Chapter 7

96.8K 2.5K 371
                                    

TKP 7

"Nanginginig," Pagpuna ni Pierce sa nanginginig na kamay ko.

Nakagat ko ang loob ng pisngi ko dala ng sobrang kaba. Hindi nya makukuha ang pulse rate ko kung nanginginig ang kamay ko. Isa pa, nakakahiya! Anong iisipin nya? Na sobra akong mag re-reak?

"S-sorry." Inawang ko ang bibig ko at sumagap ng maraming hangin. Tumingin ako sa itaas sa langit para mawala ang titig ko kay Pierce. Isang minuto nya iyong hahawakan! At halos tatlong minuto nya na ata hawak ang pulso ko dahil hindi nya mahanap ang kakapain!

Pumikit ako habang nakataas parin ang tingin. Medyo nakaupo kasi si Pierce. Ang sampong segundo ay katumbas ng isang minuto ng mga oras na yon!

"Na a-ano ka?" Tanong nya bigla at naramdaman ko ang marahan nyang pagbitaw. Nang tumingin ako sa kanyang muli ay nakatingin sya saakin na nag ta-taka.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nya at nilista ko na sa papel ko ang sinabi nya. Pinagpa-pawisan ako ng malamig. Ngayon naman ay sa kanya naman ang kukuhanin ko. Pwede naman sana itong solo na lang e, bakit ba kasi by partner pa?

Nag a-alangan pa ako na nilahad ang kamay ko. Bakit sobrang akong na i-ilang kay Pierce? "Akin na kamay mo.."

Nakita ko ang medyo pag awang ng labi nya pagkatapos ay muntik na syang mag pout! Inilahad nya saakin ang kamay nya. Nanginginig na naman ang kamay ko nang hawakan ko sya. Kailangan kong aminin na masyadong nakaka intimida ang presensya nya. Una, tahimik sya. Pangalawa, masungit sya. Pangatlo, ang misteryoso nya. Hindi mo malaman ang iniisip nya kahit na halos mamatay ka na dahil sa kagustuhan mong malaman!

"Tsk." Narinig ko na naman ang pag-tsk nya. "Why are you shaking? Are you scared?"

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi nya. Scared? Hiyang-hiya pa naman ako na baka nahahalata nya na hindi ko kaya ang bigat ng.. err, charms nya. Iyon naman pala, iniisip nyang natatakot ako?

"Hindi, Pierce." Sabi ko at sa wakas ay nakapagsalita akong muli nang hindi nag ka-kamali!

Hinanap ko kung nasaan ang tibok ng pulso nya. Nasaan na..? Hindi ko yata mahanap dahil kabado ako. Nagulat ako nang hawakan ng isa nyang kamay ang kamay kong nakahawak sa pulso nya.

"You're too soft," Sabi nya at nanlaki ang mata ko nang hawakan nya ang daliri ko! Gina-guide nya iyon! Nasa taas ng kamay ko ang kamay nya, at kung ihaharap ko ang kamay ko, holding hands na kami! Napailing ako sa utak ko, ano bang iniisip ko? "Medyo diinan mo, para maramdaman mo."

Napalunok ako sa sinabi nya. Sumunod ako at nahanap ko naman iyon agad. "E-eto na."

"When will you stop stuttering like crazy?" Tanong nya sa iritadong tono. Nakagat ko ang labi ko sa takot. Nakakatakot na masungitan nya lalo na't ganito kami kalapit sa isat isa. Hindi ako komporatble sa kanya. O hindi ako komportable sa gwapong mukha nya na malapit sa mukha ko?

"Sorry.." Kinuha ko ang lahat ng lakas para hindi mautal. Napalobo ko ang pisngi ko ng kaunti para hindi nya makitang lalo akong tensed. Bakit ba kasi ang sungit-sungit nya? Kakaibang sungit meron sya e. Sya kasi yung tipo na mukhang hindi nag bi-biro, pero kahit ganun, bagay naman sa mukha nya ang kasungitan nya.

Napaatras ako ng hinila nya ang kamay nya mula saakin. Natigilan ako doon. "Ako na nga lang! I-timer mo." Masungit na sabi nya.

At ginawa ko ang utos nya. Matapos iyon ay i-pinasulat pa nya saakin yung sa kanya sa papel nya, ika nya ay wala syang ballpen. Parang hari, tss.

Pagkatapos ng nakaka-kabang hawakan ng pulso na iyon, sinunod naman namin ang running. Ang totoo ay hindi ito nagustuhan nila Victoria dahil ayaw nila mapagod at mapawisan. Sabi naman ng MAPEH teacher namin ay kailangan ito para i-test kami at ang katawan namin.

At dahil tinatamad si Pierce, sya na lang ang humawak ng timer at sabay-sabay kaming tumakbo para orasan nya kami. Hindi sya tumakbo, pero nilagay nya sa papel nya kung ilang minuto ang inabot nya. Ang daya naman. Hindi naman nag reklamo sila Victoria.

