TKP 29

101K 2.5K 643
                                    

TKP 29

Halos mabaliw ako noong gabi na iyon. Hindi na ako nakapagsalita hanggang sa nakaramdam na ako ng antok.

Inaya ko sya na matulog. Hindi ko mapigilan ang ngiti hanggang sa tinabihan ko na si Kret sa kama. Nakita ko naman syang umupo aa sofa.

"Pierce, saan ka matutulog?" Kunot noong tanong ko.

Tinignan ko sya na ipinagkakasya ang katawan sa may kalakihan ngunit maliit parin para sa katawan nya na sofa.

"Here?"

"Seryoso ka ba? Sasakit ang likuran mo dyan. Malaki naman ang kama mo.." Sabi ko at sinuri ang kama nya. Malaki ito, kasyang-kasya pa sya.

"It's okay. I'll sleep here." Sabi nya at humiga na sa sofa nya.

Nakagat ko ang labi ko. Magtitiis sya sa masikip na sofa na iyon kung meron namang malambot at malaking kama dito? I mean, kwarto nya 'to? Wala namang malisya saakin kung tatabi sya. Isa pa, sa gitna naman namin si Kret.

"Pierce, maluwag pa dito oh.." Sabi ko habang nakaupo parin sa kama.

Nakita ko syang ipinatong ang forearm nya sa noo nya at ipinikit ang mata. Madilim na dahil patay na ang ilaw, pero hindi naman nakaharang ang makapal nyang kurtina sa malaki nyang bintana. Iyon ang nagbibigay saamin ngayon ng kaunting ilaw.

"I said it's okay." Mahinang sabi nya habang nakapikit parin.

Bakit kasi kailangan nyang magtiis sa sofa na iyon? Kahit na malaki pa 'yon, nakakakonsensya parin. Buti na lang ay dito natulog si Kret, mas nakakahiya kung ako lang dito sa kama nya.

"Pero Pierce..." Pagpilit ko pa sa kanya.

Narinig ko ang ngisi nya. "Sleep now."

Sumimangot na lang ako dahil hindi naman ako mananalo sa kanya. Humiga ako ng maayos at nagkumot. Nakatingin lamang ako sa kisame.

"Pierce, may kumot ka na ba dyaan?" Tanong ko. Bigla ko lang syang naalala. Masyado naman syang nakakaawa kasi.

Hindi sya sumagot. Nakatulog na agad? Medyo inangat ko ang ulo ko para silipin sya. Wala syang kumot.

Ganun parin ang posisyon nya at nakapikit parin. Nakataas ang paa nya sa arm rest dahil masyadong mahabang ang bias nya. Balot na balot naman sya sa suot nyang hoodie at sweatpants kaya sa tingin ko ay hindi na sya nilalamig, pero kahit na.

Tumayo ako at kumuha ng malaking kumot. Naglakad ako papalapit sa kanya at medyo nagbend para mai-laatag ko iyon sa katawan nya.

Bigla syang dumilat. Gising pa pala si sungit. Inayos ko pa ang kumot sa katawam nya.

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon