TKP 47

65.8K 2.2K 600
                                    

TKP 47


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya ngunit hindi ko iyon sineryoso. Lasing pa sya at wala pa sya sa tamang pag-iisip nya. Baka kung ano-ano lang ang pumapasok sa isip nya.


"Nagpasundo na ako kay tito.." Ani Jynx.


Nakahinga ako doon ng maayos. Mabuti naman at magpapasundo sila. Ano bang iniisip nila? May christmas party pa kami bukas. Hindi rin ba sila magsisi-punta doon?


"Hindi ba kayo pupunta ng christmas party bukas, Yvo?" Tanong ko kay Yvo na nakadukdok sa table ngunit nakadilat.


"Pupunta.." Wala sa sarili nyang sabi.


Nagbuntong hininga ako. Magsisipag-inom pero mga hindi naman kaya. Lasing yata silang lahat. Pinakamatino lamang yata si Jynx at Clinton.


Napatingin ako sa katabi kong si Pierce na mukhang hilo parin at medyo inaantok. Nakasandal ang leeg nya sa headrest ng sofa at nakahawak sa kaliwang kamay ko.


Pinasadahan ko ng kamay ko ang buhok nya na magulo, medyo namamasa iyon dahil pawis sya. "Masakit ba ang ulo mo? Hindi ka ba nasusuka?"


Tumingin saakin ang mga namumungay nyang mga mata. Tumango-tango sya. "Medyo nasusuka ako.."


Ngumiwi ako. "Tsk! Kasi maglalasing-lasing ka, tapos hindi mo naman kaya!"


Tumayo ako para hilahin sya patungo sa banyo. Inalalayan ko sya.


Nakasimangot lamang sya. "Simple lang, hwag kang makikipagbreak sakin, para di ako mag-inom."


Natawa ako. Tinulak ko sya papasok sa banyo. "Oo na, oo na. Oh, sumuka ka muna para guminhawa ang pakiramdam mo.."


Pumasok sya sa banyo at hinintay ko sya. Matapos ang ilang minuto ay lumabas na rin sya.


"Nai-suka mo ba?" Mahinahong tanong ko.


Umiling-iling sya. "Ang hirap."


Umirap ako at inalalayan sya. "Ikaw talaga, kulit mo kasi eh." Muli kaming umupo. "Anong sabi ng mommy mo sayo? Pinayagan ka bang mag-inom? Ishh.."


"She doesn't know."


Kumikirot ang ulo ko kay Pierce! Bakit ganito katigas ang ulo nya? Hindi ko naman sya pwedeng pagalitan ngayon, baka magwala sya.


"Tsk.." Sagot ko na lang.


Nang dumating ang sasakyan ng tito ni Jynx ay pinasakay nya kaming lahat. Una na daw akong ihahatid.


"How could you do that?" Namamaos ang boses ni Pierce. Kami ang nakaupo sa pinakalikod ng sasakyan.

The Knightless PrincessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang