CHAPTER #34:LALONG PAGTAAS NG DESPERASIYON

12 0 0
                                    

MAKALIPAS nga ang kalahating oras ay nakalabas na din sina Charmie at Dean sa CR. Sa puntong iyon ay napansin na iyon nina Irina at Laurell.

"Hoy! Bakit sabay kayo, huh?" Tanong ni Laurell.

"Oo nga at ano yung narinig namin sa loob?" Tanong naman ni Irina na tila nag-uusisa.

"Hoy! W-wala yun" agad na sabi ni Dean dahil may clue ito na narinig nila yung kanina.

"Sus! Wala daw pero kalahating oras sa loob" sabi naman ni Irina.

"Hay naku! Kung ano yung narinig niyo e narinig niyo na lang, huh?" Sabi naman ni Charmie na nakabihis na. Maging si Dean ay buhis na din na ipinagtaka naman nila.

"Oh, bat ka nakabihis din?" Taniong naman ni Irina.

"Halata ba? Ihahatid ko kayo" seryoso namang sagot ni Dean.

"Nice naman! Kasiya ba tayong apat diyan sa motor?" Tanong naman ni Laurell.

"Oo naman! Pang-apatan kaya 'to" sagot naman ng lalaki.

Matapos ang ilang minutong paghahanda ay gumayak na sila nang biglang makarinig sila ng busina. Pagtingin nila ay isang magarang Ferrari ang pumarada sa harap ng kanilang bahay. Bumukas ang bintana nito at ang nakangiting si Joshua ang bumungad sa kanila. Kumindat pa nga ito na hindi nakaligtas sa paningin ni Dean.

"Charmie, Irina, Laurell! Sakay na kayo!" Sabi nito mula sa loob. Napalapit tuloy si Charmie at napahaeak sa kamay ni Dean.

"May maghahatid na sa amin" sabi niya naman.

Napatingin naman ito sa motor na tinuro pa ni Charmie.

"Kasiya ba kayo diyan? Kung ako sa 'yo, dito na kayo sa akin at aircon pa" pagpaparinig banan ni Joshua.

'Aba! Nakakainis, sh! Kalma, Dean. Wag kang paoatol. Mahal ka niya'

Iyan na lang ang nasa isip ni Dean nang marinig ang parinig na iyon.

"Uhmmm... Mahal, sumakay na daw kayo" sabi niya.

'Tingnan natin'

Sa isip ni Dean dahil naisipan niya na subukan ang nobya.

"Oh, narinig mo ba yun? Dito na kayo. Kasi dito, aircon na tapos mabango pa. Hindi tulad na nasa motor ka, mainit na at baka maalikabukan ka pa" sabi naman ni Joshua.

"Sige na, Mahal. Okay lang ako" sabi ni Dean.

Napahinga naman ng malalim si Charmie at napabaling sa dalawa.

"Laurell, Irina, kayo na lang doon sa kotse at ako dito sa motor. Kasi ayokong makapanakit ng damdamin lalo na ng lalaking mahal ko at mahal ako" makahulugang sambit ng dalaga at pinisil ang kamay ni Dean. Sumang-ayon naman ang dalawa at sa bandang huli, sa motor sumakay si Charmie at sina Irina at Laurell naman doon sa kotse.

Samantala, inis na inis si Joshua  habang nagbabyahe dahil hindi mab lang niya naisakay sa kaniyang kotse ang dalaga para ihatid sa kanilang trabaho. Habang nagmamaneho ay pasimple pa niyang pinagmamasdan ang dalawa, higit lalo si Dean na abala sa pagmamaneho at si Charmie ay tamang nakaakap lang sa likod nito na nagpapadagdag pa sa inis nito.

'Nakakainis! Hindi naman sila bagay! May hitsura sana pero may lihim nanang itinatago'

Iyan ang inis na turan ni Joshua sa kaniyang isipan. Pero napangisi siya nang sumagi sa kaniyang isipan ang isa pa niyang plano mamagang break time.

* END OF CHAPTER #34 *

DEAN SERIES #1:ASWANG HANDLERS ( COMPLETED )Where stories live. Discover now