TKP 54

63.3K 2.2K 659
                                    

TKP 54


Mabigat na mabigat ang kalooban ko kinabukan pag gising ko. Ang sinabi saakin ni Pierce na ite-text nya ako ay hindi nangyari. Wala kahit isang mensahe mula sa kanya.


Galit sya saakin at ang sakit isipin nun. Bakit ba ayaw nya akong intindihin?


Pati kina-umagahan ay wala akong na-tanggap na text mula sa kanya. Ako na ang nagtext para hindi na tumagal ang away.


To Pierce:

Good morning! Kamusta umaga mo? =)


Naghintay ako ng mensahe mula sa kanya ngunit lumipas na ang kalahating oras ay hindi naman sya nagreply. Siguro ay masama lang talaga ang loob nya. Hindi ko naman sya masisisi dahil nabigla ko sya. Ang saya-saya pa naman namin nitong nakaraang mga araw pagkatapos ay bigla ko na lang sasabihin to.


"Samahan mo muna ako, Princess." Sabi ni mama saakin noong 2:00 ng hapon.


Agad akong tumalon mula sa sofa at sumamang lumabas kay mama. Marami-rami pa kaming bibilhin na mga kailangang dalhin. Hindi kasi kami handa kaya talagang busy.


Lutang ako habang nakasunod lamang kay mama sa mall. Wala paring text mula kay Pierce. Galit nga talaga sya. Aalis ako ng galit sya saakin?


Hindi ko naman kasi pwedeng sang-ayunan ang mga sinasabi nya. Napaka-bata pa namin. Kahit pa may pera sya pang-sunod, hindi pa rin maari. 15 lang ako. 16 sya. Hindi magandang gumawa ng desisyon ng ganito kaaga. Kahit saan tignan, ang bottomline talaga ay masyado pa kaming bata.


Long distance relationship. Huh. Paano namin magagawa yun kung ayaw naman nyang maki-sama.


Nagtype ako ng text para kay Pierce ngunit wala na akong maisip. Kanina ko pa sya tine-text. Ano pa ba ang dapat na sabihin ko?


Habang nag-iisip ng ita-type ay may nakabanggaan ako kaya muntik ko nang mabagsak ang cellphone ko.


"Uy, Princess?" Pamilyar na sabi ng nakabangga ko.


"Uy, Yvo." Ngumiti lang ako.


Napahinto naman si mama at nakatingin saamin. Napatingin rin si Yvo kay mama. Si Clinton lang ang kasama nya, wala sila Paris.


"Ah, mama ko pala." Sabi ko at tinuro si mama. "Ma, mga kaibigan ni Pierce."


Tumawa si Yvo at lumapit kay mama para magmano. "Hello po, ako po si Yvo Ponferrada, naike-kwento po ba ako sa inyo ni Princess?" Tanong ni Yvo.


Tumawa lang si mama sa biro ni Yvo. Hinampas ko sya ng mahina sa balikat dahil sa kayabangan nya. Ang katabi nyang si Clinton ay nagmano rin kay mama.


"Princess, pasok lang ako doon, sunod ka na lang." Sabi ni mama saakin at tinuro ang pupuntahan nya.


The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon