TKP 22

93.3K 2.5K 556
                                    

22: 2377

Hindi ako nakapaghapunan dahil nakatulog na naman ako. Paggising ko ay medyo maayos na ang pakiramdam ko pero masakit parin ang puson ko. Sana ay hindi ito lumala ngayong araw.

Naghanda ako para sa pagpasok sa school. Nang tignan ko ang itsura ko sa salamin ay parang wala akong tulog, kahit na sobra-sobra pa nga.

Hinipo ko ang sarili ko at medyo mainit ako. Hindi naman ako sakitin, pero kapag nagkasakit ako ay sobrang hirap at matagal.

Papasok ako ngayon dahil friday naman na. Makakayanan ko pa naman siguro ito hanggang mamayang hapon. Sana.

Nang makarating ako sa classroom ay madami na akong kaklase. Magulo na dahil medyo nalate ako, buti na lang at wala pa si ma'am.

"Hey, Cess. Okay ka lang ba?" Tanong agad ni Loraine nang makapasok ako. Nag-aalala ang mukha nya.

Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. Ang gusto ko na lang muna ay dumiretso sa upuan ko para umupo.

Nakita kong nandoon na si Pierce. Nasa may bandang harap sya, may mga kausap syang mga lalaki naming kaklase. Nang umupo ako doon ay naguusap-usap parin sila habang tahimik lang si Pierce na nakikinig. Nakita ko syang sumulyap saakin.

Naalala ko tuloy yung mga text ni Pierce sakin. Hindi na ako nakapagreply sa kanya pagkatapos nyang magsorry. Galit kaya sya?

Hindi ko na iyon napansin. Sumubsob muli ako sa desk ko at naghintay na lang sa teacher namin.

Wala kaming masyadong ginawa. May pinagawa lang na activity ang teacher namin at sa tingin ko ay magiging assignment na ito dahil malapit ng mag time.

"Princess." Untag ni Pierce. Ang kauna-unahang tawag nya saakin simula kanina. Iniisip ko kasi na galit sya kaya hindi sya nagsasalita. At wala rin naman akong balak na suyuin sya kung galit man sya.

Nilingon ko sya. Seryoso ang tingin nya saakin at parang may patataka sa mga mata nya.

"Are you sick?" Tanong nya. Nanatili ang dalawang mata nya sa mukha ko, parang naghahanap ng butas.

Umiling ako. "Ayos lang ako." Kahit ang boses ko ay mahina. Ramdam kong mainit ang mukha ko pati na rin ang paghinga ko, o ang hangin na lumalabas sa ilong ko.

Sana pala ay hindi muna ako pumasok. Lalo yatang sumasakit ang ulo ko.

Tumayo si Pierce mula sa upuan nya. Pinanuod ko sya hanggang sa laglasan nya ang dalawang bangko at umupo sa upuan na nasa tabi ko. Naamoy ko ang pabango nyang mukhang mamahalin.

Inalagay nya ang likod ng palad nya sa noo ko, para pakiramdaman. Sa ginawa nyang iyon ay parang lalong nag-init ang mukha ko. "Damn, ang init mo." Nakita ko ang pagkunoy ng kilay nya.

"Kaya ko pa naman, Pierce." Tinanggal ko ang kamay nya sa noo ko.

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon