TKP 35

84.7K 2.4K 529
                                    

TKP 35

Hindi ko malamam ang gagawin. Nang makita ko kanina ang mabangis na mata nya ay kinabahan na ako. Parang nagwawala ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Kinakabahan ako dahil nakita nya akong may kasama, at natutuwa dahil nakita ko ulit sya matapos ng ilang araw.

Hindi ko alam ang gagawin kaya naman natangay na lamang ako ni Patrick pero unti unti ko ring tinanggal ang pulso ko sa kamay nya nang hindi nya napapansin.

Nang tumingin ako sa likod ay nakita ko sya mula sa malayo na nakatitig parin. Tahimik lang ang itsura nya at malamig na nakatingin saakin. Diretso at confident ang tayo nya na para bang sya ang pinaka-masungit na tao na hindi mo pwedeng banggain. Ang barkada nya ay nakatingin lang din habang nakadikit parin kay Pierce.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Kinakabahan ako. Gusto ko syang lapitan at ipaliwanag kung bakit ko kasama si Patrick pero nahihiya ako. I mean, hindi pa naman ako gustong-gusto ni Pierce para ipaliwanag sa kanya ang nangyari at mag-assume na nagseselos sya, diba?

"Princess.." Tawag saakin ni Patrick dahil nakahinto na ako sa paglalakad. Nakatingin lang ako kila Pierce.

Tumingin ako kay Patrick. He doesn't look really happy. Maybe dahil iyon sa kanina nya pa pagpapakita ng hints saakin pero dinidedma ko lamang iyon.

Yes, I know.

"Sorry, Patrick." Tumingin muli ako kila Pierce. Naka-awang na ngayon ang labi nya na naghihintay saakin. "Kasi nandoon si Pierce eh. Baka magalit saakin." Sabi ko lamang.

Alam kong kilala nya si Pierce. Imposibleng hindi, dahil kilala na ng lahat si Pierce.

Nanatili ang titig nya saakin, maya maya ay sumulyap sya kila Pierce at bumalik muli saakin. "Oo nga pala." Tumawa sya ng mahina at nagkamot ng ulo.

Nakagat ko ang labi ko nang mag-iwas sya ng tingin saakin. Obvious naman eh. Gusto nya ako, pero bakit ako pa? May itsura naman sya at madaming ibang babae.

"Sorry talaga." Sabi ko lang at pinaparamdam ko sa kanya na iiwan ko na sya.

Tumango lamang sya at tumawa. "Ayos lang, ano ka ba," Umawang ang labi nya at napalunok. "Akala ko kasi may chance ako sa'yo.."

Natigilan ako doon pero agad na nakabawi nang makitang umurong sya. Gusto ko mang lapitan si Pierce ay hindi ko magawa dahil kay Patrick. Hindi ko sya pwedeng basta-bastang iwan, lalo na ngayon.

"P-pero--" Hindi ko maituloy-tuloy ang sasabihin ko. "May.. Pierce na kasi ako."

Natawa sya lalo doon. Natawa sya sa sarili nya. "Akala ko nga chismis lang 'yung pumoporma sayo si Jimenez. Haha! Okay lang. Crush lang naman kita, lakas kasi ng charm mo. Madami kayang nagkaka-crush sa'yo sa room namin." Sabi nya lang na tinggap ko bilang biro. "Sige alis na 'ko."

Tumalikod sya saakin at nakita ko syang nakayuko. Napapikit ako ng mariin nang makitang lumalayo na nga sya. Napatingin ako kay Pierce na nakatingin parin at walang pinapakitang emosyon, mukhang hinihintay  ako. Napa-iling na lamang ako sa kanya. Pinuntahan ko si Patrick para man lang sana ihatid sya kila Loraine at magpaalam na rin. Hindi ko malaman ang gagawin ko!

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon