TKP 46

60.5K 2.1K 555
                                    

TKP 46


Tumigas ang mukha nya at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Para bang nakarinig sya ng mga salitang kahit kailan ay hindi nya inexpect. Hindi sya makapagsalita hanggang sa makarating na si ma'am Carmel.


Hindi sya tumingin sa pagbukas ng pinto. Nasa akin lamang ang buong atensyon nya. 


"W-why...?" Tanong nya. Nakita ko ang pagragasa ng lungkot sa mga mata nya.


Nasasaktan ako. Ang sama ko. Ang hina-hina ko. Wala akong kwenta. Oo, alam ko iyon.


"Andyan na si ma'am, Pierce." Bumalik ka na." Hindi ako tumingin sa kanya.


"Tell me you're not breaking up with me first, Princess. Just please.." Mahinang sabi nya na parang inaamo ako. Nakikiusap ang mga mata nya. Pilit nya akong pinapaharap sa kanya habang hinahawakan ang siko ko.


Nagsisikuhan at nagbubulungan ang mga babae sa harapan. Napapahiya na si Pierce sa ginagawa nya. Hindi ba nya nakikita na pinagtitinginan kami, at halatang nakikiusap sya saakin? Hindi nya kailangang magpaka-baba ng ganito. Para lang saakin. I do not deserve his love.


Nakita ko si Loraine na nakatingin saamin. Maging si ma'am ay tahimik kaming pinapanuod habang inaayos ang mga dala nya sa desk. Hindi galit o nangiintimida ang mga mata nya. May bago doon.


"Pierce, nandyan na si ma'am.." Ani Loraine. Maamong-maamo ang ginamit nyang boses kay Pierce. Mukhang alam nyang may pinag-aawayan kami.


Hindi nagsalita si Pierce. Napakatahimik nya habang hinihintay na magsalita ako. Pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga sa ginagawa nyang pagtitig.


"Fuck it. Really huh, Princess?" Napaka-lamig ng boses nya saakin. Ilang segundo pa bago ko narinig ang pag-usog ng bangko.


Umalis na sya.


Agad akong huminga ng malalim. What am I doing? What! Naiinis ako sa sarili ko.. Mahirap na nga ang sitwasyon, pinapahirap ko pa. 


Pakiramdam ko ay mali at tama ang ginagawa ko. Pero ano bang dapat gawin? Lalong tumatagal, lalo lang nagiging mahirap. He deserves to be happy. Hindi na sya masaya sakin dahil alam kong nape-pressure sya. Binabago nya ang sarili nya at ayoko nun. Hindi dahil saakin. He is the best, and I am the worst girl for him.


Hindi nagtanong si Loraine ngunit ramdam ko ang titig nya saakin


Nang i-dismiss kami ng pangalawang teacher namin para sa snack ay kauna-unahang lumabas si Pierce. Malamig na malamig ang tindig nya at walang pwedeng humarang sa daan nya. Pati ang mga kaklase naming lalaki na close nya ay hindi sya binati dahil napakalamig ng ekspreyson ng mukha nya.


"What happened?" Tanong ni Loraine.


Pinigilan ko ang pagtubig ng mga mata ko. Ako ang nakipagbreak kaya wala akong karapatan na umiyak.


The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon