TKP 11

97.5K 2.8K 492
                                    

11: Where I Belong

Panay ang tingin ko kay Pierce habang nag lalakad kami pabalik ng room. Seryoso s'ya at mukhang hindi na namam pwedeng makausap. Gwapo talaga s'ya sa buhok n'yang medyo may pag kagulo. Maangas pero tahimik ang dating.

"Bakit sakin ka sumamang mag cut?" Bigla kong natanong sa kan'ya.

Medyo napatingin s'ya sakin pero bumalik ulit ang tingin n'ya sa daan. Seryoso parin s'yang nag lalakad. Pero bakit nga ba s'ya sumama sakin? Sa pag kaka kilala ko sa kan'ya, mas gugustohin n'yang mag isa. At ang maka sama ang boring at binubully lang na kagaya ko? Hindi siguro.

"I didn't have any choice." Maikling sabi n'ya. Kasing lamig ng yelo ang boses, pero sa tingin ko naman ay natural lang sa kan'ya 'yun.

Psh! Ang sungit naman talaga oh! Pero alam ko. Pakiramdam ko talaga kaya s'ya suma-sama saakin, naaawa lang s'ya. O kung hindi man 'yun, gusto n'ya akong maging kaibigan? Pwede naman diba? Kasi sinasamahan n'ya ako.. na hindi naman n'ya ginagawa sa iba naming kaklase?

"Uh, Pierce.." Tawag ko sa kan'ya habang patuloy lang kami sa  pag lalakad. "Mag kaibigan na ba tayo?" Nakagat ko ang labi ko pero hindi ako nag sisising tinanong ko 'yun.

Natigilan s'ya. Literal na natigilan. 'Yung tipong parang may napindot ako button o remote control na nag patigil sa kan'ya. Sumingkit at nanliit ang napakaganda n'yang mga mata saakin.

"What?" Halos nandidiri na ang boses n'ya. Kulang na lang, mag pakawala s'ya ng mahinang tawa.

Napangiwi ako. Grabe naman ang reaksyon n'ya. Alam n'ya kaya 'yung salitang nakaka 'Offend'? Pero hindi talaga ako matigil sa pag iisip. Kanina-nina lang ako nakapag isip, ng pumasok sa utak ko na totoong mag kasama kami ni Pierce. Si Pierce na masungit at cool. Si Pierce na sikretong crush ng mga babae dito sa school.

Bumalik ako sa pag iisip kung bakit hindi parin kami 'friends' ni Pierce. Una sa lahat, pinagtanggol n'ya ako kila Victoria, pati na rin sa mga kaibigan nun. Pangalawa, pinagtanggol n'ya ako kay Kharl. Hindi naman talagang pinagtanggol, sinuntok n'ya si Kharl para saakin. Bakit n'ya gagawin 'yun kung hindi kami mag kaibigan? Tapos, Binigyan n'ya ako ng band aid nang malaman n'yang may nanakit saakin, pinahiram n'ya ako ng sapatos kahit na hindi kami sinasadyang nag kita. Binigyan n'ya ako ng panyo nung panahong.. umiiyak ako. Iyon talaga ang pinaka nagustuhan ko sa lahat. Nababasa ko lang 'yun sa mga novela, pero nangyari saakin. Hindi nga lang sa isang romantic na paraan, dahil sa naalala ko, hinagis n'ya pa saakin ang panyo at may sinabi s'ya saaking medyo harsh noon. Nilibre n'ya ako ng chuckie at sinamahan n'ya ako  sa pagka-cut.

Nakagat ko ang labi ko nang marealize na masyado na palang marami ang nagawa ng isang 'to sakin. Kailangan ko na pala s'yang mapasalamatan.

"Umamin ka, Pierce. Gusto mo akong maging kaibigan, diba?" Ngumisi ako dahil nakatingin parin ang mukha n'yang mala-model sa akin. Nakakahiya, malapit nang maging perpekto ang mukha n'ya, o hindi? Perpekto na yata. "Diba? Gusto mo?"

"The fck you're saying?" Aniya sa medyo gulat at iritadong boses.

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon