalibutan nang matatayog na mga puno ng mahogany at puno ng mangga.

"Napakaganda..." ani Enrico at binusog ang mga mata sa magandang tanawin.

Muling siyang napangiti bago ibinalik ang tingin sa dalaga na ngayon ay tahimik na kumakain sa kanyang tabi. Inabot nito ang pagkain na sa pagkakatanda niya ay ang tawag daw ay burger bago ito tiningnan ng puno ng pag-aalangan.

"Wala iyang lason, huwag ka mag-aalala," wika nito na para bang nabasa nito ang tumatakbo sa kanyang isip. "At saka kung may lason iyan, sana kanina pa ako natigok, 'no. Kumain ka na, alam kong nagugutom ka na simula pa kanina. Hindi mo man pinapakita pero alam ko."

Tinanggap niya ang pagkain galing sa dalaga bago inihanda na ang sarili sa pagkagat. Ngunit pahagibis na tinakpan ng dalaga ang kanyang bibig na nagbigay sa kanya ng matinding pagkagulat.

"Kailangan mo munang tanggalin iyong papel bago ka kumagat..." wika nito pagkatapos ay walang ideyang pagkurap lamang ang kanyang nagawa sa sinabi nito.

Napangiti ang dalaga, kinuha ang pagkain galing sa kanyang mga kamay at saka ginawa ang mismong payo. Nang matanggal na nito ang naturang papel ay ibinalik nito sa kanya ang pagkain. Para iyong tinapay na may palaman na karne sa gitna at mayroong parisukat na keso. Tuluyan niya ng hinawi ang pag-aalangan at kumagat sa pagkain at ganoon na lamang kanyang pagkagulat nang mas masarap ang lasa nito gaya nang hindi niya inaasahan.

"Masarap... may kakaiba itong lasa na hindi ko pa natikaman noon," komento niya sabay muling kumagat sa pagkain na naging tuloy-tuloy dahil sa napakasarap nitong lasa.

"Baka mayonnaise 'yon?" natatawang sagot ng dalaga sabay dampot sa pagkain na batid niyang binalutan ng harina.

Dahil sa kuryusidad ay ginaya niya ang dalaga at kumagat sa pagkain at natuklasan niyang masarap ito dahil isa sa sahog nito ay manok na iniluto sa bagong paraan na ngayon niya lang natuklasan.

"Ang tawag diyan ay Friend Chicken... ang sarap, ano?" naaliw na sambit ng dalaga na nagpatango-tango sa kanya bilang pagsang-ayon. "Kumain ka lang diyan nang marami, sa atin itong lahat. Kapag may natira tayo, initin na lang natin tapos kainin natin sa agahan bukas."

Muling tumango si Enrico at itinuon ang pansin sa pagkain.

"Coke, ayaw mo ba? Masarap din iyan."

Walang imik na tinanggap niya ang inumin sa dalaga at ginaya ang ginawa nito sa pamamagitan ng paghigop ng mahaba ngunit plastik na aparato na itinusok ng dalaga sa inumin. Napatango siya sa lasa nito ngunit agad din niyang inilapag ang inumin. Hindi iyon ganoon kasarap sa kanyang panlasa ngunit hindi naman iyon mapangit. Kung papipiliin siya sa pagitan ng tubig at sa coke na iyon ay mas pipiliim niya ang tubig.

Arts and GoodbyesWhere stories live. Discover now