"Pulse rate ulit!" Palakpak ni Fiona. "Pulse rate para doon sa without rest." Aniya at pinuntahan muli si Victoria.

Kinabahan ako. Hahawakan ko na naman ang pulso ni Pierce at hahawakan nya ang saakin! Paano kung sungitan nya ulit ako?

"Pierce, pwedeng tayo naman? Ako naman mag check ng saiyo." Malambing ang boses ni Victoria. Hindi ko aakalaing meron pala syang malambing na boses.

Tinignan sya ni Pierce at eto na naman ang masungit nyang mata. "Ayoko."

Nakagat ko ang labi ko at pinigilang tumawa. Iyon lang yun? Kaya nyang sabihin iyon ng ganun-ganun lang?

"Hu-huh? Ba-bakit?" Pini-pisil pisil nya na ang palad nya.

Nag kibit balikat si Pierce at nag lakad papunta saakin. Hindi pa sya nakakalayo kay Victoria nang hawakan sya ni Victoria. "Bakit si Princess na naman? Nakakainis! Pumayag na nga ako na kasama sya sa group e!" Parang makikita ko na syang ngumawa.

Kumunot ang noo ni Pierce at naiinis nyang kinagat ang labi nya na parang nag pi-pigil sa galit. Marahas nyang tinanggal ang kamay ni Victoria na naka-kapit sa kanya kaya halos mapaurong si Victoria. May nalaman na naman ako sa kanya: Hindi sya gentlemen. Oo, hindi sya nananakit, pero wala naman syang pakundangan kung nakakasakit man sya.

"What? Mag i-iba ba ang pulse rate mo If I'm the one to check?" Inosenteng tanong nya pero amoy ko ang pang-uuyam. Tumaas pa ang kilay ni Pierce. "And no one asked for you permission, for Princess to enter the group." Tumingin saakin si Pierce na ikina-bigla ko. "Sinabi kong satin sya, kaya satin sya." Period. Wow, Pierce! Hanga ako sa kanya. Parang siga.

Natigilan doon si Victoria at mukha syang napahiya. Sila Fiona ay nanunuod lang saamin.

"Pero hindi naman sya kailangan sa grupo na'to a!" Sigaw ni Victoria. Pansin kong sya lang ang may kayang mag salita kay Pierce, pero tiklop parin.

"Why? You think the group needs you, then?" Bored na tanong ni Pierce. Hindi ko makuha, bakit kailangan nyang mag sayang ng laway para saakin?

Hindi na nakapag salita si Victoria. Hiyang-hiya syang umalis sa harapan ni Pierce. Si Pierce naman ay chineck ang pulse rate ko para doon sa Without Rest.

Hindi ako umimik habang seryoso nyang hawak ang pulso ko na pinag da-dasal kong hindi nanginginig. Sinabi nya saakin ang nakuha nyang resulta. Kukuhanin ko na sana ang kanya nang maalala kong hindi sya tumakbo.

"Pano ka?" Tanong ko.

Umirap sya saakin at nag kibit balikat. "This thing looks like bullsht." Tukoy nya sa ginagawa namin. "I'll copy yours."

Hindi na lang ako umangal, it was Pierce's word. Should obey it. Nag pahinga lang kami saglit, tapos ay kinuha namin ang height at weight namin. Buong activity ay mukhang sobrang offend at disappointed ang itsura ni Victoria. Ni hindi sya makalapit kay Pierce kahit alam kong nag pa-papansin naman sya.

Kinuha ng teacher namin ang oras namin sa kabilang subject para matapos na lahat. Last na ang kukuhanin namin at sobrang nakakapagod magpa lakad-lakad sa school.

"Ay sorry!" Binunggo ako ni Victoria habang nag lalakad kami. Malaking babae sya kaya naman halos mabuwal ako kaya naman napahawak ako kay Pierce.

Nag tagpo ang kilay ni Pierce kaya agad ko ring binawi ang kamay ko. Tumingin ako kay Victoria na kulang talaga masyado sa pansin. Wala na siguro syang magawa at alam kong mamamatay na sya sa kagustuhang makasama o makatabi si Pierce na palagi kong katabi. Ewan, palaging nasasakto na ako ang katabi nya. Dahil siguro palagi akong nasa hulihan at sya naman ay sumusunod lang kila Fiona sa mga kailangang pupuntahan.

"Ooops!" Tumawa sya nang isang beses na mabangga ulit ako. Sinasadya nya! "Sorry ulit."

Nag tawanan sila. Naikuyom ko ang kamay ko. Pasalamat sila at marami sila. Tssk!

Bubungguin sana ulit ako ni Victoria pero nag taka ako dahil tumigil sya. Hindi nya tinuloy. Nakatingin sya kay Pierce na nakatitig saamin, kay Victoria ng masama.

"Isa pa.." Ani Pierce sa mababa at mahinang tono. Iyon lang ang sinabi nya. Dalawang salita na nag silbing banta. Binitin nya sa hangin ang salita nya, pero sobrang nakakakilabot na maging si Victoria ay walang nagawa kundi ang lubayan ako.

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon