TKP 34

85.7K 2.2K 658
                                    

TKP 34


Nakagat ko ang labi ko habang nakatingin sa phone kong nagba-vibrate. Agad ko iyong kinuha mula sa lamesa dahil naramdaman kong nakatingin doon si Clinton.


Tinitigan ko pa ang screen na may nakalagay na pangalan ni Pierce. Tumatawag sya pero nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi.


Alam kong wala syang kasalanan at walang malay sa nangyayari pero kasi, naiinis ako. At ayoko namang sungitan sya ngayon. At bakit nga ba ako naiinis sa simpleng bagay na nangyari na matagal na ang nakalipas?


For fck's sake! Grade 4 pa sila noon. Bakit ba naiinis ako? Dahil ba si Elaine 'yun? Dahil ba nakaka-insecure talaga sya?


Namatay na ang tawag ni Pierce at napabuntong hininga na lamang ako. Matapos ng lunch ay hinatid ako nila Yvo sa room namin. Ang sabi nila ay ihahatid daw nila ako at maaga na akong nagpahatid dahil ayoko namang maka-abala sa kanila kung sakaling may mga pupuntahan pa sila.


Nakaupo lang ako sa room mag-isa, 'yung ibang kaklase ko na nagsisi-pasukan na ay hindi ko naman mga gaanong close.


Nawala 'yung nararamdaman kong excitement na makita si Pierce. Para bang bigla na lang namatay 'yung nararamdan kong tuwa at saya para sa kanya. Wala lang naman 'to pero grabe naman ako kung magreact.


Tumawag ulit si Pierce at nakaramdam ako ng lungkot. Ang sama ko. Hindi ko sya pinapansin dahil lang sa ganung kaliit na bagay.


"Nakakainis.." Mahinang bulong ko at dumukdok na lamang sa armrest at naghintay na lamang para sa una naming klase.


Ang sakit sa ego. Para talaga akong pinagsakluban ng langit at lupa. Lalo pang tumitindi ang insecurities ko. Ako naman ang sinasabi nya na gusto nya pero nagdududa parin ako, una ay dahil hindi naman ako kagandahan, pangalawa ay wala namang kagusto-gusto saakin. Tapos lalo naman ngayon na nalaman kong nagkagusto sya kay Elaine. Aba, nawala na ang lahat ng confidence ko!


Nagkagusto parin sya kay Elaine at pwede iyong bumalik. Ang ganda naman kasi talaga ni Elaine! Anong panlaban ko?


Tinakasan ko sila Yvo noong uwian. Ayoko muna silang makita. Ayoko muna silang makasama, naalala ko lang si Pierce sa kanila dahil syempre sya ang madalas napag-uusapan kapag nandoon ako.


Kasabay kong umuwi si Loraine at tahimik lamang ako habang katabi sya, habang sya ay nagke-kwento tungkol sa kanila ni Enzo na hindi ko maintindihan.


"Bakit ba mukhang ang lungkot lungkot mo?" Tumigil sya sa pagke-kwento at tinaasan ako ng kilay.


Tumingin ako sa kanya habang nakasakay kami sa taxi. Sabihin ko kaya sa kanya? Bumuntong hininga ako.


Hindi na lang muna siguro. Parang maliit na bagay lang naman 'yun eh. Ang babaw ko lang talaga.


"Kasi may binabasa akong story. Tapos 'yung babae, buong akala nya, sya lang 'yung gusto nung lalaki. As in buong inisip nya, sya lang at walang kahit na anong past 'yung boy. Inakala nya na sya 'yung unang babaeng nagustuhan nung lalaki. Ang cute na nga sana eh. Ang saya at nakaka-excite.." Nag iwas ako ng tingin at humarap na lamang ng upo. "Tapos nalaman nya bigla na may nahalikan na pala 'yung lalaki dati, at may ibang nagustuhan na."

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon