TKP 41

71.1K 2.1K 297
                                    

TKP 41



Habang nakasakay ako sa sasakyan nila Pierce, nakaunan lang ako sa dibdib nya. Syempre, gusto ko pang magtagal na kasama si Pierce pero hindi pwede dahil mapapagalitan ako ni mama. At ayaw din naman ni Pierce na gabihin ako, kaya sya na rin ang nag-aya.



Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. Nang kuhanin ko iyon para tignan ay naramdaman ko si Pierce na nakatingin rin sa phone ko.



From Loraine:

I dont know what to do na. Please, princess answer my call. 



Nagulantang ako sa text nya at marami rin pala syang tawag saakin na hindi ko nasagot dahil magkasama kami ni Pierce kanina. Ngayon ko lang iyon nakita.



To Loraine:

Uy, anong nangyari sayo?



Bigla syang tumawag. Nakita ko si Pierce na nakatingin. Pinakita ko sa kanya na si Loraine ang tumatawag. Sinagot ko iyon agad.



"Loraine?"



"Cess.." Humikbi sya. "Nahuli ko na sya! Nahuli ko na!" Iyak sya ng iyak. "Nakita ko na talaga this time! Putangina ang tanga tanga ko!" Narinig ko ang garalgal nyang boses.



"Loraine, kalma ka muna. Pupunta ako dyan, okay?"



Suminghot lamang sya at hindi na nagsalita. Kinabahan ako para sa kanya. Ang lungkot lungkot ng boses nya at halatang nasasaktan. Ayaw kong maramdaman nya yung pakiramdam na walang karamay. Kasi sobrang hirap. Pinatay ko na ang phone ko. 



"Pierce, sa bahay ako nila Loraine muna."



Kumunot ang noo nya. "What? Hindi pwede. Anong oras na."



Umiling ako habang tinitignan ang daan na malapit na kila Loraine. 7:00 palang. 



"Uuwi rin agad ako."



"Tsk, hindi pwe--"



"Please, Pierce! Hwag ngayon! May problema ang bestfriend ko!" Sigaw ko sa kanya. Ni hindi ko sya matignan dahil panay ang tingin ko sa labas.


The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon