TKP 45

68.9K 1.8K 411
                                    

TKP 45


Pumunta kami ng canteen ni Loraine ng kaming dalawa lang. Ramdam ko na mas rumarami ang nagtitinginan samin ngayon. Hindi ko alam kung dahil ba sa naguusap sila tungkol saamin ni Pierce, kasi wala si Pierce sa tabi ko na ngayon lang nangyari o dahil din sa break up ni  Enzo at Loraine.


"Princess!" May tumawag saakin.


Nilingon ko sila Yvo na kumakain sa table na palagi nilang inuupuan.


Lumapit saamin si Yvo. "Si Pierce?" Tanong niya.


Ayoko naman nang malaman nila na may problema kami ni Pierce. "Baka daw sumunod na lang sya, may ginagawa eh.." Sabi ko.


Tumango tango sya. "San kayo? Punta kayo samin pagbili nyo, ah?" Pag-aaya nya at tinuro ang lamesa kung saan nandoon din sila Clinton.


Tumango ako at umalis na si Yvo.


Nang matapos kaming bumili ay pinuntahan na naman sila. Kahit wala si Pierce ay close ko naman na sila kaya ayos lang. Umupo ako sa tabi ni Yvo, ako ang dulo. Sa harapan ko naman ay si Loraine, Paris at Ace. Katabi ni Yvo si Clinton at si Jynx ay sa kabilang dulo.


Nasaan kaya si Pierce? Saan kaya yun nagpunta? Saan sya magla-lunch? Ayoko namang dahil lamang sa pag-iwas nya sakin ay napapabayaan nya na ang pagkain nya.


"Guys, tahimik nyo?" Tanong ni Yvo.


Sa pagkain ko ako nakatingin. Nang walang sumagot kay Yvo ay tumingin ako para sana sagutin sya. Nakita ko syang nakakunot ang noong nakatingin kay Loraine habang hinahawakan ang ibabang labi.


Tinignan ko rin si Loraine. Tahimik sya at malamyang nakahawak sa kutsara.


"Lor, anong gusto mo? Balik na tayo sa room?" Nag-aalalang tanong ko. Halos tapos ko na rin naman ang kinakain ko, at baka hindi lamang sya komportable sa mga kasama namin.


"Hindi, ayos lang ako." Malumanay na sabi nya. Kung titignan sya ay para bang magkakasakit sya ano mang oras.


Nilalaro nya ang pagkain nya gamit ang kutsara. Hindi pa iyon nangangalahati.


"Masama ata pakiramdam ng kaibigan mo, butter— Princess."


Kinunutan ko lamang ng tingin si Yvo. Hindi ko muna sya pinansin.


"Ah, hindi ba sumasakit ulo mo?" Tanong ko.


Tumawa lamang si Loraine na para bang baliw ako na tanong ng tanong. Nagkukunwari syang maayos pero alam kong hindi.


"Baka naman gusto lang magpahangin ng kaibigan mo, Princess?" Ani Yvo.


Bakit ba singit ng singit to?

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon