CHAPTER #45:SHOOT HIM!

7 0 0
                                    

KAHIT na nakalagay sa garbage bag ang walang malay na si Charmie ay hindi naman ito nakaligtas sa matalas na pang-amoy ni Dean. Maging sina Melanie, Laurell at Irina ay naagaw ang pansin sa sinabing iyon ni Dean.

"Tanga ka ba? Basura ang laman nito---"

"Huwag mo akong linlamgin! Naaamoy ko na si Charmie ang laman nyan! Sino ka?!" Seryosong tanong ni Dean.

"Tabi!" Sabi naman ni Pauline at sinapak siya...

"Aaaah!"

"Mahuna!" Sigaw nito sa mismong mukha niya.

Mayamaya ay hinila nito si Joshua at umalis hila;hila ang garbage bag

"Hindi! Mahal!" Sigaw naman ni Dean.

"Shit! Itinuloy pa rin nila! Kayo! Tumayo kayo at sundan ako!" Sabi ni Vanessa na bigla na lang sumulpot sa kanilang harapan.

"Huh---"

"Si Charmie yun! Dali! Sundan niyo ako!" Sabi naman ni Vanessa.

"Teka! Si Dean?!" Nay-aalalang sabi ni Melanie nang malingunang wala na si Dean sa kanilamg tabi.

"Dali! Sumunod na lang kayo!" Sabi naman ni Vanessa.

Kaagad na naglakad ito ng mabilis kaya nagsunuran na lang sila, bagama't nag-aalala dahil sa biglaang pagkawala ni Dean.

Mayanaya ay nakarating sila sa parking lot...

"Sakay!" Utos nito sa kanila. Walang paligoy-ligoy na sumakay sila ng kotse ni Vanessa. In-start agad ni Vanessa ang makina at agad na humarurot.

Samantala...

Dala ng emosiyon ay napaibang anyo si Dean ng hindi oras. Sa kasalukuyan ay buong bilis niyamg hinahabol ang kotse kung saan isinakay si Charmie. Sa kabilang banda naman ay kampanteng nagmamaneho si Joshua. Katabi niya si Pauline at nasa likod naman si Charmie na wala pa ring malay. Iginapos din nila ito para incase man na magising ito, hindi ito makatakas sa kanila.

"Ano na ang plano mo?" Tanong ni Pauline.

"Ihahanda ko na ang mga papeles para makalipad na kami sa susunod na linggo. Magpapakalayo-layo na kami" sagot naman ni Joshua na hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Dean na hinahabol pa rin sila.

"Hindi! Hindi niyo siya mailalayo!" Sigaw nito.

Samantala...

"Langya talaga!" Sigaw ni Vanessa habang sinusundan ang sasakyan.

"Jusko po! Bakit naman nila kimuha ang kapatid ko?" Ang nag-aalalang tanomg ni Melanie.

"May gusto ang lalaking iyon kay Charmie. Kaya nga paulit-ulit kitang binalaan, Laurell at kaya ko din itinapon ang kape na dapat ay iinumin ni Charmie, iyon ay dahil himaluan iyon ng gayuma. Isamg malakas na uri ng gayuma amg inihalo doom" sabi nito na ikinagulaf nila, higit lalo ni Irina naatagal na sa kanilang trabaho. Hindi niya kasi akalain na may itinatago pala ang kanilang manager at mas lalong himdi niya alam na may gusto pala ito sa kanyang bestfriend.

"Jusko po!" Sabi niya.

Mayamaya ay nakita nila si Dean na humahabol. Triple ang bilis nito lalo at nasa anyong aswang ito.

"Dean ang ngalan niya di ba?" Sabi ni Vanessa.

Magtanguam naman sila...

"Mabuting aswang siya ngunit mapanganib. Kaya hindi ma ako magtataka kung mangyayari ang kinatatakutan ko" sabi mito.

Samantala...

"Kuya, pabilisin mo"

Iyan ang sabi ni Pauline nang mapansin sa salamin na nakasunod pala any kotse ni Vanessa.

"Fuck! Talagang malaking hadlang ang Vanessa na iyan!" Sabi ni Joshua.

Sa mga oras na ito ay nasa daan na sila na mala-gubat pero madadaanan pa naman ng kotse. Inilabas naman ni Pauline ang baril at pinagbabaril ang kotse na nakasunod sa kanila. Narinig naman ni Vanessa ang putok kaya binuksan nito ang bintana.

"TUMIGIL KAYO! ITIGIL MO NA ANG KAHIBANGAN MO!" Sigaw nito na narinig naman ni Joshua kaya mas pinaharurot pa niya iyon lalo.

Samantala, nang alam na ni Dean na malapit na ito sa kotse na hinahabol ay buong lakas itong tumalon at bumagsak ito sa bandang likuran na nagduloy naman ng malakas na kalabog doon.

"Ano yun?!" Bulalas na tanong ni Joshua.

Paglingon naman ni Paulime ay nakita nito ang mukha ng aswamg. Kitang-kita dim kung paano nito kalmutin ang salamin sa likod. At nakita din iyon ni Joshua.

"Barilin mo!"

* END OF CHAPTER #45 *

DEAN SERIES #1:ASWANG HANDLERS ( COMPLETED )Where stories live. Discover now