TKP 53

58.3K 1.9K 321
                                    

A/N: sa mga nagtanong saakin kung ilang chapters na lang, na sinagot ko, may madadagdag lang na kaunting chaps. Ako na ang mahina sa pag-eestimate. Sorry! Update: Hanggang chapter 55 na lang ito (or less) then PJ's POV, then Finale! Ciao! :*



TKP 53


Umihip ang malamig na hangin. Pag sinabi ko kaya sa kanya, ano ang magiging reaksyon nya? Lumunok ako. Hindi naman siguro sya magagalit saakin dahil may dahilan naman ako diba?


Naramdaman kong inaamoy ni Pierce ang buhok ko at lalong humigpit ang yakap nya.


"Pierce may tanong ako.." Sabi ko at niyakap lalo ang magkasamang tuhod na nasa tapat ng dibdib ko.


"Hmm?"


"Sa tingin mo kaya mo pang magkagusto sa ibang babae?" Tanong ko.


Natahimik sya doon. Nilapit nya ang ulo nya sa ulo ko at natawa sya. "Why?"


"Sagutin mo.."


Umiling-iling sya. "Ayoko ng iba."


Natawa ako. Of course nasasabi nya lang yun kasi ako ang mahal nya ngayon. Pero kapag naghanap na sya at nakulangan na saakin, makakayanan nyang nagmahal ng iba.


"Maybe hindi mo gusto, pero malay mo naman.."


"Why are you saying all of these?" Tanong nya, hindi na natutuwa ang boses nya.


"Wala lang." Maikling sabi ko.


"Bakit nga?" Medyo naiirita ang boses nya at hindi ko alam kung bakit.


Nagkibit balikat ako. "Kasi hindi naman tayo sigurado sa isa't-isa eh. Oo mahal kita, gusto ko tayo na hanggang sa huli, pero nagbabago ang mga tao diba? Nagbabago ang lahat—"


"Why are you so negative?" Galit ang tono nya.


"Pume-pwesto lang ako sa katotohanan, Pierce.." Tumawa ako kahit walang nakakatawa. "Pwedeng hindi talaga tayo sa huli, pero kung mangyayari yon, sana hwag mo akong kakalimutan ah? Hwag mo akong susungitan kapag nagkita tayo katulad ng ginagawa mo sa ibang babae. Masakit yun, Pierce." Pagbibiro ko pa.


Bigla na lamang nyang siniksik ang ulo nya sa leeg ko. "Iyan ka na naman eh.." Bulong nya. "Sinasaktan mo na naman ako.." Narinig ko na naman ang boses nyang parang mababasag.


At nasasaktan na naman ako. Hindi kita sinasaktan. Ipaglalaban ko naman to eh. Gusto ko lang subukan ka ngayon. Gusto kong malaman ang mga pananaw mo bago ko sabihing aalis na ako. Pampalakas lang ng loob na makakayanan natin to.


"Hindi naman kita sinasaktan, Pierce. Nagsasabi lang ako ng totoo.. ang bata-bata pa natin. Tingin mo ba wala ka nang makikilalang iba?"

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon