TKP 24

87.2K 2K 370
                                    

TKP 24

"Pierce... hindi ka nga pwede dito eh." Pangungulit ko sa kan'ya. Nakahiga ako at s'ya ay nakatayo, dala-dala ang ice pack.

Umirap s'ya at inihagis ang ice pack saakin. Mabuti na lang ay nasalo ko! Grabe na talaga ang lalaking 'to! Napakaharsh!

"Give me a reason why." Aniya sa bored na tono. Para n'ya akong hinahamon. Aba't-- magaling s'ya ah. Kanino bang bahay 'to?

"Pierce naman! Paano na lang kung malaman ni mama na nagpatulog ako dito ng lalaki?" Inis na sabi ko. Lumabi pa ako para naman maawa s'ya saakin.

Wala talaga akong balak na patulugin ang Pierce na 'yan dito. Hindi s'ya pwedeng matulog dito! Isa pa, hindi naman ako mamamatay kung walang magbabantay saakin eh.

Umirap s'ya. Nakakailang irap na s'ya ah! Sinimulan kong idikit sa noo ko ang hawak na ice pack.

"Hindi naman malalaman kung hindi mo sasabihin." Bulong n'ya at umupo sa tabi ko. 

Nakagat ko ang sariling labi nang bigla n'yang inagaw saakin ang hawak kong ice pack at s'ya na ang nagpatuloy sa pagdidikit nun sa noo ko.

Inalog ko sa utak ko ang mga iniisip. Simpleng ginawa lang ni Pierce ay nilalagyan ko ng malisya.

Napanguso ako at pinigilang ngumisi. Nakatitig ako sa itsura n'yang medyo malapit saakin. Seryoso s'ya sa ginagawa nya at ni hindi tumitingin sa mukha ko. Para s'yang ingat na ingat.

"Paano kung may makakitang kapitbahay?" Tanong ko, nakatitig parin sa napaka-inosenteng mukha n'ya. Bakit ang ganda-ganda ng hubog ng manipis na labi n'ya.. pati na rin ang kulay nun?

Nagbuga s'ya ng hangin, halatang naiirita na sa mga tanong ko. "Maaga akong aalis bukas."

"Maaga ring na-gigising ang mga tao dito! Tapos, dala mo pa yung motor mo... Pierce naman, ayokong ma-issue dito." Pangkukumbinsi ko sa kan'ya. "Isa pa, kay Klark ka lang naman nagpaalam. Dapat sa mommy mo ikaw magpaalam!"

Gumalaw ang ulo n'ya na parang nagsasabing wala s'yang pakialam sa mga sinasabi ko. Kinuha n'ya ang ilang hibla ng buhok ko na nagkalat sa mukha ko. Inayos n'ya ang magulo kong buhok.. nakatitig lang ako sa kan'ya habang ginagawa n'ya iyon. 

"Shut it, Princess."

"Ayoko nga kasing ma-issue! Ano na lang sasabihin ng mga kakilala ko dito saamin?" Gumalaw ang ulo ko para makita ko s'ya ng maayos.

Mula sa ginagawa n'ya ay tumingin s'ya sa mata ko habang hawak parin ang ice pack na nasa noo ko. Nagtaka ako ng bigla na lang tumaas ang isang sulok ng labi n'ya. Ngumisi s'ya! Kahit anong gawin n'yang ngiti ay gwapo parin s'ya!

"Sakin ka naman mai-issue, mahihiya ka parin?"

Napasinghap ako sa sinabi n'ya. Hindi ko aakalaing mag yayabang s'ya ng ganun! Alam kong alam n'yang gwapo s'ya pero hindi ko aakalaing magyayabang s'ya ng ganun ngayon.

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon