CHAPTER #2:ANG MAGKABILANG GANG

67 3 0
                                    

ILANG minuto din sina Charmie at Irina sa lugar na iyon. Nang paalisin na ng mga awtoridad ang mga nag-uusisa ay tsaka na din sila umalis at nagkaayaan na pumasok na sa trabaho.

Hanggang sa kanilang opisina na kanilang pinapasukan ay usap-usapan pa din yung babae na nabalita kanina lamang.

"Uy! Kawawa naman yung babae ano?"

"Oo nga, walang habas ang pumatay du'n"

"Wala talagang patawad ang mga aswang na 'yan. Dapat talaga sa kanila pinapatay"

"Oo nga! Inuunti-unti tayo"

Napahinga na lang ng malalim si Charmie. Naiinis kasi siya sa naririnig. Animo ay nilalahat nila ang mga aswang. Ganoon din naman ang nararamdaman ni Irina.

"Tsk, nakakainis sila!" Sabi ni Charmie.

"Hay naku! Hayaan mo na at mahirap makipagtalo" sabi naman ni Irina.

Alam kasi nila na oras na makipagtalo sila sa kanilang mga katrabaho tungkol dito ay baka mauwi lamang ito sa away.

Alam kasi nila na maraming galit sa mga aswang, without knowing naman na may mga mababait pang natitira sa mga ito.

Kaya sa halip na makipagtalo sila ay mas pinili na lang nilang manahimik at kumain ng kanilang pananghalian.

Samantala...

Sumapit amg gabi...

Tatlong magbabarkadang kabataan ang nasa daan mang mga oras na iyon. Masasabi mong maaangas sila dahil sa kani-kanilang mga porma.

"Tsk, away pala gusto nila, huh?! Di natin sila uurungan" sabi ng pinakamagangkad sa kanila na animo'y kanilang leader.

"Oo nga! Sila ang nagpasimula, tapusin natin!" Sabi naman ng isa.

Ang mga kabataan na ito ay grupo ng kinatatakutang Gamg sa lugar na iyon. Bale teritoryo nila ang barangay nina Irina at itong kinaroroonan ng grupong ito ngayon ay ang teritoryo ng gang na kanilang kaaway.

Noon lang kasing nakaraang linggo ay sinugod ng mga iyon ang kanilang teritoryo at basta na lamang maghamon. Kaya ngayon ay sila naman ang gaganti.

"Hoy! Magsilabas kayo! Mga bansot!" Sigang paghahamon ng kanilang leader na may kulay lilang buhok.

Narinig naman iyon ng kanilang mga kaaway at dahil teritoryo nila iyon, hindi sila pahuhuli at lumabas din sila.

"Aba! Anong ginagawa niyo dito sa teritoryo namin?!" Pasinghal na tanong ng leader ng kabilang grupo.

"Tsk, sinugod niyo kami di ba?! Nanamahimik kami! Ngayon, tatapusin namin kayo! Mga hangal!"

At hindi na hinintay pa ng grupong iyon ang sagot ng kabilang grupo at basta na lang nila kinuyog ang mga ito.

Kaya ang nangyari, palitan ng suntok na may murahan, basagan ng bote at hampasan ng tubo ang naging eksena nila.

"Aaaah!" Daing ng nasa kabilang grupo nang sunud-sunod na paghahatawin ng leader ng kabilang grupo ang isa sa mga myembro nila.

Hindi naman umubra iyon at sa huli, panay lang sila gantihan.

Walang tanod nqng mga oras na iyon kaya naman walang umaawat sa kanila.

Samantala...

Lingid sa magkabilang panig na nag-aaway ay isang lalaking aswang ang kanina pa nakatunghay sa kanila. Naglalaway ito sa gutom. Naghahanap lamang siya ng tiyempo para umatake.

* END OF CHAPTER #2 *

DEAN SERIES #1:ASWANG HANDLERS ( COMPLETED )Where stories live. Discover now